PROLOGUE

1.4K 22 2
                                    

IBH
FANFIC | TEEN-AGED ROMANCE
Starring: Stell Ajero
Skydamsel


Syclups Series #1: She And Her Cold Heart
Syclups Series #2: My Bitch
Syclups Series #3: I've Been Here



               Ohayooo mga kapitbahay! Hello mabuhay! Ako na naman ang Prologue, naks naman. Lakas talaga ng appeal ko kay Author oh!


By the way, i am Rose, nasa Syclups #1 ang matinong intro ko, basahin mo nalang okie, okie?




Nag prologue din ako doon pero hindi naman ako ang bida, jusko. Pero this time, ako na. Bwahahaha, ang matagal ko ng pinakahihintay, ilang buwan na akong nakapila dito actually. Tagal tagal kasi mag update ni author, puro Chinese drama ang inaatupag.




Tinatanong ko nga siya eh, bakit si Stell lang ang nasa cover ng story eh kaming dalawa namang ang bida at bumuo ng kwentong ito, diba?



Feeling ko may favoritism itong Skydamsel na ito.. Ang daya daya, walang equality.


(AN: tumigil ka kung ayaw mong cancelin ko ang kwentong ito)


Ito na nga, titigil na. Tsk, sungit.




"Rain! Tara na!"
Tawag ko sa pinsan ko na may kinakausap na junior sa isang gilid. Kasama ata niya iyon sa bagong project niya.



"Mauna kana" maikling sagot nito.



-_- so bakit pa niya sinabing hintayin ko siya rito kung papaunahin rin naman pala niya ako?

Kung di ko lang talaga toh pinsan ay baka nasapak ko na toh.


"Bahala ka"
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papasok ng canteen.



I am a fashion designer student, passion ko na talaga ang pagdedesign eversince, kahit nung bata pa ako. Pero kahit naman na passion ko yun, allowed pa rin akong tamadin diba?




Bwahaha, kaya makikichika muna ako barkada. Wala naman gaanong pinapagawa yung prof ngayon kasi puro meeting ang ganap nila.



I was referring to Syclups when i said 'barkada'.. O wow English agad, prologue na prologue. HHAHAHA.



Kung di mo alam kung ano at sino ang Syclups, ibuka mo palad mo tapos isampal mo sa mukha mo. Charrot, balik ka sa Syclups #1, ginigigil moko eh.





Pumasok ako sa canteen at nadatnan ang nagkukumpolang mga babae na nagtitilian habang pinapanood ang Syclups na nagmemeryenda. Napangisi nalang ako. Laos pala sila eh, hanggang tingin lang sila.




Lumapit ako sa kanilang lima at nakipag apir agad kay Stell na siyang unang naging close ko sa kanilang lima.


"Yow, anong chika mga beng?"
Dumampot pa ako ng french fries ni Justin.



Si Paulo, gwapo. Si Justin, mas gwapo. Si Ken, mas gwapo sa kanilang dalawa. Si Stell, mas gwapo pa sa kanilang tatlo, pero si Josh.. Pinakagwapo. Kyaaaahhh!




Ang pogi talaga niya, kahit na nung una ko siyang nasulyapan sa building namin, kyaaahh! Ang pogi masyado, mahihimatay ata ako.



"Hoy! Takte, naglalaway ka?!"

Napaiwas agad ako ng tingin nung pinitik ako ni Stell sa noo.


"Ano ba!" suway ko sabay tabig ng kamay niya.



"Tinatanong ka ni Jah, asan daw si Rain niya?"
He hissed, raising a brow.




"Hanapin mo kaya nuh, Jah?"
Si Justin naman ang hinarap ko ngayon.



"Sabihin mo nalang kaya nuh, Rose?"
Sabi naman niya habang ginagaya ang tono ko.



Tsk, mga hangal talaga. Kung wala lang si Josh dito, or si Paulo o Ken, hindi mabububay ng matino tong dalawang toh eh.




"Rose, pinapatawag ka ni Prof. John"
Napalingon kaming lahat sa paparating na si Rain pagkatapos niyang magsalita.




"Oh eto na, Jah. Happy kana?"
Tanong sabay taas ng kilay.


Mukhang nagulat pa siya at namula nung nakita ang pinsan ko. Hahaha, inlababo nga.



"Sama ako, pinapatawag rin niya ako kanina eh. Tinamad lang"
Sabi naman ni Stell sabay tayo.



"Kayo, tigil tigilan niyo ang pagiging tamad. We're graduating!"
Rain scolded us as she points me and Stell using her index.


"Yes ma'am" Stell said and bow like a servant.


Ngumisi lang ako at tumayo na rin. I quickly look at Josh and saw him smiling while typing something on phone.. He's probably.. Texting Annie..




Iniwas ko na agad ang paningin ko para walang makapansin tska inaya si Stell na umalis na. Nagbubulongan ang lahat, curious sa closeness naming pito pero hindi nalang namin pinapansin. Masyadong waste of time ang pagpapaliwanag.



"Bakit ka daw hinahanap ni prof?" tanong ko habang naglalakad kami.



Ganito naman kaming dalawa eh, mukha kaming magka away palagi kapag may iba kaming kasama pero sobrang open namin sa isa't isa kapag kaming dalawa na lang ang natira.



"Kasi gwapo ako"



Agad ko siyang pinagsadahan ng masamang tingin dahil sa walang kwentang sagot niya.



"Alam mo Ajero, kung gusto mong mamatay ng maaga, sabihin mo lang. Hindi ako magdadalawang isip na itulak ka dito sa building"
I threatened.




Tumawa lang siya at kumaway pa sa mga babaeng nadadaanan namin na pinagpapantasyahan na naman siya.




"Biro lang yun, hindi niya ako pinapatawag.. Baka lang kasi may ipabuhat na naman siyang mabigat sayo"
Kaswal na sagot niya sabay kibit balikat.


"Wow, gentleman kuno.. Balik mo muna yung stick-o ko uyy!"




At tama nga siya, pagkadating namin doon, pinagbuhat na naman ako ng prof na yun ng isang box na dapat na ilipat daw sa bagong office niya. Nakakatanga lang kasi, andami naman niyang estudyanteng lalaki, bakit ako pa?!


Kamukha ba ako ni wonderwoman?

Ang bigat pa naman nung box, ano kayang laman nun?


"Tulongan kaya kita?" offer ko kay Stell na mukhang effortless namang binubuhat yung kahon.

"Wag na, libre mo nalang ako mamaya"



"wow, sabi na eh, may condition yang mga ginagawa mo eh. Nandito ka para mangutong nuh! Ha!"
Sabi ko at dinuro duro pa ang mukha niya.





Nag cross arms ako pagkatapos at kinunot ang noo. "Pero araw araw ka namang nililibre ng mga admirers mo, bakit kapos ka pa rin sa pera?"



Tumawa lang siya sa gilid ko.
"Sa tingin mo ba talaga tinatanggap ko yung mga iyon?"



"Bakit hindi?" i can't see any reason para hindi tanggapin yung mga yun kasi in the first place, sila naman ang nag kusa at hindi hiniling ni Stell.




"Ayoko silang bigyan ng hope or motibo.. Baka magtampo future gf ko eh.."


I raised my brow and grimace into him.
"Baka patay kana eh wala pa yung sinasabi mong future gf mo.."




Kakaiba nga lang yung tono niya. Parang may ibang meaning na ewan.. Hays, praning lang talaga siguro tong lalaking ito.





"Hindi mo sure, Rose.. Malay mo nasa tabi tabi lang" he said and wink.




Hala, natuloyan na nga.










(AN: let's wish this story to be smooth as we go through the future chapters and scenes, amen🤞)

I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now