3

998 86 28
                                    

TW : Abuse


--

"Walanghiya ka!" imbes na Good Night, o alukin man lang ako ng makakain ay sampal, sabunot at sapak ang inabot ko sa nanay ko.

Kasalukuyang dumudugo ang ibabang parte ng labi ko dahil hinampas niya ang mukha ko sa pader. hindi ako naiyak, hindi ako umiimik.

"Janice ano ba!" awat ng asawa ng nanay ko sa kaniya. "Janice nasasaktan ang bata!"

"Eh napaka walang hiya niyang hayop na batang yan! wala na ngang ibang ginawa kundi makipag bardagulan sa labas, nagawa pang manira ng hindi niya naman gamit!" singhal ng nanay ko at inuntog pa ang ulo ko sa lamesa.

"Nasasaktan ang anak mo ano ba!" asik ni Albert. ang asawa ng nanay ko.

"Anak? wala akong anak na pakialamera, magnanakaw at masamang tao!" singhal ng nanay ko.

"Tigilan mo na ang bata!" saway nanaman ni Albert.

"Kung wala lang talaga akong perang natatanggap sa tatay mo baka pinaampon na kita" dinuro niya ang mukha ko bago sampalin. napangisi nalang tuloy ako. "Anong tinatawa, tawa mo dyan?" tanong niya at sinabunutan pa ako.

"Hindi ka ba naaawa? dumudugo na ang labi ng anak mo, dumudugo na din ang kamao niya!" awat nanaman pero wala siyang magagawa dito. hobby niyang bugbugin ako eh.

"Eh putangina imbes na ipangkakain na natin, ipapagawa pa ng sasakyan!" aniya at hinampas nanaman ang mukha ko sa lamesa.

Napapikit ako sa sakit nang dumugo ang ilong ko. pinunasan ko iyon gamit ang nanginginig kong kamao. tumingin ako ng diretso sa nanay ko at wala akong ibang nakikita sa mata niya kundi galit.

"Huwag mong masumbat sumbat ang milyones na binibigay ng tatay mo sa akin dahil kulang na kulang pa yon sa pagpapagamot ng kapatid mo!" asik niya. hindi ko naman kasalanan na walang pera ang asawa niya at hindi ko rin ginustong magkasakit ang anak niya.

"Janice huminahon ka, ang pera kikitain yan...hayaan mo nang matulog si Jade. sige na, ako nalang ang kakausap sa kaniya mamaya." sambit ni Albert at bumaling sa akin. "Sige na Jade, umakyat ka na" aniya at bumuntong hininga ako at pinunasan ang dugo sa ilong bago umakyat.

Ni-lock ko kaagad ang pintuan ko at napasandal sa likuran nito. araw araw lumalala ang malas...kailan kaya ako sasaya? kailan kaya ako mabubuhay ng payapa?

Tinitiis ko ang hapdi ng mga sugat ko habang naliligo. sa bawat dampi ng tubig sa balat ko ay siyang hapdi ng bawat sugat sa katawan ko. heal? I don't know if I'm going to heal...

I can cure all the wounds all over my body...but I cannot cure the wound inside of me.

Matapos maligo ay nagtapis lang ako ng twalya at kinuha ko ang first aid kit ko. ginamot ang sugat sa kamao at talagang napapikit ako sa hapdi ng buhusan ko iyon ng alcohol.

Nandito ako sa may sink sa C.R ko at talagang tiis kung tiis sa sobrang sakit. ginamot ko din ang labi ko dahil tumama iyon ng sakto sa bracket ng braces ko at talaga naman ang hassle lalo na kanina noong nag sepilyo ako.

Buti naman at pasa lang ang naiwan sa gilid ng ibabang labi ko. I look at the mirror and I saw the husband of my mother staring straight at the back of me.

Kinabahan ako dahil hindi ko namalayan na nakapasok na siya at ang masama doon ay may susi yata siya ng kwarto ko. nakakatakot pa ang itsura niya dahil ganito siya lagi. nakatingin ng diretso at nakasandal sa pintuan.

"Nagulat nanaman ba kita?" tanong niya at napalunok ako. "Pasensya na sa ginawa ng Mama mo, pasaway ka din kasi eh" aniya sa mahinang tono, nakangiti pa.

He is Vincent MarcosNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