Chapter 4

3 1 0
                                    

Chapter 4
KILIG

Jia's POV

"Sino yang kasama mo, Jia?" tanong ni ate habang inosenteng sumusubo ng popcorn.

"Hello po, ate." bati ulit ng damuhong katabi ko. Nakangisi siya at bahagyang nakayuko para makita si ate dahil medyo nakaharang ako sa kanya.

Please, shut up ka na lang!

Si ate naman ay nakakunot ang noo at hindi na naibaba pa ang kamay niya na nasa bibig at bahagya pa itong naka bukas.

"A-ah. Si ano po...si...kaklase ko po ate. Oo tama. Kakalase ko po." nauutal na sagot ko at bahagyang nakangiti na sa tingin ko ay nauwi sa ngiwi.

"Sure ka?" kumunot pa lalo ang noo niya saka kay Max naman siya tumingin.

"Totoo bang kaklase ka niya?"

Dahan dahan naman akong bumaling kay Max at pinandilatan siya ng mga mata. 'Wag na 'wag kang magkakamali ng sagot Delgado! Lunukin mo muna ang kalandian mo!

"Hmm. Opo." sagot niya na nakapikit pang tumatango na ani mo'y batang nagsusumbong. Hah! Nagpapa-cute ba siya?

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot niya. Buti naman!

"Pero baka maging boyfriend niya rin naman po ako." mabilis akong napabaling sa kaniya at nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakangiti siya ng inosente at nakatingin sa harapan na para bang wala siyang sinabing nakakagimbal. Aba!

Si ate naman ay narinig kong napamura ng mahina. Hindi ako makatingin kay ate dahil alam kong nakangisi na siya ngayon at handa na 'kong tuksuin.

Napabaling ako sa harapan at lumikot ang mga mata ko. Iniiwasang matuon sa direksyon ni ate Shia.

"Pero kung papalarin, baka maging parte na rin ng pamilya niyo habang-buhay." napasinghap ako at hindi makapaniwalang tiningnan ang walang hiyang lalaking nasa kanan ko. Ano raw?!

Bumaling siya sakin sandali at kinindatan ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Ano bang tinitira nito?

Tumikhim ako saka tumingin na ulit sa harapan para madistract. But I was not distracted!

Pakiusap! Don't ask for his name, ate Shia.

"Hoy!" tawag sa akin ni ate. Hindi ko siya pinansin at tumingin lang ako sa harapan at nagkunwaring hindi ko siya narinig. Akala ko ay titigil na siya pero bigla niya na lang akong binato ng popcorn at tumama ito sa ilong ko.

Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Ano ba, ate?"

"Mukhang kilala ko na pala yang kasama mo. Kilig ka?" malisyosang sabi niya at itinaas baba ang kilay niya. She even giggled a little bit.

"Shut up, ate. Nanonood ako."

"Hey!" pangungulit niya pa.

"Ate, I said shut—"

"Hindi ikaw, Jia." she stood up and sat at the chair in between me and Max.

"A-ate. Anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ko. Baka magtanong ng pangalan! Susko! Ayaw kong maging topic ako sa loob ng bahay.

"Hi. Ako nga pala si Haechiall Franco. I am Jia's elder sister." matamis siyang ngumiti at inilahad ang mga kamay kay Max.

Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at hindi ako mapakali. "A-ano, ako naman ang hahanap kina kuya Harvi, ate." ipinupunas ko ang namamawis kong mga kamay sa dress na suot ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When We HappenedWhere stories live. Discover now