Chapter 53

333 10 0
                                    

"Tell me, Gianna. Where did you get that bruise on your face?"

Hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa suite ko sa hotel nang tanungin ako ni Kael. Kanina pa lang sa labas ng establishment kung saan kami sumilong habang hinihintay tumigil ang ulan ay hindi na maalis ang titig niya sa akin at paulit-ulit akong tinatanong kung saan ko nakuha ang pasa sa pisngi ko.

Hindi pa niya nakikita ng buo ang lagay ng mukha ko dahil mayroon pa ring naiwang concealer sa ilang bahagi no'n pero mas malala pa sa bagyo ang expression ng mukha ni Kael dahil sa nagbabadyang galit.

"Pakisara ang pinto," imbes ay sagot ko. May heater sa loob pero malamig sa labas. Hindi naman ako gaanong nilalamig ngayon kumpara kanina pero gusto ko lang ma-segue muna ang tanong ni Kael.

Hinubad ko ang winter jacket na suot at pinatong iyon sa mesa malapit sa main door. Kael closed the door, and I took that time to walk inside. Mabilis niyang hinuli ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Marahan ang mga naging kilos niya sa kabila ng galit na nakikita ko sa mukha niya. He's also breathing deeply.

"Saan mo nakuha 'to, Gianna?" tanong niya muli habang tinititigan ako sa mga mata.

I looked away because he might see the answer in my eyes. Yes, I considered him as someone who can protect my son once I filed a case against Bryon. Pero ngayong kaharap ko na siya para sabihin iyon ay umuurong ang determinasyon ko.

I need to tell him about our son first before I can tell him about what Bryon has been doing to me lately. Pero hindi ko alam kung paano ko iyon uumpisahan! Pwede bang after na lang ng convention ko sabihin sa kanya ang lahat? Wala pa akong sapat na lakas para sabihin iyon ngayon.

"Tumama lang ang mukha ko sa cabinet." Nagpasalamat akong hindi ako nautal sa pagsasabi no'n. Naging buo pa rin ang boses ko sa kabila ng pagsisinungaling ko.

Kael cupped my face and gently tilted my head so that I could face him. Seryoso pa rin ang mukha niya. It seemed like he was not buying my lies.

"I can distinguish a bruise made by a hand, Gianna." He started wiping my face with his still wet hands. He's doing it gently, but I still tried to stop him. He shouldn't see what was on my whole face, but I failed to hide it.

Tinignan niya ang bawat sulok ng mukha ko. I tried to move away but he didn't let me. Mas lalong nagdilim ang expression ng mukha niya habang tinitignan ang mukha ko.

"At hindi cabinet ang may gawa ng mga pasa at sugat na 'to." Huminga siya ng malalim. "Tell me, Gianna. Who did this to you?" he asked, reiterating the word who.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin. My eyes started to sting. Tears were already brimming my eyes.

"Gianna..."

"Wa-wala Kael," sambit ko. Tuluyan ng nanginig ang boses ko.

I want him to drop this. Haharapin ko naman 'to e pero hindi muna ngayon. May presentation ako bukas. Iyon muna ang gusto kong isipin. Wala munang iba. Kaya gusto kong magmakaawa sa kanyang huwag na siyang magtatanong pa at hayaan na lang niya kung anong nakikita niya.

Pero sa hitsura ni Kael ngayon, he obviously wouldn't drop this.

"Hindi 'to wala lang, Gianna. Sabihin mo sa'kin. Sino ang may gawa nito?"

Tuluyan na akong napaluha. Umiiling din ako dahil gusto ko talaga siyang tumigil. Hindi ko lang iyon masabi sa ngayon dahil pakiramdam ko'y mas maiiyak lang ako lalo kung nagsalita ako.

"Gianna..."

"P-please..." I begged. I looked down as I continually shook my head.

"Si Bryon ang may gawa nito." It was no longer a question, but rather a statement.

Even If It Hurts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon