06

194 10 0
                                    

Rose's POV

             "Yun kaya? Parang maganda, lively tignan.."
Sabi ko habang nakaturo doon sa isang fitted leather jacket.


Naging (-_-) ganyan naman ang mukha niya bago binalik ang tingin sa akin.


"Maganda nga.. Magmumukha ka nga lang rock star.. Baka nakakalimutan mong romance ang genre natin doon"
Sabi niya sabay irap.



Kasama ko si Stell ngayon sa mall, naglilibot lang kami at tinutulongan niya akong mamili ng damit na isusuot bukas.. Bakit? Kasi may performance kami sa university bukas.



At syempre dahil unang ganap ko yun sa banda, syempre dapat hindi ako mag settle-for-less. Kailangan kong paghandaan yun uy..




"Bakit ba masyado kang kabado? Kahit anong suot mo, pasok naman sa event ah? Kahit nga mag-uniform kapa eh"
Wika niya ulit habang tumitingin tingin ng ibang outfit sa girl's column.





"Myghod Stell, matanong ko nga, ano ang sinuot mo nung una kang nagperform kasama ang banda?"
Asar na tanong ko.




"Damit.." kaswal na sagot niya.


"Anong klaseng damit!" i glared.




"Grey shirt and slacks, bat mo natanong?" inosenteng sagot niya. Seriously? Hindi ba niya napapansin na i was trying to be sarcastic?



"Myghod!" i hissed and massaged my head.



Sabagay, pogi naman siya kahit anong isuot niya..




"Bakit na naman? Wala naman akong ginagawang masama ah? Ikaw na nga dyan ang nagtatanong eh.."
Sabi pa niya at tumabi sa kinauupuan ko.




Bakit ko paba sinama tong lalaking toh? Huhuhu. Sumasakit lang ulo ko.




In the end, kinuha ko lang yung kaswal na grey fitted jacket at black leather skirt. Okay na yan.. Gayahin ko nalang si Stell na lowkey lang nung unang sabak niya sa Stage.. Ay hindi din.. Madalas ang performance ng Syclups sa stage kaya malamang sanay na sanay na siya kaya di na nag eeffort ang gago.




"Next!" excited na tanong ko.




Pumasok kami sa bentahan ng beauty products and cosmetics. Sa mga lipstick lang ako tumingin dahil doon lang ako nagkukulang.




Binuklat ko yung brochures at chineck agad yung mga may light shade.. Ayoko yung masyadong makapal at dark ang shade, hindi bagay sa akin at kahit bagay sa akin, ayaw ko pa rin.




Naglilibot libot lang din si Stell at tumi-tingin tingin sa mga powders na naroon. Tumayo ako nung makapili ako ng isa at tinawag si Stell.




Lip gloss lang iyon at ganun ang madalas na gamit ko. Color peach na parang pink..



"Stell! Lika dito.."




"Bakit na naman?" dadabog dabog na tanong niya habang naglalakad papalapit.


Nag evil grin ako at hinila siya para maupo sa tabi ko.



"Anong binabalak mo?" natatarantang tanong niya.



"Lend me your lips" kaswal na sabi habang patagong binubuksan yung nakuha kong lip gloss.



"What the! Ayoko nga!"
Sabi niya at lumayo pa habang nakatakip ang palad sa labi.




"Ang damot! Amin na kasi!"




I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now