Chapter 31

282 8 0
                                    

As expected, hindi check ang nangyari sa loob ng kwarto ni Kael. Isa rin siyang malaking scam—pero siya iyong uri ng scam na gustong-gusto ko.

Sa dami ng ginawa namin sa kwarto niya ay inabot na kami ng gabi sa kanila. We are supposed to be there just for a few hours of visit pero mukhang bukas na kami uuwi.

Tulog na tulog si Kael sa tabi ko. Pareho pa kaming walang saplot. Nakabalot lang sa amin iyong blanket niya. Amoy bagong laba iyong kumot, pati na rin iyong bed sheet at pillowcases. Hindi siya madalas matulog rito noong binata pa siya dahil may condo unit siya pero mukha namang palaging nililinisan itong kwarto niya.

I am staring at him, slowly combing his hair using my fingers. Ever since I got the chance to do this, nagkaroon na ako ng fetish sa paghagod sa buhok niya. And I love watching him in this state. As much as I love him staring at me, I love watching him freely like this.

Aalis pa ba ako? Makikipaghiwalay pa rin ba ako sa kanya?

Sa ilang araw na lumipas na tinuturing niya ako bilang asawa niya, unti-unting nagbabago ang isip ko sa orihinal kong plano. Parang ayoko ng umalis. Parang gusto ko na lang manatili sa tabi niya tutal hindi na rin naman niya nabanggit pa ulit iyong tungkol doon sa annulment. I think he already forgot about it.

At saka pakiramdam ko, totoo na talaga iyong pinapakita niya. Hindi dahil sa hiniling ko iyon sa kanya pero dahil gusto na rin niya ang ginagawa niya sa'kin.

Hindi ko akalaing maguguluhan pa ako ng ganito. Isang linggo lang naman ang hiningi ko pero nakakalahati ko pa lang iyon ay humihigpit na naman ang kapit ko sa kanya.

Unfair ba ako kung pipiliin kong manatili na lang bilang asawa niya at hindi na lang siya pakawalan?

Gusto ko pero ang tanong, gusto kaya niya? Should I ask him? Pero paano? Tatanungin ko ba siya kung gusto pa niya akong manatili sa tabi niya?

Ganoon na nga lang siguro ang gagawin ko. Hindi ko rin naman malalaman kung ano ang tunay niyang gustong mangyari sa amin kung hindi ko siya tatanungin.

Nakaramdam ako ng gutom. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Kael na nakapulupot sa beywang ko pero nagising ko ata siya dahil mas humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Where are you going?" he asked in a hoarse voice. His eyes are squinting. Halatang antok na antok pa.

"Bababa lang ako saglit. Iinom ng tubig."

Hinalikan niya ako sa pisngi. "Okay. Balik ka agad."

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa noo nang pakawalan na niya ako.

Hindi ko mahanap kung saan pinaghahagis ni Kael iyong mga damit ko. Kanina pa lang kasi pagpasok namin ng kwarto niya at hinubaran na niya ako agad. Hinahanap ko sa gawing pinto iyong mga damit kong hinubad niya sa'kin kaso wala naman ang mga iyon do'n. Saan naman kaya napadpad ang mga 'yon?

I wore his shirt in the meantime instead. It falls down to my mid-thigh. I really love his shirt on me. I will probably get this shirt, too.

Nasa paanan ng kama iyong panty ko kaya sinuot ko iyon bago bumaba. Nagugutom na talaga ako. Past 11PM na base sa wall clock sa may hallway ng second floor. Tulog na siguro si lola Antonia at ang mga kasama niya rito sa bahay.

Nagtuloy-tuloy ako sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha roon ng malamig na tubig. May lasagna na nasa glassware. Kumuha rin ako ng isang slice roon at nilagay sa microwave oven. Tumunog lalo ang tiyan ko sa paghihintay.

"Gianna, hija." Bumaling ako kay lola Antonia. Pumasok siya sa kusina. Nakangiti siya sa akin habang yakap ang roba niya. Late na. Bakit hindi pa siya natutulog? Nagising ko ba siya?

Even If It Hurts (Completed)Where stories live. Discover now