01

472 13 0
                                    

Rose's POV

                 "Have you check those business plan that i sent to you last night?"

Tahimik lang akong nakasandal sa isang pader dito malapit sa kinatatayuan niya. He can't see me but i can see him.


"Na triple check ko na boss Josh, galing mo talaga sa mga ganun"
His mate complemented.


I am watching him from afar, in this way, i can freely stare to his handsome face, shining smile, and beautiful eyes..


Kapag kasi harap harapan ko siyang tintignan, pinangungunahan agad ako ng puso ko, bumibilis ang tibok nito dahil sa kaba, excitement at saya. Halo halo lahat..


And It's only Josh Cullen Santos who's capable of doing that to me. I really fell hard, damn.



Habang pinapanood ko siya, hindi ko maiwasang maalala yung oras na yun, yung kinausap niya si Rain na nangyaring kasama ko.. That was the first time that my mind were messed and weren't composed because of his presence.



When i enter this University, i immediately wished to meet them, meet the famous Syclups and be friends with them.. At oo, inaamin kong balak ko silang pikutin isa isa, hahaha, pero hindi ko talaga inaasahang mahuhulog ako agad agad at sobra sa iisang tao.



I kinda regret it because.. I met and love someone who can't even look at me with sincerity, haist.

"Anong itinatayo-tayo mo dyan, mare?"


Napatalon ako sa gulat at utomatikong napahawak sa dibdib nung bigla ko nalang narinig yung boses ni Stell, sa gilid ko mismo.

I pressed my eyes closed before glaring at him deadly.



"Balak mo ba akong patayin sa gulat ha?!?!"

Buti nalang pala at naka alis na si Josh. Kung hindi, maririnig niya kami at mahuhuli niya akong pinapanood siya dito.



"Ano ba kasi talaga ang ginagawa mo? Sinong tinitignan mo?"
Tanong niya ulit at sumilip pa sa tinitigna ko kanina.



"Kanina kapa ba dyan?"
Ang lakas pa rin ng kalabog ng puso ko dahil sa gulat, jusko. Pag ako talaga nagka issue sa senses ko, babalat ko ng buhay tong Ajero na toh.


"Kakarating ko lang" sagot naman niya.



Umirap ako at inabot ang tenga niya sabay hila.

"Aray! Takte Rose, yang tenga ko, araaayyy!"


"Sa susunod, matuto kang mag approach ng kalmado at hindi yung manggugulat ka okay?!"
Panenermon ko habang naglalakad pa rin, hila hila siya.



"Oo na, oo na. Sorry na, huhuhu"
He apologized and put his palms together. Binitawan ko na din dahil kawawa naman, namumula na agad yung tenga. Desurb.



"Bakit ka pala andito? Wag mo sabihing napadaan ka lang?" masungit na tanong ko. Umupo muna kami sa isang wooden long chair sa people's park at tumambay saglit.



"Ahh, oo nga pala.." nilapag niya sa mesang nasa harap namin ang isang 1/4 na illustration board at isang lapis. "Magpapa-drawing sana ako.."



Kumunot ang noo ko at tinaas ang isang kilay, waiting for explanation.



"Ganito kasi yun, uhm, kailangan ko ng isang magandang sketch ng City hall para support sa presentation ko bukas na isa. Alam ko namang magaling ka eh, kaya pagawa na ng favor, please"
Nagpuppy eyes pa talaga ang loko.



"Bakit hindi kay Rain? Eh madalas ay buildings ang drina-drawing nila. Puro damit naman ang akin.."
May point naman ako diba?


"Busy siya eh, tska magseselos si Jah pag nilapitan ko yung pinsan mo.."
He smiled.


"Ah ganun, so porque busy siya, ako nalang ang gagawa ganun? Second choice ako ganun ba, Ajero?"
Naaasar na tanong ko at tumayo para pumameywang. Pero nagbibiro lang naman ako, alam kong hindi ganun ang ibig niyang sabihin.



"Lah! Hindi nga, kaya nga ikaw ang unang una kong nilapitan eh. Alam ko kasing magaling ka kahit na ano pa yung iguguhit mo kaya sige na please.."
He begged again.



"Pag iisipan ko.." i said. Kahit na ang totoo, willing naman talaga akong tulongan siya, gusto ko lang talaga mang asar, pambawi na rin sa pangungulat niya sa akin kanina.



"Since palagi mo akong inaasar, inaagawan ng pagkain, at ginugulat..wag nalang siguro"
Sabi ko sabay flip ng hair.



Actually, he don't need to beg here eh. Madami siyang fans na artist din like me, baka nga kahit hindi pa niya hinihiling eh tapos na nilang nasketch yung kailangan niya. Pero bakit nakakandarapa pa siya sa harap ko? May sayad ba talaga toh?


"Hmm.. O-okay"


Napalingon ako sa kanya kasi biglang naging malungkot yung boses niya. Hahah, nakonsensya tuloy ako bigla.



"Joke lang, hahaha akin na nga yan!"
Sabi ko sabay agaw sa kanya nung mga gamit. Lumiwanag na rin ang aura niya at hindi mukhang nasakloban ng mundo.



Buti nalang pala at madalas kong panuorin si Rain at Ken kapag gumagawa sila ng mga ganito nila, yung mga sketch ng building ba, nakakabisado ko mga method nila kaya medyo maayos ayos naman yung ginagawa ko.



Tahimik lang din na nanonood si Stell sa tabi ko, di ko nga lang alam kung sa akin ba o dun sa papel ang tinititigan niya.


Kunting shade shade pa at.. "tapos na!"


Kinuha ko ang illustration board at masayang iniharap sa kanya. It was my first time sketching something like this and i was satisfied naman.


"Ang ganda ah.. Teka, sino naman toh?"
Tanong niya sabay turo doon sa drinawing kong taong naglalakad sa entrance ng City Hall.



"Hindi ba siya pamilyar sayo?" i asked and move mt brows up and down.



"Ako ba yan? Tsk, mas gwapo naman ako sa personal.." pagmamayabang niya at hinagod pa ang buhok gamit ang palad.


"Tsk, Asa! Si Josh yan uy! HAHAHA"


Pwede ko namang sabihin yun ngayon dahil alam naman nilang lahat yung pagtingin ko kay Josh.



"Ah.. Hahah.."

Pinagmasdan niya saglit yung buong drawing at ngumiti ng maliit sa akin.



"Una na ako ah! Salamat dito, ililibre kita pagkatapos ng presentation!"
Paalam niya na tinanguan ko lang.




"Sige, wag mong kakalimutan yang libre mo kung hindi, kakalbohin kita!"
Pabirong banta ko na ikinatawa naman niya habang naglalakad paalis.




Ngumiti ako sa kawalan sabay sabing,


"Mag interior designer na din kaya ako?"

I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now