21

180 11 0
                                    

Rose's POV

           "W-wala..wala pa ba siya?"
Halos pabulong na tanong ko kay Kia habang nakatingin sa sahig.

"5 minutes nalang ang natitira nating oras.."
Sagot naman niya, parang ayaw niyang ipagmukha sa amin na wala pa siya gaya ganun ang sagot niya, malayo sa tanong ko.


I sighed heavier before at our microphone. Natulala na naman ako habang nakatingin doon.
Performance na kasi namin ngayon, naghihintay na ang halos lahat ng Estudyante sa hall para sa amin.. Kaso.. Wala pa si Stell... Wala pa ang male vocalists namin..



"Baka hindi nga siya makakapunta.."
Bulong ko. Minsan na kasi niyang sinabi sa amin na baka sa sobrang busy niya e hindi na siya makasali sa next performance namin. Naiintindihan ko naman kasi finals na... Hindi ko lang talaga matanggap na hindi talaga siya pupunta at i-indyanin kami...ako..




"If he won't participate, we need to change the song. Sa tingin mo ba hahayaan ka naming kantahin ang kantang para sa dalawang tao?"
Naiinis na nag-aalalang sabi ni Daniel sabay kuha ng gitara niya.


"Hindi na guys, kaya ko.. Promise.."
Ngumiti nalang ako para maniwala sila. Kapag kasi nagpalit pa kami ngayon, masisira ang lahat. Yung napraktis, yung coordination, at yung expectation ng ibang tao.


"Pwede naman kitang samahan, Rose.. Hindi naman sumpa ang boses ko eh.."
Pagbibiro pa ni Jerald pero wala sa amin ang umimik kaya napakamot siya ng batok.



"Hindi na, hindi ko maeenjoy ang kanta kapag wala ang drum"
Sabi ko sabay tawa ng peke. Tumango siya at sabay sabay kaming napabuntong hininga.


"Tara na.."
Sabay sabay naming nilisan ang music club at dumiretso sa center ng University kung saan gaganapin ang event para sa Valentines.



Nasa stage na ang piano at drums ni Kia at Jerald kaya sila ang nagdala ng iba kong gamit. Naramdaman siguro nilang wala ako sa mood. Pero kailangan kong mag-cheer up para hindi maapektuhan ang performance ko mamaya.


Nag ayos lang kami saglit ng mga sarili namin sa backstage. Nagsuot lang ako ng red long sleeves at pinatungan ng black leather skirt. Hindi ko na din tinali ang buhok ko at iniwan na itong nakalugay.

"Dammies"
Biglang pagtawag ni Daniel sa aming tatlo. "Galingan niyo"


Sabay sabay lang kaming tumango. I feel so dispirited, argh. Kung andito lang sana si Stell na nagpapaingay sa banda... Sobrang lonely tuloy ng valentines ko.

Nauna na silang lumabas ng stage habang ako ay naiwan doong chi-ne-cheer up ang sarili. Tumalon talon na ako para marenew ang energy ko at ngumiti sa kawalan.



"Cheer up, Rose" pangungumbinsi ko sa sarili ko. Inisip ko nalang yung mga gwapong estudyante na manood sa akin para naman ganahan ako kahit papaano.


Lumabas na rin ako doon at naging malinaw sa pandinig ko ang sigawan ng mga tao. Not to mention, madami ding fans itong si Daniel.


"Hello guys! Namiss niyo ba kami???"
Malakas na tanong ni Kia sa mic. Sumagot naman ang lahat ng oo kaya napangiti ako..


May hinahanap lang talaga yung mata ko.. Asan ba kasi siya? Hindi man lang ba siya manonood? Kasi oo, aaminin ko, kahit na sinabi niya sa aming masakit ang lalamunan niya't hindi makakakanta, umaasa pa rin ako tatakbo siya paakyat sa stage na ito at sasabihing 'kakantahin ko toh kasama ka..'

"Rose," biglang pagtawag ni Daniel sa akin.. Nilingon ko siya at tinanong kong bakit.. Medyo nakaka ilang na nag-iisa lang ako sa gitna ng stage.. Dati dati, kasama ko si Stell dito..

I've Been Here (Syclups #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora