Kabanata 3

186 5 0
                                    

"SI DANIEL ALVA..." sambit ng manager ko nang may kasiguraduahan.

"Sino 'yun?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo s'ya kilala pero kilala ka niya." natatawa niyang sambit. Baka kilala ako no'n dahil marami na akong sinalihan na fashion show, marahil isa s'ya sa mga manonood.

"Kahit kailan hindi ko pa naririnig ang pangalan niya." naiirita kong tugon. May kilala akong daniel pero hindi alva ang apelyido. Natapos na akong kumain at inilagay ang pinggan sa lababo.

"Basta send ko sayo ang address sa monday." saad niya at binabaan ako ng telepono.

Bumalik akong muli sa taas upang magpahinga. Wala akong gagawin ngayong araw kaya tinawagan ko si karen. Tanging tilansik ng tubig ang aking naririnig bago s'ya sumagot.

"Karen, nasaan ka?" tanong ko sa kaniya dahil alam kong maraming ganap sa buhay si karen.

"Andito ako sa resort punta ka!" sigaw niya sakin. Mukha siyang nasa swimming pool dahil sa tubig na kanina ko pa naririnig.

Tumayo ako at pumunta sa damitan ko upang mamili ng susuotin. Nagdala ako ng two piece na swimsuit at pamalit na damit.Nilagay ko ito sa isang simpleng tote bag. Pagbaba ko ay siya namang taas ni pam at masama niya akong tinignan.

"Saan ka na naman pupunta?" mataray n'yang tanong sabay tingin sa dala kong bag.

"Wala ka nang pake do'n." sambit ko at dumeretso lang sa pagbaba.

Natigil ako dahil nakikinig pala sa usapan namin si tita minerva at matalim na nakatingin sa akin.

"Kung si pam ay walang pake pwes ako meron, kakauwi mo lang ha." malapit na sa sigaw niyang sabi.

"May kailangan lang po akong asikasuhin, uuwi rin ako mamaya." mahinahon 'kong tugon.

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi sa labas mo na dadamputin ang mga damit mo!" saad niya at bumalik na sa kaniyang ginagawa.

Sinulyapan ko si pam at binigyan ng nakakaasar na ngiti. Padabog siyang umakyat dahil sa ginawa ko. Lumabas na ako ng bahay at pumara sa isa sa mga traysikel. Malapit lang naman ang resort nila karen kaya makakarating ka na roon kahit traysikel lamang ang gamit

Nakarating na ako sa resort at inabot ang aking bayad sa driver. Nagdoorbell ako ng ilang beses at pinagbuksan ako ng isang gwapong lalaki.

"Si karen...?" normal kong tanong sa lalaki na nakangiti lamang sa akin.

"Pasok ka..." sambit niya at pinagbuksan ako ng pinto. Agad kong hinanap si karen ngunit hindi ko s'ya makita ngunit natigil ako sa paglalakad nang bigla s'yang umahon sa pool. Tinatamaan ng araw ang hubog ng kaniyang katawan. Maganda talaga siya kahit walang makeup.

Lumapit siya sa akin habang hinahawi ang kaniyang buhok na napunta sa kaniyang mukha.

"Mabuti pinayagan ka." natatawa niyang sambit at inangkla ang kaniyang kamay sa kaniyang braso at hinila ako papalakad.

"Ano bang meron at kailangan ako dito?"  tanong ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. Nakuha ko ang atensiyon nila lalo na ang mga lalaki.

"Birthday ni gelo baliw." saad niya na parang sigurado s'ya na may alam ako sa buhay ng kapatid niya. Dinala niya ako sa bar ng resort at namangha sa dami ng tao. Karamihan ay naka-topless at swimsuit, mabuti na lamang ay nagdala ako.

Nagulat ako dahil sa babaeng tumatakbo papunta sa akin. Sumabay sa kaniyang takbo ang maganda niyang buhok at nangingibabaw ang kagandahan ng kaniyang katawan.

"Bella! buti nakarating ka." bati sa akin ni andrea.

"Hindi ko nga alam na may ganito." natatawa kong sambit. Pinagmasdan ko ang bar at marami nang nabago dito o baka ngayon lang dahil birthday ni gelo. Mga bilog na lamesa ang ginamit at maraming bote ng alak ang nakapatong dito.

"Sumama ka na sa akin." pag-aaya niya at hinila ako papunta sa kanilang lamesa. Nilingon ko si karen at sinenyasan na lamang ako na sumunod kay andrea. Tumigil kami sa lamesang malapit sa bar top at napako ako sa kinatatayuan ko dahil naka-upo sa aking harapan ang nakas*x ko sa hotel. Aktong umiinom pa s'ya sa bote ng makita ako at naibaba ito ng bigla dahil sa gulat.

"Umupo ka na bella." saad ni andrea at hinila ang upuan para sa akin. Hindi ko kayang tumingin sa kaniyang mga mata dahil sa kahihiyan. Naka-topless pa siya, nakalabas ang dibdib n'ya na may konting buhok. Inabutan ako ng bote ng alak ni andrea at ininom ko ito, nagbabakasakaling mabawasan ang kaba ko.

Naubos ko na ang unang bote nang biglang dumating si gelo at binati ko lamang siya at hinalikan siya sa kaniyang pisnge.

"Salamat at nakapunta kayo." pagpapasalamat niya at umalis upang asikasuhin ang iba pa niyang kaibigan.

"Bella, magpalit ka na at lalangoy na tayo." sabi sa akin ni andrea at walang alinlangan akong tumayo at pumunta sa CR. Hininga ko ang kaba na kanina pa namumutawi sa aking dibdib. Bakit ba sa lahat ng makikita ko ngayon ay siya pa? Kailangan kong umakto na hindi ako naaapektuhan, na isa lang 'yong one night stand.

Nilabas ko na ang swimsuit ko sa bag at pumasok sa isa sa mga cubicle. Sinuot ko na ito at inayos ang lace na nagkakabit sa aking panty. Nang maayos na ay binuksan ko na ang pinto ngunit kalahati pa lang ang nabubuksan ko ay agad ko nang nakita ang lalaking nakas*x 'ko noong gabing iyon.

Tuluyan niyang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob ng cubicle. Sinara niya ang pinto at siniil ako ng halik. Masikip sa loob kaya ramdam na ramdam ko kung gaano katigas ang kaniyang baba. Ang isa niyang kamay ay nakakapit sa aking mukha samantalang ang isa ay naglalakbay sa aking katawan.

Hindi ka nagsisisi sa isang bagay kung paulit-ulit mo itong ginagawa.

Fulfilling His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon