CHAPTER 6

291 15 0
                                    

Akira POV
Nakaupo ako mag isa dito sa isang mesa, as usual alone, wala naman akong kilala, umorder na ako ng spaghetti at burger ,paborito ko kasi ang mga ito.

Akmang isusubo ko na ang burger ko ng may bumuhos saakin ng coke,

"oh! bagay sayo" saad ng babaeng nagbuhos saakin,kumalma ka Akira, konting bagay lang to.
"Kung ako sayo pangit na nerd, umalis ka nalang, maganda lang ang nandito di gaya mo ugly duckling"

"HAHAHAHAA" tawanan naman ng nga estudyante.

Itinulak ko ang mesa sa tabi ko at tumayo di ko nagustuhan ang narinig ko, sumusubra na siya. Sinampal ko to at sinipa sa tiyan, naupo ito sa sahig at umiyak,uuna-una tapos iiyak rin naman. Tumayo ito at akmang sasampalin na niya ako ng nahawakan ko kaagad ang kamay niya.

"wag mong idadampi itong kamay at mga daliri mo sa mukha ko" cold kong saad.

"At anong sabi mo, maganda lang ang nandito?tanong ko lang maganda kana? Ang pride mo naman sabagay parang inubos mo na nga ang harina sa bahay niyo at inilagay diyan sa mukha mo. Tingnan mo ang putin ng mukha mo pero pagdating sa leeg mo ang itim" saad ko at tinulak siya, mukhang nahiya siya at pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at ang iba naman ay nagbubulungan.

Nandito kaming dalawa dito sa opisina ni Mr. Fazier, walang ibang tao kundi ako, si ms. Harina at yung lalaking nakabangga ko kahapon. Umupo na ang lalaking nakabangga ko kahapon at tumingin saamin.

"What happened?"cold nitong tanong

"Prince, sinaktan niya ako,sinipa at tinadyakan HUHUHU" with matching acting pa ni Ms. Harina, hmm ibibili ko talaga siya ng certificate na may nakasulat na BEST ACTRESS , ang arte.

"You can go now" saad niya kay Ms. Harina, at tumingin saakin
"And you stay here"

Umalis na ang reyna ng harina, dinilaan pa ako nito. Naiwan kaming dalawa nito ng lalaking nakabangga ko kahapon , tumingin ako sakanya at ganoon rin siya.

"Ikaw nanaman?!"saad nito sabay smirk. "Obvious ba?!" pamimilosopo ko, sumeryoso ang mukha nito at masamang tumingin saakin,

tss di niya ako matatakot sa ganyan.

"Ako si Klint Ashton Fazier ang nagmamay-ari ng eskwelahang ito" tugon niya,

papansin rin no, diko naman tinatanong.

"Bakit tinatanong ko ba?!" dahil sa sinabi ko at malakas niyang ibinaba ang kamay niya sa mesa na naglikha ng malaking ingay sa loob ng opisina niya.

" Hoyy nerd, sumusubra kana, gusto mo bang ipatanggal kita dito sa paaralan ko" inis nitong saad, mas mabuti nga ang pangit ng mga ugali ng nga estudyante dito, pati narin ang Mr. Owner nato,ang tataas din ng pride.

"edi gawin mo" inis kong saad at tinalikda siya. Lumabas na ako sa opisina niya at nagsimula ng maglakad.

#SEASON 1 "MS.FIGHTING NERD MEET MR.FAZIER THE OWNER"Where stories live. Discover now