Chapter 11

143 8 9
                                    

Umuwi kami sa bahay na regalo sa amin ni lola Antonia. Alam ko ang tungkol sa pagpapasadya nito pero ito ang unang beses na nakita ko ang magarbong bahay na ito kaya hindi ko mapigilang mamangha. Pagbaba mula sa sasakyan ay umikot ako para makita ang lahat ng pwedeng maabot ng mga mata ko.

It wasn't as big as lola Antonia's mansion, but this is definitely close to it. Mula sa gate hanggang sa makarating sa bahay ay magarbo. Parang pinag-isipan talaga ang disenyo at ayos. Hindi rin basta-basta ang mga materyales na ginamit. Glass ang wall sa sala kaya makikita ang patio at pool sa right side. The stairs also looked grand. Pwede kang magfeeling reyna o prinsesa kapag bababa o aakyat ka. Even the furniture sets and appliances looked expensive.

Ayoko ng isipin kung magkano ang ginastos ni lola Antonia para sa bahay na 'to pero hindi ako magsasawang pasalamatan siya sa pagreregalo nito sa amin. This is already too much actually!

"Nasa master's bedroom na po ang mga gamit niyo, sir, ma'am. Mga damit lang po ang pina-empake ni madam Antonia. Iutos niyo na lang po sa amin kung anu-ano pa ang mga babalikan namin sa condo at bahay niyo po," sabi ng isa sa mga house help sa mansion ni lola Antonia. Apat silang narito para siguraduhing malinis na ang bahay pagdating namin. Nagsabi rin si lola Antonia na pag-isipan namin kung ilang kasama sa bahay ang ipapadala niya rito.

Kung ako lang ang masusunod, hindi ko na gugustohing magkaroon pa ng kasambahay. Nasanay ako sa bahay na kami lang ni mamita at tyaka ako ang naglilinis. Although may taga-laba kami ng damit, hindi naman iyon stay-in sa bahay namin.

Kaso maliit naman kasi iyong bahay namin ni mamita kumpara rito. Masyadong malaki ang bahay na 'to. Maraming gamit at sulok na kailangang linisan. Kaya sa tingin ko ay pag-uusapan pa namin ng asawa ko ang tungkol sa bagay na ito.

Asawa ko.

I smiled at the thought.

Sa wakas, kasal na ako kay Kael. Kasal na kami. Natali na siya sa'kin. Bubuo na kami ng sarili naming pamilya. Sooner or later, may mga batang magtatakbuhan na rin sa bahay na ito.

Maganda sana kung kambal ang unang ipagbuntis ko para hindi maging lonely kung isa lang. Pwedeng babae at lalaki. Kamukha ni Kael ang anak naming lalaki tas kamukha ko naman iyong babae. And then we will play with our children here, in this wide living room. And we will swim with them in the pool most especially during summertime.

Tuturuan ko ang anak naming babae kung paano mag-alaga ng mga halaman at tuturuan naman ni Kael ang anak naming lalaki kung paano magbike.

Sobrang naeexcite ako sa isiping iyon!

Bumaling ako kay Kael nang mapansin kong paakyat na siya ng hagdan. We're still wearing our wedding attires. Pagkatapos ng kasal kanina, akala ko ay uuwi muna ako sa amin para magpalit at kunin ang ilang gamit pero dito na kami diniretso ng driver ng mga Ayson.

Ayson. Mrs. Gianna Salazar-Ayson na ako!

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Kael. Sinikop ko ang train ng gown ko at binitbit iyon. Medyo struggle sa part ko ang pag-akyat sa hagdan kaya humawak ako ng maiigi sa hawakan dahil baka mahulog ako.

"Matutulog. I am tired," sagot niya nang hindi ako nililingon.

Pumasok siya sa isang kwarto. Iyon siguro iyong master's bedroom kaya sumunod ako sa kanya.

Namangha na naman ako pagpasok ko. Ang ganda ng kwarto! Sobrang lawak para sa isang kwarto lang. Parang may mini sala pa iyon at kompleto pa ito sa mga gamit na makikita naman sa living room sa baba.

Lumabas si Kael mula sa tingin ko'y walk-in closet, hila-hila niya iyong maleta ko.

"Here," aniya at binitawan iyon sa harap ko.

Even If It Hurts (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora