Chapter 18

160 8 6
                                    

Sa mga sumunod na araw namin sa Mauritius ay hindi ko na nakita pa iyong Cheska. Mabuti naman. For me, she's a threat. At malakas ang pakiramdam kong lalandiin lang niya ang asawa ko.

Kael didn't join me in our room. Minsan lang kaming natulog sa kwarto niya, hindi pa magkatabi sa kama. At noong mga sumunod na gabi, sa suite na niya ako pinatulog kahit anong pag-iinarte ang ginawa ko para sa lang patulugin niya lang ulit ako sa kwarto niya.

The whole honeymoon experience was just like a plain vacation. Walang special na nangyari. Walang nangyari. My husband didn't take advantage of me. In more than a week na kasal kami, ni hindi kami nagtabi sa pagtulog. And I feel so bad about it most especially that everyone is expecting me to get pregnant in this honeymoon.

Gusto ko na ring magbuntis. Kahit marami pa akong pangarap na gustong maabot, ang pagkakaroon pa rin ng anak ang pinakamatimbang sa lahat ng iyon. At si Kael lamang ang gusto kong maging ama ng mga magiging anak ko.

Pero paano mangyayari iyon kung walang nangyayari sa amin? Kahit nga ata maghubad ako sa harap ng asawa ko ay hinding-hindi niya ako gagalawin. Ni hindi niya ata ako tatapunan man lang ng tingin.

We're back in the Philippines. Excited na akong makita si mamita. Si lola Antonia at ang driver niya ang susundo sa amin sa airport. Kael told her through the other day's phone call na hindi na niya kailangang sumama sa pagsundo sa amin dahil mapapagod lang siya, but lola insisted.

"How are you, love birds?" Lola Antonia welcomed us with a warm and tight embrace. Sabay kami ni Kael na niyakap niya ng mahigpit.

"Ayos naman po lola. Nag-enjoy po kami ni Kael," sagot ko. Unang humiwalay si Kael kay lola. When I moved back, lola held my flat stomach.

"Kumusta? May laman na ba ito?" tanong niya. Halata ang excitement sa tinig niya. Nagkatinginan kami ni Kael. Ako ang unang nag-iwas ng tingin para bumaling muli kay lola.

"Napagod po ba kayo sa byahe, lola?" tanong ko, winawala ang tanong niya.

"I am fine. Nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan." Inakay ko na siya papasok sa sasakyan nila. Nailagay na ng driver ang mga maleta namin ni Kael sa compartment ng sasakyan. Kael occupied the shotgun seat while I sat beside lola Antonia at the back seat.

"Hindi na lang po dapat talaga kayo sumama sa pagsundo, lola. Ang init po," sabi ko. Totoo iyon. Ang init ng panahon ngayon. Hindi na mainam sa mga matatanda ang nae-expose pa sa labas.

"Airconditioned naman itong sasakyan," pagdadahilan ni lola.

"Iya is right, lola. You should have just stayed at home," si Kael ng hindi kami binabalingan sa likuran niya.

"Hay naku! Hindi na ako bata para pagsabihan at huwag niyo nga akong pinagtutulungang mag-asawa ha!?" ani lola pero may halong pagbibiro ang tono. Kael remained silent while lola gave me her whole attention.

"Kumusta ang honeymoon niyo sa Mauritius, hija? Come on! Magkwento ka!" excited na sabi ni lola.

Tipid akong ngumiti. "Masaya po, lola at nag-enjoy po kami ng sobra."

"Naenjoy niyo ba ang isa't-isa?"

Natahimik ako saglit bago ngumiti ng malawak.

"O-oo naman po, lola," nauutal na sagot ko.

"Naku! So that only means na magkakaapo na kami sa tuhod ng mamita mo?!" aniya. Ngumisi na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I wanted Kael to say something, but he remained mum.

Umarte akong inaantok para tumigil na muna si lola sa pagtatanong. Sobrang nakaka-corner kasi ang mga tanong niya. Hindi ko na alam ang isasagot ko.

Sa pag-iinarte kong tulog ay nakatulog na nga ako. Naalimpungatan lamang ako nang marinig ko si lola na inuutusan si Kael na buhatin ako.

Even If It Hurts (Completed)Where stories live. Discover now