Chapter 3

1 1 0
                                    

Chapter 3
Hello

Jia's POV

"Akalain mo yun, ate? Argh! Gusto kong sirain yung gwapo niyang pagmumukha." naiinis na sumbong ko sa nakatatandang kapatid ko. Nandito kami sa likod ng bahay namin sa labas ng laundry area dahil may mga couch na nakalagay dito.

Napatawa lang siya sa mga pinagsasabi ko. Aba! Walang nakakatawa dun no? Naiinis kaya ako!

"So, inaamin mo ring gwapo siya? Sino nga ulit yun?" nakangisi niyang tanong.

"Si Maximus Delgado, ate. Naku! Pangalan pa lang halatang playboy na, eh. Alam mo naman diba? Allergic kaming magkakaibigan sa mga ganyang uri." padabog kong tinutupi ang mga nilabhang damit namin kanina.

Kahit kasi may kaya kami sa buhay ay gumagawa pa rin kami ng ibang mga gawaing bahay tulad ng pagtutupi, pagwawalis sa loob ng bahay at paghuhugas ng pinggan sa gabi kapag may pasok. Pero kapag walang pasok naman ay pagluluto at paglalaba lang ang hindi namin ginagawa dahil marami naman kaming magkakapatid at hinahati hati na lang namin ang mga gawaing bahay.

May tatlo akong kuya at isang ate na siyang kausap ko ngayon.

"At saka, hello? Pogi naman talaga siya. Hindi naman mapagkakaila yun, no! Yun nga lang, hindi ko trip yung karisma niya. Ayaw ko sa ganun!" napailing siya sa akin.

"Parang hindi naman." nagdududa niya 'kong tiningnan.

"Anong parang hindi naman?"

"Parang hindi ka naman allergic sa mga playboy, 'ka ko. Parang hiyang ka nga eh. Kita mo? Nilalapitan ka nga diba?" sabi niya pa at binuntutan ng nakakalokong tawa.

"Hah! 'Wag mo naman akong igaya sayo, ate. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa sinapit ko sa loob ng classroom namin noong nkaraang linggo. Feeling ko nga pinagkaisahan kami, eh.  At saka palibhasa yun yung mga tipo mo, eh." nakasimangot namang sagot ko.

"Sinong may natitipuhan?" ani ng isang pamilyar na boses. Nilingon namin ito at nakita namin na papalapit siya sa pwesto namin mula sa kusina.

Parehong nanlaki ang mga mata namin ni ate Shia ng makita ang pigura ng panganay naming kapatid. Si kuya Harvi!

Nauna siyang nakabawi sa pagkagulat at agad na sumagot.

"Kuya si Jia may crush na!" nakangisi niya pang sabi kay kuya sabay turo sa akin.

"What?! Is that true, Jia?" nakakunot pa ang noong tanong niya. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni ate.

Eh kahit ako nga hindi ko gusto yung sinabi niya!

"Kuy—"

"Ay opo kuya. Maximus Delgado po yung pangalan. Grabe! Kinikilig po siya kanina habang nagsasalita at pinupuri yung crush niya, eh." nakangising saad ni ate. Ang sarap mo pong tirisin, ate!

Napaawang na lang ang mga labi ko sa mga sinabi niya. Sinungaling!

"Basta make sure na pogi yan, bunso, ah? Bawal magkalahi ng pangit sa pamilyang to." natatawang sabat naman ni kuya Hayden na nakasunod pala kay kuya Harvi. Umupo rin siya sa harap namin ni ate Shia at nagsimulang magtupi ng sariling mga damit.

Sinamaan naman siya ng tingin ni kuya Harvi na tinawanan niya lang.

"Kuya hin—"

"Pupuntahan ko yan sa school mo bukas." striktong sabi ni kuya Harvi.

Nanlaki ang mga mata kong wala naman na yatang ikalalaki pa. Ate Shia talaga pahamak!

"Kuya hindi ko po crush yun! Kaaway ko po!"

When We HappenedWhere stories live. Discover now