Kabanata 13

116 5 0
                                    

"Bakit..?" tanong ni bryan dahil napansin niyang nakatingin ako sa labas.

"Wala may dumaan lang na kilala ko." pagpapalusot ko sa kaniya. Tumango lang s'ya at tinuloy na rin ang pagkain. Natigil ako sa pagkain dahil biglang umingay ang buong cafeteria.

"Anong ginagawa n'ya dito?" tanong ng isang babae sa kaniyang kasama.

"Hindi naman kumakain 'yan dito, eh." tugon ng babae sa nagtanong sa kaniya.

Napatingin kami kung saan sila nakatingin at nagulat ako dahil naglalakad si daniel papunta kung saan kami nakaupo ni bryan. Nakatingin ang lahat ng tao at natigil sa kanilang ginagawa. Marahil inaantay nila ang susunod na gagawin ni daniel.

Huminto s'ya sa aming harapan habang kaming dalawa ni bryan ay diretsong nakatingin sa kan'ya. Naalis ang tingin ko sa kaniya ng bigla niyang pinatong ang hawak niyang papel sa tabi ng aking pinggan. Marahan ko itong kinuha at tinignan. Mga tanong ito para sa paparating na meeting.

"Gumawa ka ng photocopy niyan para sa mga board members." sambit niya habang nakatingin sa akin. Seryoso ang kaniyang ekspresiyon. Pinipilit maging natural. Sinulyapan n'ya ng tingin si bryan at mabilis na umalis.

Mas dumoble ang ingay paglabas ni daniel sa cafeteria. Tumingin ako kay bryan dahil nakatingin siya sa akin. Halata sa mukha niya na s'ya ay natatawa.

"Maraming nagulat dahil kahit isang beses ay hindi pumunta dito si sir daniel." saad niya at tinuloy na ang kaniyang pagkain. Wala na rin akong nagawa at tinuloy na rin ang naudlot kong pagkain.

Natapos na kami sa pagkain at nagpaalam na sa isa't isa. Bumalik na ako sa opisina upang gumawa ng mga hardcopy ng mga tanong. Pagkatapos ko itong gawin ay pumunta na ako sa office ni daniel upang ibigay ito.

Nadatnan ko siyang nagpapaikot ng alak na nakalagay sa isang baso. Napatigin siya dahil sa aking pagpasok.

"Daniel, bakit ka umiinom may meeting ka mamaya." saad ko gamit ang normal na boses.

"Ginagawa ko talaga 'to kaya masanay ka na." tugon niya sa aking sinabi. Binaba niya ang kapit niyang baso sa lamesa at tumayo. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na nagbigay sa akin ng kaba. Diretso lang akong nakatayo habang hawak ang maraming papel.

Pumwesto siya sa aking harapan at ginamit ang isa niyang daliri upang ipasok ang mga takas kong buhok sa likod ng aking tenga. Nakatingin siya sa aking labi at minsan sa mata habang ginagawa ito.

Alam ko ang nais niyang mangyari ngunit opisina ito at maari kaming mahuli dito. Ito ang problema kay daniel hindi niya iniisip ang mga maaring mangyari kapag ginawa niya ang isang bagay.

Mabilis kong pinagana ang aking isip at nag-isip ng paraan. Unti-unti nang lumalapit ang kaniyang ulo kaya agad kong binitawan ang hawak kong mga papel. Mabilis itong kumalat sa sahig kaya agad akong yumuko upang damputin ito. Nanatili si daniel sa kaniyang pwesto ngunit umayos din habang patuloy kong dinadampot ang mga papel.

Bumalik s'ya sa kaniyang kinauupuan at naghanap ng maari niyang gawin. Nang matapos ko nang pulutin ang lahat ng papel ay lumapit ako sa kaniya at pinatong ito sa lamesa.

"Ito na 'yung mga kailangan mo sir daniel." saad ko at agad s'yang napatingin.

