CHAPTER 3

356 18 2
                                    

Akira POV

First day ko ngayon sa bago kong paaralan, kaya't maaga akong gumising, kumain ng agahan,naligo at nagbihis ng uniform. Maganda rin ang uniform nila, at nga pala yung mahiwaga kong eyeglasses, dapat diko to makalimutan. Sumakay na ako sa kotse at inihatid na ako ni tito.

*FAST FORWARD*

Huminto na ang kotse hudyat na nakarating na kami sa distenasyon namin. Tinanggal ko na ang seat bealt ko at lumabas na ako ng kotse. Nag thumbs up muna sa akin si tito at nag wave na ako. Pag ka alis ni tito, ipinikit ko muna ang mga mata ko saka humarap sa bago kong paaralan.

Bumungad sa akin ang malaking gate na may nakaukit sa taas na FAZIER UNIVERSITY (FU) huminga muna ako ng malalim at pumasok na.

Pagkapasok ko ganon na lang ang pagkamangha ko ng makita ang kabuuan ng paaralang ito,

ang ganda!!

Mga naglalakihang gusali, malinis na ground, malawak na football area, at marami ring puno atsaka bench. Ang linis at marami rin ang estudyante. Habang naglalakad ako, ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante.

"Uyy tingnan niyo"
"Nerd?!!"
"Nerd, nakuu naman nakapasok ang pangit sa paaralan"
"ngayon ko lang yan Makita, transferee bayan?"
"Rich lang ang nakakapasok dito, pero paano siya nakapasok dito?" Saad ng isa na ikinahinto ko.

Oo nga mayayaman ang nakakapasok dito, at umaabot ng 500,000 ang tuition dito kada taon. Umayaw pa nga ako noong una at pilit na tinatanong sila tito at tita tungkol sa tuition ko pero ang sabi nila ay may tumutulong daw na kapamilya namin na nandoon sa ibang bansa, kaya't hindi na ako ngatanong pa.

Habang nagbubulung-bulungan sila ay may isang babae na takbo ng takbo at big lang sumigaw ng-

"NANDITO NA SI PRINCE!!!!!" sigaw nito kaya't nagsitakbuhan ang lahat, ang iba naman ay may ibang banner? Anong nagyayari?at sinong Prince?

gusto ko mang maki isyuso pero mas pinili ko nalang na wag itong pansinin at hinanap nalang ang classroom ko.

#SEASON 1 "MS.FIGHTING NERD MEET MR.FAZIER THE OWNER"Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt