17

621 48 7
                                    

Kasalukuyan...

Until now, he couldn't forget that look in her eyes. Alam ni Hector na puno ng galit at panunumbat ang titig na iyon. At hindi naman niya masisisi si Gemma. He wished he had the chance to explain to her. Pero paano siya magkakaroon ng pagkakataon kung iyon na rin ang huling kita niya sa dalaga?

Hindi na muling pumasok sa eskuwela si Gemma. Kahit sina Jillian at Kaye ay hindi na rin nakita si Gemma. Ang tanging balita na nasabi sa kanya ng dalawa ay nagbakasyon ito at ang ina sa Bataan. Kung saan doon ay hindi rin malaman ng dalawa.

He was hurting. Halos isang buong semestre na wala siyang gana na makipagkaibigan. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa relasyon nina Jillian at Rainier; at nina George at Kaye. Wala siyang interes sa kahit na anong bagay—maliban lamang sa kanyang mga leksyon.

May ilang pagkakataon na ang mga kaibigan niya sa ampunan ang hinahanap niya. Pero masyado silang malayo sa isa't isa at tanging sulat lang ang kanilang komunikasyon. At dahil si Nate ang pinakamalapit sa kanya, ilang beses ding isinulat niya ang nangyari sa kanya upang ihinga ang bigat ng kanyang dibdib. Subalit bumalik ang sulat niya at nalaman na lang niya na lumabas na rin ng ampunan si Nathaniel.

Nag-alala siya para sa kaibigan. Sa kanilang anim ay si Nate lang ang walang nag-ampon. Lumabas ito ng La Casa sapagkat nasa hustong edad na ito upang lisanin ang ampunan. Gusto man niyang hanapin ito ay wala siyang pagkakataon. Prayoridad niya ang kanyang pag-aaral hindi lang para sa kanyang sarili kundi upang makabawi siya sa kasalanan niya kina Timoteo at Barbara.

Sa ginawa niyang iyon ay ilang panahon na naging malamig sa kanya ang kanyang papa. Hindi siya nito kinakausap puwera na lang kung kukumustahin nito ang kanyang pag-aaral. At ang alam niyang kahulugan niyon ay ang pagbutihin niya ang pag-aaral.

Unti-unti ay naintindihan din niya ang punto ng mga magulang kaya sa pamamagitan man lang ng matataas na grado ay makabawi siya. Napahiya siya. Pero higit siyang napahiya sa kanyang sarili at kay Gemma. Naisip niyang masyado ngang mabilis ang kanyang pasya.

But he couldn't undo what has already been done. Ni hindi na nga niya makita si Gemma. God, he missed her so much. At kahit ito nakikita ay lalo naman niyang nararamdaman na mahal niya ito.

Sa kabila ng pagseseryoso niya sa pag-aaral ay nagtangka siyang hanapin si Gemma. Subalit wala siyang mahanap na balita man lang tungkol dito. Matatapos na ang semestre nang ihatid sa kanya ni Jillian ang masamang balita.

Nag-asawa na daw si Gemma.

"Jill, ayoko ng ganyang biro," mapanganib ang tono niya. Kung lalaki lang si Jillian ay malamang sigurong nasuntok na niya.

"Matt, hindi ako magbibiro sa iyo. Alam ko naman ang nararamdaman mo para kay Gemma," seryosong sabi nito. "Nag-asawa na siya. Totoo. Ikinasal na sila ni Greg." At buhat sa bag nito at inilabas ang isang diyaryo. Sa society page niyon ay ang larawan nina Greg at Gemma na bagong kasal. The wedding took place in Olongapo City. At ang handaan ay ginanap sa isang hotel sa loob ng SBMA.

Hindi na niya nagawang basahin ang iba pang detalye. And natatandaan niya ay ang paglamukos niya ng diyaryong iyon. Tumatanggi ang puso niya sa nakita pero isip niya ang nagdikta sa kanyang si Gemma nga ang nasa larawan.

At ang mas masakit ay ang anyo ni Gemma. She was so beautiful in her wedding gown. And she was smiling! Tila tuwang-tuwa ito na ikinasal na.

Tinalikuran niya si Jillian. At hindi pa man siya ganap na nakakalayo ay tumulo na ang luha niya.

He was hurting with so much pain. He wanted to curse the world.


MAGPAHANGGANG sa ngayon ay nararamdaman pa rin ni Hector ang kirot ng kanilang paghihiwalay. Ang ideyang nag-asawa na si Gemma ay lalong masakit. Subalit sa paglipas ng mga taon, maski paano ay nagagawa na lang niyang idaan sa pagbuntong-hininga ang sakit na iyon lalo at ang laging ipinapaalala niya sa kanyang sarili ay ang pagkakangiti ni Gemma nang ikasal ito. Ibig sabihin ay kinalimutan na rin siya ni Gemma.

LA CASA DE AMOR - HECTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon