CHAPTER 11

1.6K 44 8
                                    

(Zach's POV)

Letting go of someone you love is really frustrating, iniisip ko palang but the pain is already unbearable, but I also understand why she stopped loving me. The pain she suffered because of me and the pain of losing our child is more than enough reason. Hindi naman masama ang maghangad ng kaligayahan pero ang hirap pala kapag ikaw na ang dapat bumitaw para sa ikasasaya nya.

Mahal na mahal ko sya but if letting her go will make her happy, sino ako para ipagkait sakanya yun? naalala ko tuloy ang payo sakin ni Vicky ' Do what makes her happy even if it means sacrificing your own.' I didn't expect that this will come sooner.

Kinabukasan, nagising ako when Ellie woke me up. Na-confused pa ako kung bakit sya ang gumigising sakin after what happened last night. Naalala ko nalang  na magdamag pala akong uminom at sa sobrang kalasingan ay hindi ko namalayan na dito na pala ako nakatulog sa tabi ng dagat.

"Zach! are you okay?" she asked at napatingin ako sa paligid ko, kasama nya din si Nel na ginigising ako.

Napayuko at napakamot nalang ako ng batok ko sa sobrang hiya. "I'm sorry, you shouldn't have seen me like this," sabi ko't dahan-dahang tumayo at isa-isang pinulot ang mga kalat ko kahit hilong-hilo pa ako.

"Tulungan na kita," she said at hinawakan ako sa balikat ko but I resisted dahil haindi naman kailangan.

"Kaya ko na to" tipid kong sagot.

Mag-isa akong bumalik sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.  Ramdam ko parin ang tama ng alcohol sa katawan ko sabayan pa ng sobrang bigat ng nararamdaman ko, para na akong malulunod sa sobrang bigat.

2 days later.



(Ellie's POV)

Dalawang araw na ang nakalipas but I haven't heard anything from him. Gusto ko lang naman ay maputol na ang ano mang ugnayan ko sakanya at yun ay ang mapirmahan na ang divorce agreement namin.

Habang nagpapahinga ako sa office ko'y bigla nalang pumasok si Pim at may dala-dalang folders.

"Elle, I think you need to see this" bungad nya at agad pinakita sakin ang content ng dala-dala nya but it's writtin in Thai, nakita ko lang yung mga clauses na hinighlight nya para sakin. Agad ko naman kinuha ang handphone ko to scan the content and let my phone transcribe it for me.

"Khun Tawin's secretary sent it here, I think he still wants to pursue the project and use our hotel as the location for their shoot" paliwanag niya pero kung tatanggapin naman namin to, their company will prohibit us from accomodating other guests until their shoot ends and in 12 days ay Christmas na at marami naring nagpabook for the holiday season. 

"This is not possible, we can't just send away our guests, especially those who've already booked a reservation months before. We should explain it to them and the least we can do is recommend a better location for them." paliwanag ko naman. We should't turn down hundreds of guest para sa pansamantalang kontrata lamang.

"You're right, I also thought about that but I just need to hear your opinion" sagot nya naman at akala ko ay aalis na sya but she stared at me for a minute.

"Is there something else?" pagtataka kong tanong.

"No, but is there something wrong with you?" tanong nya naman. Napansin nya na siguro ang katamlayan ko. 

"I'm fine, I'm just tired" simple kong sagot at nagpatulog sa ginagawa ko.

"Are you worried about your ex-husband?" tanong nya't umupo sa harap ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Obvious ba talaga na yun ang nasa isip ko ngayon? I really felt anxious with him around.

Married Overnight (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon