Chapter 20

13K 390 26
                                    

MALI si Alastair! Ako ang hinahanap nila at hindi si Callie. She was Callisto’s mate! Hindi ba iyon nararamdaman ni Vane? Callisto will surely get hurt kapag nalaman niya ito.

Balak ko sanang pumagitna at sabihin ang katotohanan kahit pa labag sa loob ko. Ngunit napahinto ang mga paa ko nang makita ang makahulugang tingin ni Callie sa akin. Ilang beses akong napakurap.

Did she. . . Did she purposely surrender herself para pagtakpan ako?

Mariin akong napapikit. Mapapahamak siya sa ginawa niya!

Nagbaba ako ng tingin nang lingunin ako ni Vane. He stared at me for a few seconds before letting me go. Naramdaman ko pa rin ang mainit niyang tingin sa ‘kin bago nilapitan si Callie.

I looked up to see what he’s doing, and I felt foolish when my heart reacted to what he did. May pag-iingat na hinawakan niya ang baba ni Callie na para itong babasaging gamit. Pinagpantay niya ang mga mata nilang dalawa.

“Are you my mate?”

Kumabog ang dibdib ko. Saglit na bumaling ang tingin ni Callie sa akin bago ibinalik kay Vane. Ramdam ko ang kaba ni Callie. She will straight up lie at her mate’s Alpha. She will get themselves in trouble.

“I-I don’t know. It was just me and Jordan before Lola Mariana died. W-Wala akong alam sa simbolong ito,” nanginginig ang boses niyang sagot.

That was partly true. Wala naman talaga kaming alam sa mga simbolong ito. Hindi ko pa nga malalaman ang sa akin kung hindi ko binasa ang libro ni Lola Mariana.

Naging alerto ang sistema ko nang tumayo si Vane. Saglit niyang tinitigan si Callie bago bumaling kay Alastair.

“Take her to my room. I will confirm it myself.”

“Yes! Alpha!”

“W-What about Jordan? P-Pakawalan mo na siya, Alpha. My friend just wants to go back to our town. That’s all,” saad ni Callie.

Sumulyap ang malalamig na mata ni Vane sa akin na ikinaiwas ko ng tingin.

“That’s for me to decide, Callie.”

Walang nagawa si Callie nang hilain siya papasok sa loob ng mansyon ni Alastair. Tila may bagay na malamig ang yumakap sa aking katawan sa pagbaling ng buong atensyon ni Vane sa ‘kin.

“You’re lucky, Avianna. You weren’t the woman I’m desperately searching for, but I’m not going to let you go even after this. Your origins will help me someday,” matigas niyang saad.

Nagtagis ang mga panga ko. “At sa tingin mo susundin kita? Kahit patayin mo ‘ko, Vane, hinding-hindi ako yuyuko at susunod sa ‘yo!”

Napasinghap ako nang bigla niyang hatakin ang neckline ng suot ko. For the first time, I felt fear towards him when I saw his murderous eyes. Para bang anumang oras ay masasaktan niya ako. I felt something pierce my heart because of that thought.

“Then die, Avianna. If I can’t f*cking use you then just die!” asik niya.

Hindi ko nakontrol ang emosyon ko at tumaas ang isa kong kamay upang sapalin siya ngunit mabilis niya iyong nahawakan. He pushed me to the ground, not caring if I got hurt.

I felt defeated, hurt and angry while lying on the ground. Nakita ko ang nag-aalalang tingin ni Leo. Kahit gusto niya akong tulungan, hindi niya pa rin kayang salungatin ang kanyang pinuno.

Sino nga namang gagawa no‘n? This man is ruthless, evil, and an asshole! No one would want an alpha like him, but they have no choice. Kahit gaano pa sila kabuti, wala silang magagawa upang tumulong dahil sa demonyong pinuno nila!

“Kinamumuhian kita, Vane, at kamumuhian kita hanggang sa huling hininga ko!” Malamig ang mga matang sinalubong ko ang kanya. “You will not get what you want, Vane. Never.”

May dumaang emosyon sa kanyang mga mata na agad ding nawala. Akmang lalapit siya sa akin when I turned into my wolf form. All his men stand back, alerted.

“Avianna! F*cking go back and don’t piss me off further,” mapanganib ang boses niya.

Instead of doing what he wants, I growled angrily at him. Nagtagis ang mga panga niya.

“Avianna—AVIANNA!”

Before he could transform, I ran as fast as I could away from that place.

Away from him.

•••
Avianna - 🏃🏃🏃
Vonvane - 🤬🤬🤬
Galingan mo sa pagtago, Avianna😆

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon