Chapter 1

4 1 0
                                    

Chapter 1
Encounter

Jia's POV

"Sandali lang naman, Mia. Masyado kang excited? At saka Adi, wag mo nga akong hilahin. Aray naman!" reklamo ko habang hila hila ako nina Mia at Adi sa magkabilang kamay.

Uwian na mula sa first day of school ngayon sa St. Geraldine University kaya maraming estudyante ang nagsisiksikan sa hallway at kasama na kaming magkakaibigan. Grade eleven students na kami ngayon at sobrang excited na kaming kumain sa sikat na café dito sa tapat ng school.

Bakit? Kasi maraming poging students na magbabarkada ang kumakain dun. Sayang naman kung hindi kmi makakakita ng biyaya sa araw na to diba?

"Bilisan mo, Jia. Dali!" impit na sigaw ni Adi.

"Adi, hindi naman mauubos ang pastries nila dun. Kumalma ka nga." sabi ni Ace sa kaniya.

Tumigil siya sa paglalakad at eksaheradang nanlaki ang mata at nagtakip ng bibig na humarap sa amin.

"At sinong nagsabing ang pastries ang ibig kong sabihin? Lalaki, Ace. Lalaki ang ibig kong sabihin. Alam mo yun? Yung pogi tapos may katawang—"hindi niya natapos ang sasabihin ng bigla na lang takpan ni Zea ang bibig niya at dali dali siyang hinila paalis sa maraming tao.

Agad akong napangisi at may naalala.

"Owmay! Ayan naa~" pakantang sabi ni Rin nang makrating na kami sa café. Victoria's Café.

Nakita naming malawak na ngumiti si Adi at naunang pumasok sa amin. Inabangan niya kami sa may pintuan sa loob at bahagyang yumuko ng makapasok kami.

"Good afternoon! Welcome to Victoria's Café!" nakangiti niyang sabi kasabay ng lady guard at napangiti naman ang huli.

Kung titingnan sa labas ay parang hindi ka magiging kumportable kapag nasa loob ka na dahil mukhang pangmayaman but definitely, don't judge the book by its cover.

The inside is very welcoming. The space for the tables and chairs is u-like shaped. They have wooden tables carved in an elegant way the same with their wooden chairs with pillows and  flower ornaments around it. It looks natural! Apat na mahahabang upuan ang nakapalibot sa lamesa. A mellow music is playing . Hindi masyadong maingay.

Hindi namin pinansin si Adi at nagpanggap kaming hindi siya kilala kaya napasimangot siya ng husto. "Ang kj!" bulong niya sa likod namin.

Nagpalinga linga ako sa paligid para maghanap ng gwapo. Marami naman pero puro college students na kasi. Ayaw ko sa ganon!

"Walang poging senior high school students dito." mahinang bulong ko.

Humanap kami ng mauupuan ngunit nakahanap na pala sina Mia at Rin kaya lumapit kami sa puwestong pinili nila.

"Bakit dito?"tanong ko sa dalawa nang makaupo na kami.

"Anong bakit dito?"naguguluhang tanong ni Rin sa akin.

"I mean, bakit dito niyo napiling umupo. Ang layo natin sa kabihasnan ah."sabi ko habang tumitingin sa paligid dahil nasa bandang dulong sulok kami ng café. May isa pang bakanteng lamesa sa likuran namin kaya nagtaka ako.

"Lumipat na lang kaya tayo dito sa kabila?"

"Hindi na. Bebe ko uupo diyan eh." nakangising saad ni Rin kaya napangisi na lang din ako. Malandi ka, Rin!

When We Happenedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن