CHAPTER 1

436 19 0
                                    

Akira POV

"Lolo at Lola aalis na po kami" malungkot kong sabi kila lolo at lola, sasama na kasi ako kila tito at tita papuntang siyudad para mag-aral.

Nagtungo na ako sa gawi nila at niyakap silang dalawa.

"Sino ka?" nagtatakang tanong ni lola, habang pinagmamasdan pa ang mukha ko,  napabuntong hininga naman ako,  ganito talaga sila. Si lola ay medyo na makakalimutin na.

"lola naman ako po ito si Akira" tugon ko at sumimangot.

"Akiro?!, panglalaking pangalan pero babae ang itsura,ano ka bakla?!" inis namang saad ni lolo,

ano daw? bakla?

Ito talaga sila lolo at lola. Si lolo naman ay may problema sa pandinig.

Hayystt mamimiss ko tuloy sila.

"Sige ho! Aalis na po kami" saad ni tita at akmang lalabas na kami ng bahay ng sumigaw si lola.

"Mag -iingat kayo, lalong-lalo kana Akiro" sigaw nito at kumaway. Nag wave back nalang ako, medyo tumulo narin luha ko kaya't pinunasan ko ito agad.

Ako pala si Akira Shane Keylon, 17 years old. Kasama ko ngayon ang tito at tita ko, sa Maynila na kasi ako mag aaral.

Lumaki ako sa probinsya sa puder ng lolo at lola ko, wala akong alam tungkol sa mga magulang ko, pagtinatanong ko sila tita at tito ay di nila sinasagot.


****
"Aki nandito na tayo"saad ni tita, huminto na ang sasakyan kaya't lumabas na ako. Bumungad naman saakin ang napakalaking bahay este mansion na pala ito.

"Wow tita,tito ang laki naman ng bahay niyo" di makapaniwalang saad ko.

Nagtinginan naman silang dalawa at sabay tumawa.  Lumapit si tito saakin at hinawakan ang ulo ko at itinuon sa isang bahay na tabi ng mansion.

"ahh ehh Aki yan ang bahay namin hindi yung mansion" tugon ni tito,sabay turo sa bahay na tabi ng mansion.

Maganda naman at may second floor, akala ko yung mansion na eh.

Pumasok na kami at nagtungo na ako sa kwarto ko at humiga na.

"Grabee nakakapagod yung byahe" saad ko at kaaagad pumahilata sa kotson,  ang lambot~

#SEASON 1 "MS.FIGHTING NERD MEET MR.FAZIER THE OWNER"Where stories live. Discover now