CHAPTER 20

261 13 0
                                    


Akira POV
Naglalakad ako ngayon ng bigla akong harangin ni Klint.

"Oh! Bakit?" Tanong ko sakanya,

"give me your number" saad nito,

hanudaw number ko?

"Ayoko nga, manigas ka" saad ko dito at nilagpasan ito pero bigla nalang nito hinatak ang braso ko.

"Aray! Bitawan mo nga ako" saad ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Hindi kita bibitawan hanggat di mo binibigay ang number mo" saad naman nito,

Aray ko, ang mga kuko niya nababaon sa braso ko.

"Sige na, ibinigay ko na basta bitawan mo na ako, masakit na ang braso ko eh" saad ko kaya't bibitawan na niya ako.

Akala mo ha!

Pagkabitaw niya ay agad namang akong tumakbo pero di pa ako nakakalayo  ay agad naman niyang hinawakan ang tenga ko.

"Give me your number" saad nito habang hawak nito ang tenga ko

"ayoko nga" pagmamatigas ko. Itinaas nito ang kamay niya kaya't napaikid ako.

"Aray ko! Oo na ito na ibibigay ko na" saad ko aray ang sakit na parang lalabas na ang eardrum ko.

Ibinigay na niya ang phone niya saakin pero hindi parin niya binibitawan ang tenga ko, mukhang hindi na niya ako pinagkakatiwalaan.

Tinype ko na ang numero at ibinalik sakanya ang cp niya. Pagkatanggap niya sa cp niya ay bibitawan narin niya ang tenga ko at saka umalis.

"aray ko po" saad ko sa sarili habang hinahawakan ang tenga ko, tiningan ko si mr.owner pero medyo malayo na sIya.

"pambihirang lalaki yun " saad ko sa sarili at umalis na

Klint POV
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko at humiga ng maalala ko may assignment pala, tskkk ayoko ng umasa kay nerd, baka gawin niya ulit na zero ang assignment ko. Binuksan ko na ang bag ko at hinanap ang notebook ko pero wala. Naalala ko nandoon pa pala kay nerd ang isa kong notebook, kinuha ko na ang cp ko at dinial ang numero na ibinigay niya saakin.

Akira POV
Pagkatapos kong maghalf bath ay bumaba na ako para kumain , pagdating ko sa sàla ay nakita ko si tita na mukhang inis na inis.

"Hoy sino kaba?!, Tumawag kaba para insultuhin ako?!, At ito sasabihin ko saiyo naka eyeglasses ako dahil malabo ang mga mata ko,hindi nerd!!!" sigaw ni tita,

sino kaya kausap niya sa cp?

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala si Klint, hindi kaya si Klint yan?! HAHAH patay siya kay tita, numero kasi ni tita ang ibinigay ko sakanya HAHAHHA.

"Aba bastos rin to, pinatay ang tawag" saad ni tita habang tintingnan ang cp na hawak niya.

" Anu bayon mahal?" Tanong ni tito sakanya,

"eh may tumawag boses lalaki, at sabi niya: Hoy nerd yung notebook ko" panggagaya ni tita,

"HAHAHAHAHAH" malakas na tawa ko dahilan para mapatingin silang dalawa saakin kaya't huminto na ako.

"Aki,baka ikaw yung tinutukoy niya" saad naman ni tita. Ako nga po talaga yung tinutukoy ni mr.owner, tita, HAHHAHA ano kaya ang reaction niya ng sigawan siya ni tita.

"Po?hindi po ako yun atsaka po hindi ko po ibibigay ang numero niyo kahit kanino tita" pagsisinungaling ko.

Pasensya kana po tita, nagsinungaling ako at ibinigay ko kay Klint ang numero niyo, sorry po talaga tita, ngayon lang naman HEHE.

#SEASON 1 "MS.FIGHTING NERD MEET MR.FAZIER THE OWNER"Onde as histórias ganham vida. Descobre agora