20

289 21 22
                                    


Nang makabalik ako sa U.K ay wala na akong kung ano mang narinig sa Tatay ko. masyado siyang abala sa lahat ng bagay kaya't huli na nang mabati niya ako noong kaarawan ko at tanging salapi nalang ang iniregalo niya sa akin.

"Ano wala man lang pasalubong?" tanong ng Nanay ko habang naghahanap sila ng anak niya sa maleta ko.

"Wala" tipid kong sagot at kumain dahil gutom na gutom na ako!

"Pera? ano wala din? hindi ka naman papaalisin ng Tatay mo kung walang ibibigay yon" sambit pa.

"Wala nga" sagot ko nanaman.

"Sus, nanalo Tatay mo sa eleksyon! grabe naman sa sobrang kuripot non" aniya.

"Eh sa wala eh" tugon ko.

"May kawad ka nanaman sa ngipin ah, gusto ng kapatid mo niyan magkano ba yan?" tanong niya nanaman.

"Ewan" sagot ko.

"Hingi ka nga sa Tatay mo, barya lang naman ang isang daang libo don" dagdag pa niya.

"Bakit hindi ka sa Tatay ng anak mo manghingi?" tanong ko.

"Mukha bang may pera ang Tatay nitong dalawang 'to? nako kung hindi lang gwapo yon hindi ko papakasalan 'yon!" asik niya.

"Oh edi huwag ka sa Tatay ko manghingi" tugon ko at nanahimik siya.

"Jade can I have your sweatshirt and this new shoes?" tanong ng kapatid ko.

"Sige na anak kuhanin mo na yan, sobrang daming ganiyan ni Jade!" aniya at ngumisi nalang ako.

"Mama I want to have braces and that color of hair!" sambit nanaman ng kapatid ko.

"Hoy Jadeng magkano yang buhok mo?" tanong nanaman ng Nanay ko sa akin.

"Isang million, bibilhin mo?" tanong ko.

"Bastos ka talaga lagi eh 'no?" aniya at ngumisi ako.

"Mama I want that!" sambit nanaman nang kapatid ko.

"Pag nagpadala Tatay ni Jade, kupit tayo" aniya at bumuntong hininga nalang ako at mabilis na tinapos ang kinain.

Ngunit bago pa man ako makataas ay dumating na ang manyakis na Tatay ng mga kapatid ko. "J-Jade, nandito ka na pala, gumaganda ka lalo ah" akma akong yayakapin nito nang hindi ko ito pinansin.

"Papa, I want to have braces and to have that hair color" rinig ko pang sambit bago ako magtungo sa kwarto ko.

Nang araw na iyon ay natulog lang ako magdamag at kinabukasan ay nagtungo ako sa tambayan. "Darcy!" nakangiti kong sambit sa kaibigan ko. ang payat na niya!

"J-Jade, hindi ba sabi ko sa'yo huwag ka nang pumunta dito?" aniya at mukhang kinakabahan.

"Bakit ba?" tanong ko at inalok siya ng yosi pero tumanggi siya.

"Sila Damon! hinahanap ka nila! plano ka nilang patayin dahil sumira ka sa usapan ng Gang!" aniya.

"Huwag mo kong biruin ng ganiyan Darcy, kilala mo si Damon, takot sakin 'yon" sambit ko.

"Jade noon yon! hindi ba't sinabi ko sa'yo na iba na sila ngayon?! Jade umalis ka na, nandiyan lang sila sa loob!" aniya.

"I-Ikaw? paano ka? bakit-- a-anong--"

"Huwag ka nang madaming tanong umalis ka n--"

"Darcy? sinong kausap mo? baliw ka na ba talaga?" sigaw ni Damon mula sa loob.

"Jade takbo!" aniya.

"Ikaw? hahayaan mo nalang ba ang sarili mo na--"

"Tumakbo ka na Jade!" sambit niya at nagtago nalang ako sa likuran ng mga sirang gamit dito sa tambayan.

He is Vincent MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon