Kabanata 9

138 2 0
                                    

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Alam kong mukha akong kawawa dahil sa itsura ko. Isang babaeng basang-basa at dala ang kaniyang maleta na may lamang damit.

Tinanggal niya ang toothbrush na nakapasok sa kaniyang bibig at gumilid upang papasukin ako. Nakayuko akong pumasok dahil nangingibabaw pa rin sa akin ang kahihiyan.

Pumasok ako sa banyo upang magpalit. Binuksan ko ang aking maleta at naghanap ng damit na maari kong gamitin. Hinubad ko ang aking damit at pantalon. Piniga ko ito at sinampay sa sampayan na malapit sa bintana. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at agad kong tinakpan ang hubad kong katawan.

Nagulat din si daniel dahil sa kaniyang nakita. Tumalikod na lamang ako upang tanging likuran ko lang ang makita niya.

"Anong kailangan mo?" mahina kong tanong.

"Babanlawan ko lang 'tong bibig ko hindi ko na kayang tiisin ang anghang." sagot niya at agad pumunta sa lavatory upang hugasan ang toothpaste sa kaniyang bibig. Nilagay niya ang kaniyang toothbrush sa baso na nakapatong sa lavatory.

Lumabas siya nang hindi tumitingin sa akin. Mabilis kong sinuot ang tuyo kong damit dahil baka pumasok na naman siya. Nadatnan ko siyang nagbabasa ng libro sa sala. Napatingin siya sa akin nang ako ay lumabas. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

"Pasensiya na daniel kung naistorbo kita." saad ko at umupo sa kaniyang harapan. Iniwan ko na ang aking maleta sa gilid ng pintuan ng CR.

"Ano bang nangyari sa'yo?" tanong niya habang diretso pa ring nakatingin sa akin.

"Nakita kasi ng pinsan ko na sinundo mo ako sa harap ng building niyo, ayon nagsumbong kay tita." sambit ko habang pinupunasan ng damit ang basa kong buhok.

"Anong plano mo ngayon?" tanong niya at bumalik sa kaniyang pagbabasa. Sa totoo lang wala akong plano dahil naguguluhan pa ako sa mga nangyayari at hindi alam kung paano ito matatakasan.

"Ilang araw lang ako dito, maghahanap ako ng trabaho para mabayaran 'yung mga kakainin ko." saad ko kahit hindi siya nakatingin sa akin.

"Bakit humihingi ba ako ng kapalit?" tugon niya ngunit tinapunan na ako ng tingin. Ayokong bigyan ng malisya ang ginagawang pagtulong ni daniel dahil una sa lahat ako ang lumapit sa kaniya.

"Ano ka ba? wala nang libre sa panahon ngayon." sambit ko nang may ngiti, pinapagaan ang sitwasyon.

"Ikaw ang bahala.." tanging nasambit niya at tinuloy ang kaniyang ginagawa.

Pinakain ako ni daniel ng hapunan bago siya pumasok sa kaniyang kwarto. Napag-usapan na rin namin na tabi kaming matulog sa kaniyang kama. Hinugasan ko na ang mga gamit kung saan ako kumain. Pumasok ako sa CR at nagtingin sa mga kabinet na naroon. Laking tuwa ko nang may makitang box na may lamang toothbrush na hindi pa nagagamit. Nagtoothbrush ako at nilagay ang aking toothbrush sa baso kung saan nakalagay ang toothbrush ni daniel. Natawa ako ng magtama ang dalawa naming toothbrush.

Lumabas ako upang pumunta sa kwarto at nadatnan si daniel na nakaupo sa kama habang binabasa pa rin ang libro na hawak niya kanina. Tumabi ako sa kaniya at dumeretso sa paghiga. Kinuha ko ang kumot at binalot sa kalahati kong katawan. Nagulat ako dahil sa bigla niyang pagsasalita.

"Huwag kang mag-alala hindi ako namimilit pagdating sa sex." seryoso niyang sambit. Hindi ko siya pinansin at pinilit ang sarili kong matulog. Ito ang mahirap sa akin hindi ako basta-basta nakakatulog sa ibang bahay maliban na lang kapag may epekto ng alak.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin, pinagmamasadan ang aking gagawin. Binuksan ko ang ref at tinignan kung may alak na maaring inumin. Mabuti na lang at meron. Agad akong kumuha ng baso at nagsalin. Uminom ako ng ilang baso bago bumalik sa kama.

"Anong ginawa mo?" nagtataka niyang tanong. Alam ko na malakas ang amoy ng alak kaya kumain ako ng ice cream at nagtoothbrush muli upang mawala ang amoy.

"Nag-CR lang ako, bigla kasing sumakit 'yung tiyan ko" pagsisinungaling ko sa kaniya.

Ilang sandali ay natapos na siya sa pagbabasa at pinatong ang kaniyang libro sa lamesa na nasa gilid ng kama. Tumayo s'ya upang patayin ang ilaw kaya tanging ilaw na lamang ng lampshade ang tanging nagbibigay ng liwanag sa amin.

Kahit konti ay naramdaman ko na ang epekto ng alak kaya agad akong nakatulog. Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock kaya agad kong ginising si daniel upang patayin ito.

Tumayo na ako ngunit si daniel ay hindi pa. Kailangan kong maghanap ng trabaho upang mabayaran ang mga magagastos ko sa bahay ni daniel. Hindi na ako nag-abalang tawagan pa si sir jake dahil alam kong may mabigat na problema rin siyang pinagdadaanan. Nagbihis na ako ay pumasok muli sa kwarto ni daniel upang magpaalam.

"Daniel, maghahanap lang ako nang pwedeng pagkakitaan." sambit ko sa kaniya kahit alam kong tulog pa siya. Ang mahalaga ay nagpaalam ako sa kaniya. Inangat lang niya ang kaniyang kamay at sumenyas na umalis na ako. Dinala ko ang aking resume kung sakaling kailanganin.

Pumunta ako sa lugar kung saan alam kong tatanggapin ako at nakatrabaho ko na. Sa kumpaniya nila daniel. Pumunta ako sa office ng kaniyang tatay at kita ko ang galak nang makita niya ako. Agad niya akong pinaupo sa isa sa mga upuan na nasa harap ng kaniyang lamesa.

"Anong sadiya mo dito bella?" tanong niya sa akin habang diretsong nakatingin.

"Kailangan ko po kasi nang trabaho." diretso kong tanong sa kaniya. Sa ganitong panahon hindi na dapat pinaiiral ang kahihiyan.

"Tama ka ng pinuntahan at may alam akong posisyon na sakto sa'yo." sambit niya na nagbigay pagasa sa akin.

"Kahit ano po gagawin ko." saad ko habang nakangiti.

"Magiging sekretarya ka ni daniel."

Wala akong pagpipilian, alam kong sa kaniya pa rin ako babagsak.

Fulfilling His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon