Chapter 31

1.7K 50 23
                                    

(Ellie's POV)

As I secretly enjoy dancing with him, I felt that the world stop and there was only us dancing together. I know that this is wrong but I couldn't stop, para akong nasa paraiso while dancing with him. I just want to be stuck right at this moment with him, but I know it's impossible.

Ilang sandali, sa gitna ng aking pagpapantasya, bigla nalang may kumalabit sakin and I was surprised to see that it was Jethro. Isa sa mga kasama ko sa film noon.

"May I have this dance?" Tanong pa niya at agad naman akong napabitaw kay Zach.

"I'll find us a seat," he said at pinaubaya nalang ako kay Jethro.

"So Jet, how are you? It's been a long time, you look matured" tuwang-tuwa kong tanong sakanya as we started swaying.

"I know, I know, I look older pinaganda mo lang, pero ikaw? you're still gorgeous as always" pambobola niya pa.

"Honestly, I am surprised to see you with Zach but it's good to know na nagka-ayos na din kayo" dagdag pa niya pero alam naman natin na hindi.

"It's a long story Jet," tipid kong sagot nalang.

"No matter what, Ikaw parin ang first love ko" pabiro niyang sagot and it reminded me of Kayla.

"Nasaan na pala si Kayla? how is she?" tanong ko pa.

"She's doing fine, nag focus na siya sa pagmomodel, she's actually in Paris right now but she'll be back soon for the PH fashion week" paliwanag pa niya and I remember that I was also invited.

"They also invited me pero hindi pa ako sigurado kung makakapunta ako"

"You should come, I'm sure na megeenjoy ka" sabi pa niya.

After naming sumayaw, bigla nalang akong inambush ng isa sa mga reporter at inatake ng mga hindi inaasahang tanong.

"Ms. Ellie, Bakit hindi si Mr. Andrada ang kasama mo ngayong gabi? May hiwalayan bang naganap ulit?" She suddenly asked na kinagulat ko pa, hindi ako nakasagot agad dahil kahit gusto ko man magpaliwanag baka malaman pa ni Zach ang katotohanan.

"Are you having an affair with your ex-husband? di ka ba makuntento sa isa?" tanong pa niya ulit at saan-saan ba niya napulot ang mga tanong nayan?

Agad naman nagtawag ng security si Jethro at nagsilapitan nadin ang iba pang reporter. nahihirapan din makalapit si Zach dahil biglang dumagsa ang mga reporter.

Sa sobrang dami ng tanong ay hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila maliban sa isa na talagang napukaw ang atensyon ko't muntikan ko pang masampal.

"Alam ba ng anak mo ang ginagawa mo? hindi ka na ba nahiya sa kanila?" tanong pa niya kaya hindi na ako nakapagtimpi.

"Don't you even go there!" sigaw ko't natahimik naman sila.

"Debale ng laitin nyo ako, huwag na huwag nyo lang mabanggit-banggit ang mga anak ko, labas sila dito."dagdag ko pa.

Agad namang lumapit ang security na tinawag ni Jethro at kinaladkad palabas ang mga reporter pero hindi parin sila huminto sa pagtatanong.

"Are you okay? are you hurt? tanong naman ni Zach nung makalapit na sya sakin but I can't even look at him, so I immediately excused myself at kumuha ng dalawang baso ng wine sa wine sa server na nakasalubong ko at agad itong ininom ng pareho at nagbaon pa ako ng isa papunta sa rest room.

Napatingin nalang ako sa sarili ko sa salamin. "You're so pathetic Ellie," kutya ko pa sa sarili at ininom ang dala kong wine at napabuntong hininga nalang.

Pumasok nalang ako sa loob ng isang cubicle at tahimik na napaiyak. Sobrang baba na kasi ng tingin ko sa sarili ko, hindi ko na maalala kung kelan ba ako nagsimulang nagkaganito.

Married Overnight (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon