Kabanata 20

145 5 0
                                    

Pumunta kami ni papa sa orihinal naming bahay. Umupo siya sa sofa at nilamas ang kaniyang mukha gamit ang kamay. Nakatingin lang ako sa kaniya dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako.

"Pa, si kuya dylan ang pumatay kay mama?" tanong ko dahilan upang mapatingin siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang lungkot marahil ay naalala niya ang nangyari noon sa aking nanay.

"Siya ang nakasagasa sa nanay mo, sinubukan kong buksan muli ang kaso pero nalaman ko na nasa ibang bansa na siya." sambit niya na mas lalong nagpalungkot sa aking nararamdaman.

Siguro ay kagustuhan ni sir danilo na lumipad sa ibang bansa si dylan upang takasan ang kasalanang ginawa niya. Marahil ay walang alam si daniel kung sino ang napatay ng kaniyang kapatid.

Lumapit ako sa aking ama upang siya ay yakapin. Humiwalay ako sa kaniya upang puntahan ang dati kong kwarto. Nang makita ko ito ay nagbalik sa akin ang iba't ibang karanasan. May masaya ngunit mas lamang ang lungkot dahil hindi ko kapiling ang dalawa kong magulang.

Matagal na naming nais ang hustisya at ngayon ay may pagkakataon kaming makamtan iyon ay hindi na namin ito sasayangin. Bumaba ako upang tignan si papa at nakita siyang umiinom ng tubig.

"Pa, kailangan pa ba naming madamay ni daniel sa nangyayari ngayon?" tanong ko sa kaniya habang pababa sa hagdan. Bata pa ako noon at hindi alam ang pakiramdam na mawalan ng ina ngunit sa pagtagal ng panahon ay nalaman 'ko ang kahalagahan ng isang ina sa buhay ng tao.

"Makakaya mo bang mahalin ang kapamilya ng taong pumatay sa nanay mo." saad niya na tila gusto niyang umiyak.

"Pa, wala pong alam si daniel doon." pagmamatigas 'ko dahil alam 'kong tama ako.

"Pwede ba bella kahit ngayon sundin mo 'ko." saad niya gamit ang naiiritang boses.

"Pa, baka nakakalimutan mo buntis ako." sambit 'ko at lumapit sa kaniya. Ayokong matulad ang anak 'ko sa akin na lumaking walang ama. Ang hirap ipangtanggol ang sarili sa mga taong mapanghusga.

"Tutulungan kita anak, marami pang ibang lalaki d'yan." tugon niya at hinawakan ang aking kamay. Hinila niya ako at niyakap. Bumigay na ang aking ama at tuluyang umiyak.

"Pinatay nila ang mama mo." saad niya sa gitna ng kaniyang pagiyak. Hindi 'ko na napigilan ang aking sarili at umiyak na rin. Ganoon talaga siguro ang kalungkutan, sadyang nakakahawa. Pagbukas 'ko ng aking cellphone ay punong puno ng tawag ni daniel.

Alam ng aking ama na pupuntahan kami dito ni daniel kaya agad niyang inimpake ang aming mga damit. Balak niyang pumunta kami sa aming probinsya at doon muna manirahan pansamantala.

Nangako ang aking ama na babalik kami dito kapag handa na siyang tanggapin ang katotoohan na ang kapatid ni daniel ang pumatay sa aking ina. Kahit na masakit ay tatanggapin niya basta kung saan lang ako sasaya.

Sumakay kami sa sasakyang napundar ni papa. Huminga ako ng malalim bago isinara ang pintuan. Hindi kami nagkaroon ng magandang paguusap ni daniel dahil agad kaming umalis ngunit sana ay ako pa rin hanggang sa aking pagbalik.

Pagdating namin sa bahay dati ni papa ay agad kaming sinalubong ng kaniyang ina. Ngayon 'ko lang sila nakita kaya medyo nahihiya pa ako. Hinaplos 'ko ang aking tiyan dahil sa lamig ng hangin. Madaling araw na kaming nakarating dito dahil medyo mahaba haba ang byahe.

Tinulungan nila kami sa aming mga dala at pinaupo sa kawayang upuan. Pinagmasdan 'ko ang lugar at halos lahat ng makikita mo ay puno.

"Ito na ba si bella." sambit ni lola kay papa. Lumapit ako sa kaniya upang magbless.

"Ang laki na ano.." saad niya habang nakangiti.

Mabuti na lamang ay nakatulog ako sa kotse dahil sigurado ako na hindi ako makakatulog dito. Ganoon naman siguro kapag bago ka lamang sa lugar.

Lumipas ang isang linggo at unti-unti na akong nasanay sa lugar na ito. Madalas akong pagusapan ng mga tao dito dahil siguro ay bago lang ako. Medyo lumalaki na rin ang aking tiyan na laking tuwa 'ko kapag nararamdaman 'ko siya. Walang signal dito kaya hindi 'ko alam kung tinatawagan pa rin ako ni daniel. Pero sigurado ako na hinahanap niya ako.

Sadyang mahirap hanapin ang taong nagtatago.

Fulfilling His Pleasure [COMPLETED]Where stories live. Discover now