CHAPTER 2

364 18 0
                                    

Akira POV

Kringg!!!
Kringg!!
kringg!!

Tunog ng alarm clock ko,

pambihira naman ang aga-aga ina antok pa ako eh.

Pinatay ko na ang alarm clock ko at natulog ulit.

"SUNOG!SUNOG!SUNOG" sigaw ni tito at tita mula sa baba kaya napabalikwas ako ng bangon at patakbong bumaba.

Amporkkchopp muntik pa akong mahulog.

"Tita tito saan po yung sunog" taranta kong saad, tumingin sila saakin at tumawa dala dala ko pa ang maliit na takure,  napatingin naman sila saakin sabay--

"HAHAHAAHHA" tawa nilang dalawa, kumunot naman ang noo ko,  papaanong nagtatawanan sila sa isang kritikal na pangyayari?!

Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakitang ni anino ng usok,  bibig sabihin ay walang sunog!

" HAHA Aki nakaka-ta-wa-- ka tala--ga HAHAHHAA diko na---k-aya HAHAAH" nahihirapan na saad ni tito sabay hawak ng tiyan.

"Walang sunog iha, ginawa lang namin yung para magising ka HAHA" saad naman ni tita.

"Tita at tito naman eh!!" Busangot kong saad. Nagtungo naman silang dalawa saakin at umakbay.

"Sorry na pamangkin di na mauulit HAHA" saad ni tito sabay tawa, binatukan naman siya ni tita kaya't napahinto siya

"aray" daing nito sabay haplos ng ulo, pareho naman kaming natawa ni tita. Ang swerte ko sakanila, mabait naman sila tita at tito bukod sa pamilya ko sila, e parang barkada ko narin sila, kaya nga nangangako akong susuklian ko ang pagpapalaki nila saakin eh.

" Iha, magbihis kana pupunta na tayo sa bago mong paaralan para mag enroll ka at bibili narin tayo ng mga gamit mo" saad ni tito, oo nga pala,  ito pala ang dahilan kung bakit kami nagtungo sa siyudad, ang mag aral ako.

#SEASON 1 "MS.FIGHTING NERD MEET MR.FAZIER THE OWNER"Where stories live. Discover now