One-Shot #2: Solemn Vow

7 3 0
                                    

My foot couldn't lift its own heel. I couldn't even utter a word. There, my four-day man stood one meter away from me. Apat... Apat na araw ko siyang opisyal na pag-aari. Sa ika-limang bukang-liwayway, nagpadala siya ng mensahe na nagsasabing gusto niya ng makipaghiwalay. Napagod ba siya sa limang buwan niyang panliligaw? O nang sagutin ko siya, doon niya napagtantong wala pala akong ka-thrill-thrill?

Pero, sa tuwing tinititigan ko ang malamlam niyang mga mata na mayroong mapipilantik na eyelashes, nalulunod ako sa mga katanungang, hindi kaya mayroon lamang siyang pinagdaraanan? Gusto niya lang bang mapag-isa muna para makapag-pokus sa isang problemang hindi niya pa kayang ibahagi sa'kin dahil kahit ako, ang babaeng minahal niya, marami ring isipin sa buhay?

Kumuyom ang kamay kong nakahawak sa strap ng aking shoulder bag. Humakbang ako't kinalaban ang sama ng loob para sa kaniya. "How's life?" I asked him, hoping he would say he misses me the way I do.

He took one step forward, and rested his forehead on my shoulder. Nang uminit ang balikat ko, doon ko napagtantong inuna niya nga ang kapakanan ko. He's drowning in so much stress... in so much agony, at ayaw niyang malunod din ako habang nalulunod pa ako sa sarili kong problema.

But you know what, iyong simpleng pangungumusta mula sa taong mahal mo, magagawa niyon na bigyan ka ng pag-asang magpatuloy, lumaban. At ang simpleng paghakbang palapit sa kaniya, posible ring maging daan para magsama kayo sa hirap, sa ginhawa...

in sickness and in health...

"to love and to cherish,

until parted by death.

this is my solemn vow."


Just like him and I.

CyclicWhere stories live. Discover now