"Kapag tayong dalawa lang kahit daniel na lang ang itawag mo sa'kin." sambit niya gamit ang normal na boses. Sinubukan ko lang siyang tawagin sa kung ano ang dapat ngunit ang totoong nakakailang naman talaga.

Bumalik na siya sa kaniyang ginagawa kaya oras na rin upang gawin ko ang iba kong trabaho. Bumalik na ako sa sa aking opisina at tinignan ang mga email ng aming kliyente. Natigil ako ng biglang tumunog ang telepono kaya agad ko itong sinagot.

"Si Bella Rojas po ba 'to?" tanong ng isang matandang lalaki mula sa kabilang linya. Marahil ito ay guard sa baba dahil sa tunog ng mga kotse na aking naririnig.

"Yes po, bakit?" magalang kong tanong. Nilapit ko ng maigi ang telepono ng makarinig ng sigaw mula sa isang babae.

"Pwede po bang bumaba kayo dito kasi po may dalawang babae pilit kayong hinahanap." saad niya na halatang may pinipigilan talaga. Nang marinig ko ang salitang dalawang babae ay isa lang ang pumasok sa isip ko. Si tita minerva at ang anak niyang si pam.

Nagmadali ako sa pagbaba. Bumagal ako sa paglalakad dahil nakita kong maraming nakaharang na tao sa harap ng entrance. Umusog sila ng makita ako. Nakita ko si tita minerva na pilit pumapasok sa entrance samantalang si pam ay nasa likod n'ya.

"Dito nagtatrabaho si bella, maniwala kayo!" sigaw niya sa mga guard na pumipigil sa kaniya. Natigil siya sa pagsigaw nang makita niya akong lumalapit.

"Iyan si bella ayaw n'yo kasing maniwala." saad niya sa mga guard ng kumpaniya dahilan upang mapatingin ito sa akin. Sinenyasan ko lang sila na bitawan na si tita kaya agad din nila itong sinunod. Iniwan nila kami at bumalik sa dati nilang puwesto.

Tinignan ko ang paligid at marami pa ring tao na nakatingin sa amin. Halatang pinagtatawanan kami dahil sa inaasta ni tita minerva. Nagulat ako ng bigla niyang kapitan ng mahigpit ang aking braso.

"Bella, umuwi ka na pinutol ng tatay mo ang credit card niya." saad niya habang patuloy pa rin akong hinihila. Pinanonood lamang kami ni pam habang nasa likod ng ina.

"Tita, nasasaktan ako, wala na akong pakialam sa inyo." sambit ko habang sinusubukan tanggalin ang kaniyang kamay sa aking braso. Masyado nang nagiging agaw atensyon ang nangyayari sa amin.

"Wala ka talagang utang na loob, matapos ka naming alagaan." saad niya na ngayon ay halata mo na ang galit sa kaniyang boses.

Nagulat kaming dalawa nang biglang lumapit si daniel at tinanggal ang pagkakahawak ni tita minerva sa akin. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni tita minerva dahil sa ginawa ni daniel. Kinapitan ko ang braso kung saan ako mahigpit na hinawakan ni tita minerva.

"Sino ka ba, bakit ka nangingialam?!" pasigaw na tanong ni tita minerva kay daniel. Diretso lang ang tingin ni daniel kay tita.

"Nasasaktan si bella sa ginagawa mo." seryosong sambit ni daniel. Mukhang nakilala ni pam si daniel at agad may binulong sa ina.

"Ma, siya 'yung lalaking sumundo kay bella." bulong ni pam ngunit rinig pa rin namin dahil malapit lang kami sa isa't isa. Tila lalong uminit ang ulo ni tita minerva dahil sa narinig.

"Ito ba 'yung boyfriend mo na pinagmamalaki mo bella?" mataray niyang tanong sa amin. Napatingin sa akin si daniel ngunit bumalik din ang tingin kay tita minerva.

Agad umingay ang paligid dahil sa mga salitang binitiwan ni tita minerva.

Fulfilling His Pleasure [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt