Chapter 2

4 1 0
                                    

Chapter 2
Maximus Delgado

Jia's POV

Karumaldumal na tawa ang natanggap ko mula kay Adi kinaumagahan. Ipinakita ko sa kanila ang mga kuha namin kahapon sa café. Kung si Adi naman ay ang lakas ng tawa, si Mia at Rin naman ay tila kinilig pa sa sinapit ko.

"What? Anong nakakakilig dun? Nakain ko yung laway niya. Iw! It's an indirect kiss, Mia. Naiintindihan niyo? In-di-rect kiss!" nanggigigil at mariin kong sabi sa kanila. Nginisihan niya lang ako at tinaas babaan ng kilay niyang mas matalim pa yata sa kutsilyo sa slaughter house kaya tinalikuran ko na lang sila.

"Kunwari pa to. Marupok ka rin naman, ah." natatawang tukso sa 'kin ni Rin na sinabayan naman ng dalawa.

Ako? Marupok? Well, minshan..

Silang tatlo lang ang nandito dahil nasa HUMSS strand kami nina Mia at Rin. Si Adi naman at si Chi ay TVL dahil ang rason ni Adi, mahilig siyang magluto samantalang ang kay Chi naman ay mahilig daw siyang kumain.

Zea and Rai are in ABM while Ace, Ela and Xai are in STEM. Napadaan lang dito si Adi sa room namin dahil malapit lang din naman dito yung sa kaniya.

"Haaay." kunwaring nanaginip na sabi ni Adi. Hindi pa rin ako tinitigilan. "Anong swerte ko nga naman at kahapon parang ako yung problemado tapos ngayon..." dahan dahan niyang inilipat ang tingin niya sa akin at may nang aasar na ngiti ang nakapaskil sa labi niya.

Nginitian ko rin siya ng matamis. "Baka nakakalimutan mong kaklase ko ang 'kakalampagan' mo? Hmmm... Madali lang namang ibigay sa kaniya ang number mo at lahat ng social media—"

"Hep! No na. Oo na. Titigil na." nakanguso niyang sabi saka umalis sa pagkakasandal sa pintuan namin at tumayo ng maayos. "Aalis na nga lang ako. Hindi ko napapakinabangan ng maayos yung pagiging marites ko kapag ikaw ang kausap ko eh." sabi niya pa saka nagpaalam na rin sa dalawa at mabibigat ang mga paang umalis sa harap ng classroom namin.

Ngunit hindi pa man siya nakakaliko sa hallway papuntang classroom nila ay may hindi inaasahang nakabunggo siya na nagpatayo sa akin ng maayos. Ayos!

Tinapunan niya ng masamang tingin si Tristan na kinindatan lang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Hahaha! Sigurado akong namula nanaman 'yon.

"They look cute, right?" napamaang ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses na yun sa kabilang gilid ko. Pakiramdam ko ay ako naman ang namula ngayon. Aba! Ang bilis naman yata ng karma?

Sinalubong ko siya ng nakamamatay na tingin na kamuntikan nang malusaw dahil sa ngiti at titig na ipinupukol niya sa akin. Buti na lang at napanatili ko ito.

His eyes were so dark like a solemn night with starts twinkling in it. His curled eyelashes. His soft, thin and fluffy lips. His sharp nose, prominent jaw, and a black hair tied into a man bun. A minty smell of his breath. Ay ano ba yan!

Kahoy ka ba self? Ang rupok mo po!

I cleared my throat and raised my brows to hide my embarassment.

"Are you aware of what the actual f*ck did you do to my lips yesterday?" I asked that caught the both of us off guard. Gagi! Bakit lips yung sinabi ko?

"Well, I can't remember anything I did to your..." he paused and glanced at my lips then licked his own lips before he continued "...lips. But to your blueberry cheesecake, I did remember." preskong sabi niya.

Hala! Bakit ko ba tinitigan yung lips niya? Iw, ha?

"Y-yeah. I mean, to m-my blueberry cheesecake. Bakit ka nakikikain, h-ha?" nauutal na sabi ko sa kaniya.

When We HappenedWhere stories live. Discover now