Chapter 27

105 6 10
                                    

A/N: I'm finally back :)

Tagapagsalaysay




"Narinig ko usapan niyo nila Ma'am Veron." si Luis

"Kinakabahan ako na natutuwa Luis kasi yung matagal ko nang pinapangarap matutupad na." nakangiting saad ni Jericho

"Masaya ako para sa'yo." wika ni Luis at niyakap ng mahigpit ang kaibigan

Hindi maiwasan ni Jericho na maging malungkot dahil dalawang taon niyang hindi makikita ang kaniyang kaibigan. Kumalas naman sa yakapan si Jericho at nginitian ang isa't-isa.

"Salamat Luis sa palaging pagsuporta sa'kin." wika ni Jericho at hinawakan ni Luis ang kaniyang kamay

"Wala yun. Kaibigan kita at walang dahilan para hindi kita suportahan sa mga gusto mo." wika ni Luis at napangiti naman si Jericho

"Papasok na 'ko Luis ha, salamat uli. Kailangan ko na ihanda mga gamit ko." paalam ni Jericho

"Sige magpahinga ka na." saad ni Luis at tuluyan nang pumasok si Jericho sa loob ng bahay at dumeretso sakaniyang silid


Seryosong nag-iimpake ng gamit si Jericho at desidido na talaga sa malaking pagbabago sakaniya. Dalawang taon sila bago uli nakabalik ng pilipinas at hindi rin niya makakasama ang matalik na kaibigan. Nang matapos mag-impake ng mga gamit ay dumako siya sa isang body mirror na nakapwesto malapit sa bintana.

"Papakawalan na kita." nakangiting wika ni Jericho sa sarili at tumulo ang kaniyang luha kasabay ng paghawak sakaniyang dibdib

"Masyado nang marami ang masasakit na naranasan mo J-jericho.." wika niya sa sarili "Kailangan mo nang mamaalam.." dagdag niya kasabay ng pag-agos ng kaniyang luha












"Ginabi ka nanaman ng uwi." walang emosyon na wika ni Rico

"Mano po pa-" naputol ang sasabihin ni Denise nang biglang tumayo si Rico

"Di'ba ang sabi ko ayoko ng ginagabi sa labas! Maghahating-gabi na!" sigaw ni Rico at napayuko naman si Denise na agad naman nilapitan ni Nora para awatin ang asawa

"R-rico 'wag mo naman sigawan yung anak mo nakakahiya sa kapitbahay." pakiusap ni Nora

"Dinidisiplina ko lang naman yang anak mo!" giit ni Rico

"Naghahanap lang naman po ako ng trabaho papa tsaka mahirap rin po makasakay pauwi." naiiyak na paliwanag ni Denise habang hinahagod ni Nora ang kaniyang likuran

"Naghahanap ng trabaho o nakikipagkita ka lang sa boypren mo?!"

"Rico tama na." awat ni Nora

"Ganyan na po ba tingin niyo sa'kin pa? Naghahanap lang po ako ng trabaho para makatulong po sainyo ni mama!" mataas na tonong pangangatwiran ni Denise at agad naman dumapo ang palad ni Rico sa pisngi nito

"Bastos ka ah! Ganyan ba yung napupulot mo sa labas?!"

Humagulgol naman si Denise at naiyak na rin si Nora kasabay ng pag-awat.

"Tama na!" awat ni Nora

"Anong tama na?! Binabastos ako ng anak mo Nora! Hindi lang sampal ang aabutin mo kapag inulit mo pa yan!" sigaw ni Rico sa mag-ina at padabog na umakyat

Niyakap na lamang ni Nora si Denise at pinatahan ito.

"Shh tahan na anak andito lang ang mama , hayaan mo na 'yang papa mo. W-wala siyang awa sa a-anak niya.." wika ni Nora at pinunasan ang kaniyang luha








Kinabukasan. Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Jericho. Nakaupo sa harap ng salamin at nakangiting inaayos ni Jericho ang sarili nang biglang may kumatok at ito ay si Veron na nakaayos na. Agad namang nilapitan si Jericho.

The Girl I Saw In The Mirror | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon