15

754 69 20
                                    


---

"Wow is it for me?" tanong ni Vincent nang magtungo ako sa bahay nila kinabukasan.

Tumango ako at hinawi ang buhok bago sagutin ang tanong niya.

"Oo" tipid kong sagot. isang order iyon ng burger at soft drinks. talagang inabangan ko ang pagbubukas ng Burger king sa Crawley bago ako magtungo rito.

"Thank you so much Jade!" niyakap niya ako. bagaman ay hindi pa nakakatayo ng ayos ay nakakagalaw pa din naman siya. 'di naman siya na-stroke, sprained ankle lang.

"Walang anuman, kumusta ang lagay mo?" tanong ko at medyo nalungkot pa siya.

"I still couldn't walk properly" sagot niya at talagang binabalian ko na ng buto sa isipan ko ang lalaking may gawa nito sa kaniya.

"Magpahinga ka lang, gagaling ka din" sambit ko at ngumiti. Sinamahan ko lang siya magdamag. nakinig ako sa kaniya, sa mga kuwento at kung ano anong hinaing niya sa buhay.

Masaya naman daw siya ngayon, kaso lang ay gusto niya nang pumasok upang maglaro. Ngunit sa tingin ko ay aabutin pa siya ng isa o dalawang Linggo bago makabalik sa eskwela.

Ako naman ay hindi pala kuwento, kaya bukod sa mga abiso ay tanging pakikinig lamang ang kaya kong i-tugon sa kaniya. Ako ang tanging kaibigan niya rito at siya rin ang sa akin.

Maghapon lang kaming nandito sa kwarto niya, naglalaro sa Ipad, sa Laptop, at tumutugtog ng kung ano anong instrumento. hindi naman uuwi ang mga kapatid niya dahil nasa boarding school ang mga iyon, at ang Nana nila naman ay nag aasikaso lang sa kanila rito.

Naisipan kong dumiretso sa tambayan nang sumapit ang ala sais ng gabi. nadatnan ko si Darcy na tulala habang may paso sa kamao at pasa sa gilid ng labi.

"Pst" tawag ko rito bago umupo sa tabi niya. "Darcy" tinawag ko siyang muli dahil tulala pa rin siya.

"J-Jade" tugon niya at pilit na ngumiti.

"Anong nangyari dyan?" tanong ko at itinuro ang mga sugat niya.

"W-Wala--"

"Napaaway kayo?" tanong ko at lumingon sa loob. siya lang ang nandito sa labas at halos lahat ng mga ka-grupo namin ay nasa loob at nagsasaya.

"Bakit pumunta ka pa dito Jade?" tanong niya.

"Bakit? bawal ba?" nakangisi kong tanong at sumindi ng yosi. Inalok ko pa siya ngunit napalunok siya bago umiling. "Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko ulit dahil tila may kakaiba rito.

Lumingon muna siya sa loob bago sumagot. "H-Hindi naman, sinabi ko lang" sagot niya.

"Ilang araw akong wala, anong ganap?" tanong ko.

"Ganoon pa din" tila hindi totoong sagot niya.

"Nasaan ang master niyo na mabaho?" pabiro kong tanong para naman sumaya siya ngunit lumunok siya bago sumagot.

"N-Nasa loob may kasamang malalaking tao" sagot niya. malalaking tao?

Hindi sila yung literal na malaki sa pisikal na anyo. Sila yung mga tao na may kapit sa nakatataas. Mga protektadong tao.

"Doon siguro galing yung bagong recruit--"

"Doon talaga" sagot niya kaagad. nang marinig namin ang yabag ng mga taong pababa ng hagdan ay, "Jade, p-pasuyo nga ibili mo ako ng tubig sa may gilid ng Worth" utos ni Darcy.

"Hindi ako utusan" tugon ko at binugahan siya ng usok.

Balisa siyang lumingon sa loob ng tambayan o lumang bahay at inabot sa akin ang barya habang nanginginig ang palad niya.

He is Vincent MarcosWhere stories live. Discover now