Chapter 43

13.3K 351 10
                                    

NASA malayo pa lang ako, rinig ko na ang kaguluhan sa loob ng mansyon. Saglit muna akong huminto sa labas at hinamig ang aking sarili. He’s furious, I know. I left without telling him. Ngunit kahit naman kasi gusto kong magpaalam sa kanya, wala nang oras pa. I have to execute my decision bago mahuli ang lahat.

Mga nakayuko at halatang takot ang mga kalalakihan na nadaanan ko. Ngunit nang mapansin nila ako, mabilis silang nag-angat ng tingin. Tila sila nabunutan ng tinik nang masilayan ako.

“I will f*cking kill you if something happens to her! Mark my f*cking word, Leo!” mabagsik na sigaw ni Vane.

Huminto ako sa paglalakad. They are scattered around the sala. Mga nakayuko. Bago pa tuluyang magwala si Vane, nagsalita na ako.

“Walang mangyayari sa ‘king masama, Vane,” kalmado kong saad.

Mabilis na napalingon sa akin si Vane. Saglit na nawala ang galit sa kanyang mga mata at napalitan ng relief. Ngunit kung gaano kabilis na nawala ang galit niya ay gano’n din kabilis bumalik iyon.

“Saan ka galing?” malamig niyang tanong. Bagama’t kumalma na ang kanyang boses, alam kong naroon pa rin ang galit. He’s just hiding it.

“Somewhere important. Huwag kang magalit kay Leo at sa mga nagbabantay sa mansyon, Vane. Desisyon ko ang umalis. Wala silang pananagutan doon,” kalmado kong pahayag.

“F*ck that, Avianna! Somewhere important?!” hindi makapaniwala niyang bulalas. “How important is it that you’re willing to risk your life? Huh? F*cking answer me!”

Hindi ko siya sinagot. Lumapit ako sa kanya at walang sali-salitang niyakap siya. Natigilan siya dahil sa gulat. Maging ang galit sa kanya ay nadama kong unti-unting humupa.

“Yes. It was important. So important that I’m willing to risk my life.” Humigpit ang yakap ko sa kanya. “Dahil para sa ‘yo at sa atin ang pag-alis ko.”

Pumikit ako at isiniksik pa ang aking mukha sa kanyang dibdib. His warmth instantly envelops me. Parang ayoko nang umalis. So this is how it feels to let yourself succumb to your feelings?

“Out,” dinig kong utos niya.

Narinig ko ang mga yabag nila paalis bago tuluyang binalot ng katahimikan ang sala.

“Where did you go, Avianna? And what do you mean?” mahinahon nang tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap sa kanya. I suddenly regret my stubbornness towards him. Kung alam ko lang na ganito kasarap ang mayakap siya, sana pala ay hindi na ako nagpatangay sa sama ng aking loob.

“Avianna. . . Tell me. I—” Humugot siya nang malalim na paghinga. “Kung iniisip mo na magagalit ako, no. Just tell me the truth, Avianna. I want to hear it so I can understand what you’re saying.”

“Alam ko na kung bakit patuloy pa ring nanggugulo si Hellix,” saad ko. Natahimik siya. “He wanted to get me. To make me the mother of his—”

“Don’t even dare continue what you’re about to say, Avianna,” mapanganib niyang banta. “You are mine. Ako lang ang dapat maging ama ng mga anak mo gaya nang ikaw lang dapat na maging ina ng mga anak ko. I will fight him tooth and nail before he could touch even a single strand of your hair, Avianna."

“Alam ko, Vane. . . Alam ko. . .” mahina kong bulong.

Dumaan ang ilang segundo na katahimikan bago ko naramdaman ang masuyong haplos niya sa aking buhok. Napapikit ako.

“Take a rest, Avianna. We will talk later. I have to go back to kill that bastard,” may gigil sa boses niyang saad.

Muling humgpit ang yakap ko sa kanya nang tangkain niyang humiwalay sa akin. I don’t want him to go. He doesn’t need to go.

“Avianna—”

Natigilan siya. The silence was broken because of the growls from outside the mansion. I know. Hellix and his pack are here. I heard a low growl coming from Vane.

“Go to our room. Don’t leave until I’m done with these bastards—Avianna?”

Napalitan ng pagtataka ang boses niya nang hindi ako kumilos para sundin siya. Palihim akong humugot ng malalim na paghinga.

This is the time.

“Avianna—”

“Mark me, Vane.”

Umawang ang mga labi niya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

“You’re just confused because of our situation,” saad niya nang makabawi. “Go to your room now. We’ll talk about this—”

“I’m not confused. I want your mark on me now, Vane. Own me now,” determinado kong saad.

Ang mga nagtataka niyang mga mata ay dumilim at napalitan ng init. He’s refusing yet he also wanted to do it. This man. . .

Parang nanuyo ang aking lalamunan nang bumaba ang kanyang tingin sa aking leeg. The spot where he desperately wanted to put his mark.

Napasinghap ako nang bigla niya akong hatakin palapit sa kanya. Awtomatikong pumikit ang aking mga mata nang maramdaman ang mainit niyang paghinga sa aking leeg.

“If that’s what you want, then I will give it to you. . . With all my heart, Avianna. . .” maaligasgas ang boses niyang saad bago ko naramdaman ang kirot sa aking leeg.

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon