34

652 45 7
                                    

THEY MADE love again. They explored each other's body unhurriedly. Wala silang pakialam sa paglikwad ng oras. Tila binabawi ng masusuyo nilang pagdama sa bawat isa ang maraming taong nagdaan.

But the climax was nonetheless tumultuous. It was a long series of delightful shudder that she wished never to end. Noon lang niya naranasan ang ganoon. And she was glad it was with Matthew.

"Hindi mo sinabi sa akin noon na ampon ka," sabi niya dito habang magkatabi sila. Hinaplos niya ang peklat nito sa ilalim ng kilikili. Natatandaan niya noon na hinaplos din niya iyon. Sinukat pa niya ng sariling kamay ang peklat na tila hinulma sa isang kamay.

"Makakabawas ba ng pagmamahal mo sa akin iyon, Gem?"

Mabilis siyang umiling. "Nagulat lang ako ngayong nalaman ko. Pero bakit hindi mo sinabi sa akin noon?" tanong niya uli.

"Sasabihin kong talaga, hindi na nga lang nagkaroon ng pagkakataon. High school na ako nang kunin nina Mama sa ampunan. Sa La Casa De Amor ako galing. Iyon ang naging buhay ko sa loob ng humigit-kumulang limang taon buhat nang mawala ako sa amin."

"Nawala ka?" interesadong tanong niya.

"Iyon ang nararamdaman ko. May problema ako sa memorya ko. Hindi ko maalala ang nakaraan ko. Nang magkamalay ako sa ampunan ay wala akongmasyadong matandaan. Nang tinanong nila kung sino ako, sabi ko Hector. NI hindi ko maalala ang apelyido ko."

"Paano ka nawala?"

"Madalas kong napapanaginipan noon na kinuha ako ng mama habang naglalaro ako ng holen sa tapat ng bahay namin. Siguro ay iyon nga ang mismong nangyari. Hindi ko na nga lang matandaan kung ano ang sumunod pang nangyari. Hanggang ngayon, kahit ano ang gawin ko ay wala akong maalala. Nahihirapan ang PI na hanapin kung sino ang mga magulang ko dahil walang impormasyong mapiga sa akin."

"Pinapahanap mo ang mga magulang mo?"

Tumango ito. "Matagal ko nang binalak pero ngayon lang talaga ako kumontak ng taong hahanap sa kanila."

"Bakit hindi ka manawagan sa media?"

"Sumagi sa isip ko iyan pero nagdadalawang-isip pa ako. Marami kasi akong naririnig na kaso na nagpapanggap na magulang tapos ay peperahan lang ang natagpuang anak. Mas sigurado ako kung ako mismo ang nagpahanap sa kanila."

Napangiti siya. "Mapera ka na pala ngayon?"

Hinawakan ni Matthew ang kamay niya. "Kaya na kitang ibili ng bracelet na platinum." At kinindatan siya nito. "Nasaan iyong bracelet na bigay ko sa iyo noon?"

Umiwas siya ng tingin. "Itinapon ko."

"Tinapon mo?" bahagyang umangat ang tinig ni Matthew. "Hindi bale, mumurahin lang kasi iyon. Papalitan ko na lang ng iba, iyong mamahalin." Bumaba na ang tinig nito.

"Matt, I'm sorry. Galit na galit kasi ako noon sa iyo. Iyong bracelet ang napagbuntunan ko ng galit ko. At alam mong hindi isyu ang pesyo non'."

"Okay lang, Gem. Hindi naman ako galit." At ngumiti pa ito sa kanya.



***

KUNG maaari lang na huwag silang maghiwalay ay gagawin niya. Ilang beses siyang pinigilan ni Matthew na doon na magpaumaga sa cottage subalit tumanggi si Gemma. Kailangang makabalik siya sa main house bago magising ang kanyang mama. Ayaw niyang ulanin siya ng mga tanong nito. Gusto niyang sarilinin muna nila ni Matthew ang kaligayahan.

Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya papayag na hadlangan pa siya ngayon ni Liciada. Nasa hustong edad na siya at hindi na siya papayag pag madiktahan nito. Isa pa, hindi na rin nito magagawang laitin si Matthew. He had proven himself now. At halos hindi na rin ito iba sa pamilya sapagkat step-son na ito ni Uncle Raf.

"Sabay ba tayo magbe-breakfast?" malambing na tanong sa kanya ng binata. Nasa balkonahe na siya ng cottage at halos ayaw siya nitong pawalan. Niyapos pa siya nito.

"Hindi ako sigurado, Matt. May lakad kami ngayon sa SBMA. Nag-aaya si Greggie na mag-Zoobic Safari kami. I already got you number. Sa Maynila na lang tayo magkita uli. Tatawagan na lang kita."

Napaungol si Matthew. "Para naman tayong magkalaguyong magtatagpo. Gusto kong ipakilala mo ako sa mama mo. At kay Greggie."

"Please, Matt. Huwag muna. Sarilinin na lang muna natin ang tungkol sa atin."

"Call me tomorrow evening, okay? Kapag hindi ka tumawag, pupuntahan kita sa inyo."

Ngumiti siya. Hindi rin naman siya tinantanan ni Matthew. Hindi lang numero niya ang kinuha nito kundi pati ang address niya na buong puso naman niyang ibinigay.

"Opo na," natatawang tudyo niya. "Babalik na ako doon."

"Sandali." At kinabig siya nito upang siilin ng halik.


***


INIHATID ni Hector ng tanaw si Gemma. Hindi siya bumitaw dito ng tingin hangga't hindi ito nakakarating sa main house. At kahit nang makapasok na ito doon ay nakatingin pa rin siya doon na para bang tatagos sa mga dingding ang tingin niya at patuloy itong matatanaw.

Isang maluwag na paghinga ang pinakawalan niya. Kulang man siya sa tulog ay walang reklamo ang katawan niya. He was too glad to have her back. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman niya subalit hindi iyon lubos. Isang mabigat na desisyon ang kailangan niyang gawin.

Sinulyapan niya ang main house bago hinagilap ang telepono at nag-dial ng number. Ilang beses siyang sumubok na mag-dial subalit hindi niya nakontak si Irene. Nakapatay ang telepono nito.

Alam niya hindi madali kay Irene ang gagawin niyang pag-atras sa kanilang kasal. Heck, he proposed to her with matching ring pagkatapos ay babawiin din naman pala niya? He wasn't interested to the ring anymore. Para kay Irene na iyon. Ang mas mahirap ay ang mismong pag-atras.

Baka hindi lang mura ang abutin niya buhat kay Irene. Hindi madaling sabihin ang balitang iyon nang personal pero mas lalong hindi madaling sabihin iyon sa pamamagitan ng telepono.

It would be hard subalit kung maaari lang ay gusto niyang sabihin iyon kay Irene ng personal. Sampalin man siya nito ay maluwag sa loob niya iyong tatanggapin. Dapat lang iyon sa kanya dahil kasalanan naman niya.

Pero hindi na siya makakapaghintay na umuwi pa si Irene. Wala pang tiyak na petsa ang uwi nito. At gusto niyang maipagpatuloy ang kanilang relasyon ngayon ni Gemma na hindi niya inaalala si Irene. Ayaw niyang mabansagan siyang two-timer ng sinuman sa dalawang babae.

Nahilot niya ang noo. Nakahanda ang kanyang sarili sa maaaring isumbat sa kanya ni Irene. Alam niyang makakasakit siya ng damdamin nito subalit kailangan niyang gawin iyon. Magiging unfair din naman kay Irene kung hindi siya magiging tapat dito at pati na rin sa kanyang sarili.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

LA CASA DE AMOR - HECTORDonde viven las historias. Descúbrelo ahora