25

673 50 3
                                    

TUNAY na naging mapagmahal at mabuting ama si Greg sa kanilang anak. He was so proud of their son. Hindi pa man ito naipapanganak ay binigyan na ito ni Greg ng pagalan. Greg Junior. Tila tiyak na tiyak itong lalaki ang magiging anak.

They fondly called him Greggie. Lumaki si Greggie na busog sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa pagmamahal. Wala itong naranasang anumang kalupitan. Everyone was protective of him. Literal na hindi pinadapuan sa lamok ang kanyang anak.

Kung maaaari lang na angkinin ni Liciada ang apo ay ginawa na nito. She was so engrossed of Greggie. Kaya ganoon na lang ang lungkot ng kanyang mama nang kailanganin nilang tumira sa Nueva Ecija. Isang malaking hardware at construction supply ang sinimulan ng mga magulang ni Greg doon at kailangan nito ng tulong ng lalaki.

Apat na taon din silang tumira doon. Nagdesisyon silang bumalik sa Maynila nang magsimula na sa pre-school si Greggie. Gusto ni Greg na sa pinaka-mainam na eskuwelahan sa Maynila pag-aralin ang anak.

Ang pamilya ni Greggie ay namalagi na sa Nueva Ecija. Ang bahay na naipundar nito sa Maynila ang tinirahan nila ni Greggie bagaman madalas na hinihiling ni Liciada na sa bahay nito sila umuwi upang lalong makapiling ang kaisa-isang apo.

Hindi na siya nagbuntis na muli. At wala namang kaso iyon kay Greg. Higit pa sa sapat si Greggie sa buhay nito.

Siya man ay mahal na mahal niya ang anak. Dahil kay Greggie kaya inayos niya ang buhay niya. Bigla ay napagod siyang mabuhay na tila patay. Si Greggie ang naging inspirasyon niya. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting ina kay Greggie. At sinikap din niyang maging maayos ang pagsasama nila ni Greg.

Naging matiwasay naman ang buhay nila. Tuluyan nang nagbago si Greg. Mabait at masuyo na ito sa kanya sa loob at labas ng kanilang silid. But she never got herself fall in love with him. Sinikap niyang mahalin ito subalit hindi siya nagtagumpay na ibigin ito.

At ikinakatwiran niya sa sariling hindi kasi niya magawang burahin ang bakas ng pagiging malupit noon ni Greg. She had forgiven him, all right. But it was indeed hard to forget.

Limang taon na si Greggie nang mamatay si Greg. He met an accident. Iniwasan nito ang dalawang batang biglang tumawid at sumalpok ito sa sementong poste ng Meralco. Dalawang linggo itong agaw-buhay sa ospital bago tuluyang namaalam dahil sa mga injuries nito.

Iniyakan din niya ang pagkamatay ni Greg. Huwag na para sa sarili niyang kawalan kundi para kay Greggie. Napakabata pa ng anak niya para maulila sa isang ama. Greg had been a good father to their son.

Pinamahalaan niya ang mga negosyo ni Greg. Dati-rati ay taga-hawak lang siya ng pera ngunit ngayon ay kailangan na niyang matutuhan ang lahat. Tinulungan naman siya ni Liciada. At nang mapag-aralan niya kung aling negosyo ang kikita siya nang maayos, ibinenta na niya ang iba na malaki ang posibilidad na malugi lang.

Hindi naman siya kinakabahan kung dalawang negosyo na lang ang hawak niya. Napaghandaan na ni Greg ang kinabukasan ni Greggie. Mayroon din itong malaking halaga na iniwan sa bangko. At bukod pa roon ang insurance claims na milyon-milyon ang halaga. Mabubuhay sila ni Greggie nang maayos.

For almost two years ay matiwasay ang buhay nila ni Greggie. Bukod sa kanyang mama ay nakaalalay din sa kanya ang partido ni Greg kahit na nga ba nasa Nueva Ecija ang mga ito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Gemma. Dapat lang na manatiling matiwasay ang buhay niya. Hindi niya dapat na magulo iyon dahil sa lang pagtatagpo ng landas nila ni Matthew.

Pero hindi niya kayang ipaliwanag sa sairli kung bakit ganoon na lang ang naramdaman niyang galit. She thought she was over him. Pero mali pala. Ang galit niya dito ay pansamantala lang nanahimik. At ngayong nakita niya itong muli ay tila kumulo iyon.

LA CASA DE AMOR - HECTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon