Chapter 03

14K 401 21
                                    

Kahit abot-abot ang kaba sa aking dibdib, nagawa ko pa ring hilain si Callie. Mabilis ang mga kilos namin papunta sa loob ng kanyang apartment. Ni-lock ko ang pinto at hinarang ang sofa niya. Mabuti na lamang at iisa lang ang bintana at may grills pa. Ibinaba ko na lang ang kurtina noon.

"J-Jordan!" humahagulgol na tawag ni Callie.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang dalawa niyang mga kamay. Nanginginig siya sa takot. Ito ang unang beses na makakita kami ng ibang kauri namin mula sa labas ngunit hindi ko alam na iyon pala ang magbibigay kapahamakan sa amin.

"C-Callie. . . C-Calm yourself, okay? Makakaalis tayo rito. Maraming tao pa sa labas. Hindi sila mangangahas na saktan tayo," pagpapagaan ko sa kanyang loob.

Sunod-sunod siyang tumango. Tumayo ako nang makitang bahagya na siyang kumalma. Sumilip ako sa bintana at halos manghina ang mga tuhod ko nang makita ko ang tatlong nagtatangkarang kalalakihan. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil sa suot na cap. I instantly knew they were the ones base sa paraan ng pagsisiyasat nila sa paligid.

Mabilis kong nilapitan si Callie at hinila. "W-We need to get out of here. Ngayon na!"

Bumalik ang takot kay Callie nang maramdaman ang pagkataranta ko. Sabay kaming nanigas nang marinig ang marahas na pagpihit ng kung sino man sa labas sa doorknob. Nanuot sa ilong ko ang matapang na amoy galing sa kanila. It was not a bad smell. It was actually so good, it can lure any female wolf.

Walang salitang hinila ko sa banyo si Callie. Inutusan ko siyang i-lock ang pinto habang sinisira ko ang maliit na bintana. Siya ang pinauna kong lumabas bago ako sumagot. By the time I stepped foot on the grass, narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto sa sala.

"Callie!" tawag ko. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin. "Now."

"B-But there are people around," protesta niya.

"It doesn't matter! Switch up! Now!" mariin kong utos.

Mabilis siyang tumakbo at sumunod ako. In the count of three, Callie's human form turns into a big brown wolf.

And I switched into a white wolf a little bigger than her. Wala na kaming pakialam kung may makakita sa amin habang patungo sa kagubatan. The only thing we cared about was to save ourselves.

I growled at Callie to inform her to run faster. Narinig ko kasi ang mga yabag na humahabol sa amin. Mas binilisan ko ang takbo, leading the way. The only advantage we had is we know the forest and they don't. May nakita akong maliit na kuweba. I let Callie enter first before saka tinakpan ang butas.

Bumalik kami sa dating anyo. Mabibigat ang paghinga hindi dahil sa pagod kundi sa takot at kabang nararamdaman. Mariin akong napapikit nang marinig ang paglagpas ng mga yabag sa kinarooronan namin.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang hindi ko na sila maamoy at maramdaman. Nang makahuma ay kinuha ko sa bag ang cellphone at binuksan ang flash. Nilapag ko iyon sa gilid at muling sumandal sa bato at lupang pader.

"K-kasalanan ko 'tong lahat," biglang sambit ni Callie. Basag ang kanyang boses.

"Callie. . ."

"Kung nakinig lang ako sa 'yo. Kung hindi ako nangahas na lapitan sila. Hindi mangyayari lahat ng ito. Kung katulad mo lang ako—"

Hindi kong hinayaang tapusin niya ang sasabihin. "Callie! Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa akin. Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon. Sa buong buhay mo, ako lang at si Lola Mariana ang tanging kilala mong kauri. It is normal to get curious and amazed at seeing another wolf. Let's just focus on surviving, Callie. We must survive."

Nakita ko ang marahan niyang pagtango. I released a soft sigh before closing my eyes. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising na lang ako nang makarinig ng kaluskos.

"Callie—Callie?!"

Bumaha ang kaba sa dibdib ko nang hindi ko siya makita sa loob ng kuweba. Mabilis akong tumayo at dinampot ang cellphone saka bag. Tsinek ko ang oras. Ala-una pa lang ng madaling araw!

"Callie!" sigaw ko.

Tumigil ako sa paglalakad at inamoy ang paligid. I traced the scent on the air. Malayo na ako sa kuweba pero hindi ko pa rin siya nakikita.

"Callie—"

Nanigas ako sa kinatatayuan nang muling nanuot ang amoy na iyon sa aking ilong. I didn't hesitate to transform in my wolf form. Alerto ako habang sinusundan ang amoy. Bumaon ang mahahaba kong kuko sa lupa nang makita ko si Callie. Napapaligiran siya ng tatlong malalaki at kulay itim na mga lobo. But surprisingly, medyo malaki ako sa dalawa habang kasing laki ko ang nasa gitna.

Nagpakawala ng mahinang alulong ang nasa gitna. Nangalit ang mga ngipin ko nang lumapit ang isa. Akmang sasakmalin nito sa leeg si Callie nang sugurin ko ito. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko. I mercilessly bite his neck and tossed him away.

Nakita ko ang pag-atras ng dalawa at pagkabigla sa mga mata nila nang makita ko. I took advantage of it. I growled fiercely at them to buy Callie some time. Nang makita ko siyang nakatayo, binigyan ko siya nang makahulugang tingin.

Nanghihina siyang tumayo at tumakbo ngunit hindi pa siya nakakalayo nang may sumulpot mula sa dilim. Hindi ako nakahinga nang mamasdan ko ang buong itsura nito. It was a big, black wolf. Bigger than me. The book may not be connected to them, but I am sure.

He is the Alpha.

Bumalik sa realidad ang isip ko dahil sa malakas na pagbagsak ni Callie sa lupa. Doon lang pumasok sa isip ko na nasa gitna kami ng panganib and the wolf in front of me, is our enemy. I stand on guard, ready to attack him, ngunit saglit akong natigilan nang makita ang pagpaling ng ulo niya. Tila nagsasalita ang mga mata nito sa akin at kinukwestiyon ang existence ko.

Mabilis na nawala ang pagtataka ko nang dahan-dahang bumaba ang ulo nito sa leeg ni Callie. He was purposely slow. It's like he's challenging me. And before I knew it, I attacked him.

Mabilis siyang nakaiwas na para bang alam na alam niya ang gagawin ko. I kept on attacking him ngunit hindi ko siya magawang puruhan, at nakakapagtaka na hindi siya lumalaban.

I remember. He's the Alpha. It will only take one minute for him to kill me. He doesn't even need to exert effort. Nagtagis ang mga ngipin ko. Hindi ko alam kung ano'ng nagtulak sa akin upang umalulong. But when I did, tila naging bituin sa kalangitan ang buwan na sumilaw sa kanila.

I was ready to attack him, but some strange feeling crossed in me. Tila nagkaroon ng sariling isip ang aking lobo at kusang umatras. Napalingon ako kay Callie. Mahina siyang umalulong saka tumakbo paalis. Humakbang ako upang sumunod ngunit muling napahinto.

I don't know why, but there's an urge in me to look at him. I stare at him for the last time before running away with a heavy heart I don't know what for.

Hiding From The AlphaOnde histórias criam vida. Descubra agora