Chapter 31

74 5 2
                                    

Trina's POV




Bakit ganun? Bakit pa siya bumalik? Bakit ko pa siya nakita? Bakit naramdaman ko nanaman yung hindi ko dapat maramdaman?

Iniaayos ko ang mask na suot ko at nakapasok na rin ako sa loob habang nakayakap sa sarili na para bang takot na takot. Nilibot ko ang paligid upang hanapin kung nasaan sina Tita Veron at Luis. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na sila bandang entablado kaya naman dali-dali akong tumungo roon.

"Hey iha are you alright?" tanong ni Tita Veron sa'kin at hinawakan ako sa balikat

Tumango na lamang ako at tumingin uli sa paligid dahil baka makita ko siya uli.

"Trina ayos ka lang ba? May nambastos ba sa'yo rito?" tanong naman ni Luis at pinaharap niya ako sakaniya

"W-wala tsaka ayos lang ako." sagot ko at umiwas ng tingin

"Sigurado ka ba iha? You look so scared." pag-aalala ni Tita veron sa'kin

"Don't worry about me po Tita at Luis , okay lang po ako." wika ko at nagbigay ng pilit na ngiti

"Osiya mag-uumpisa na ang program kaya aakyat na ako sa stage at kayo dito lang ha." paalam ni Tita Veron at inalalayan naman siya ni Luis paakyat

Nagpalakpakan na ang mga tao dahil nag-umpisa na ang programa. Hindi pa rin ako mapakali kakaisip dito sa kinatatayuan ko.

"Nandito lang ako Trina." rinig kong bulong ni Luis sa'kin

Napatingin na lamang ako sakaniya at ngumiti. Ilang minuto lang ay nakaupo na kaming lahat.

"May hindi ka ata sinasabi sa'kin?" tanong ni Luis

"Ha?" takang tanong ko

"Yung problema mo ngayon , ano ba meron?" tanong niya uli

"Wala naman." tipid kong sagot

Hinawakan niya naman ang kamay ko at napatingin naman ako sakaniya.

"Basta kung kailangan mo ng isang tagapakinig sa problema mo , andito lang ako Trina at alam kong hindi ka rin okay ngayon kahit hindi mo sabihin kasi kabisado na kita." wika niya at napayuko naman ako at muling tumingin sakaniya

"Salamat ha.. Pasensya na rin kung hindi ko masabi sa'yo ngayon." wika ko

"Ayos lang tsaka gusto ko rin naman na gumaan 'yang pakiramdam mo." wika niya at napangiti naman ako

Bumaling uli ang atensyon ko sa nagsasalita na nasa harapan.






Tagapagsalaysay





"Apakatagal mo naman Love kanina pa kita hinahanap sabi mo sa'kin sasaglit ka lang tapos ngayon ka lang bumalik." reklamo ni Ella at umismid

"Sorry love naghanap lang ako ng signal sa labas." wika ni Mateo at tila may hinahanap

"Oh sino naman yung hinahanap mo?" takang tanong ni Ella

"Ah nothing love its just a friend." palusot ni Mateo

"Bro kanina pa kita hinahanap." si Ethan

"Sorry bro nagstart na pala ang program." wika ni Mateo at naupo kasabay ni Ella

"Maiwan ko na muna kayo Bro." paalam ni Ethan at nakipagkamay kay Mateo kasabay ng pag-alis

Halos kalahating minuto nang nagsimula ang programa at mayroong rin sumayaw sa harapan at kumanta. Sa pagtatapos ng isang performance sa entablado ay tatawagin na ang susunod na magbibigay ng mensahe sa harapan.






Trina's POV




"Kinakabahan ako." wika ko

"Huwag ka kabahan tsaka isa pa kasama mo naman kami." saad niya at tumapik sa balikat ko

"Hey! Ate Trina , Luis. Sorry i'm late my god.. na missed ko tuloy ng kalahating oras ang program." si Ivy at nakipagbeso sa akin

"Have a seat Ivy , saan ka pala galing?" tanong ko

"Nagkasabay kasi ng araw itong event at yung birthday ng friend ko." sagot niya at uminom ng tubig dahil sa itsura niya mukha na siyang tumakbo

"Now.. let's give a round of applause to Ms. Trina Esquivel." rinig kong tawag sa'kin mula sa entablado kaya naman medyo nagulat ako at tumayo na rin

Naglakad ako papunta sa entablado kasama si Luis na kusang umalalay sa akin.

"Kaya mo 'yan." bulong niya sa'kin at ngumiti

"Thank you." i whispered

Nang makaakyat ako sa entablado tumingin muna ako saglit kay Tita Veron para ngitian siya at ganun rin ang isinukli niya sa akin.

"Magandang gabi po sainyong lahat.. Nais kong magpasalamat sa inyong suporta at sa inyong pagpunta. Alam ko naman na lahat po tayo ay gustong tumulong sa ating kapwa-maliit man ito o malaking tulong basta nanggaling sa puso. Naranasan ko na may isang taong tumulong sa'kin at hanggang ngayon pinapasalamatan ko- kahit hindi kami magkadugo. Kaya labis ang pasasalamat ko dahilbmay mga taong matulungin sa kapwa lalo na't sa oras ng pangangailangan." wika ko at saglit naman akong napahinto dahil nakita ko uli si Mateo sa isang sulok at nagkasalubong ang aming mga mata

Napahinto naman ako sa pagsasalita sa harapan at pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa mga oras na ito. Ilang minuto ang tinagal ng pagkakasalubong namin ay bigla akong bumalik sa wisyo.

"A-at.. s-sabi nga nila- hindi.. masamang tumulong.." napatingin na lamang ako sa mikropono

"And that's all .. Thank you." mabilis kong saad at nagmamadaling bumaba sa entablado

"Again Ms. Trina Esquivel!" wika ng m.c sa harapan at nagpalakpakan uli ang mga tao

Nang makababa ako ay agad akong nilapitan ni Luis at nakasunod rin pala sa akin si Tita Veron.

"Iha what happend?" nag-aalalang tanong ni Tita Veron

"Ano lang po medyo sumama po pakiramdam ko." pagkukunyari ko

"Gusto mo na ba umuwi?" tanong naman ni Luis

"No its okay.. kaya ko pa naman." sagot ko

"Basta iha if you need anything just call me ha." wika ni Tita Veron at tumango na lamang ako at binigyan siya ng maliit na ngiti

"Ako na po muna bahala rito kay Trina at nandito na rin po si Ivy Ma'am Veron." wika ni Luis

"Mabuti naman nakaabot pa siya dito sa Event tsaka nagpaalam siya sa akin na may pupuntahan siya bago siya pumunta dito sa Event." wika ni Tita Veron

"Osiya aakyat na uli ako." paalam niya

Bumalik uli ako sa'ming kinauupuan kanina at uminom ako ng tubig para kumalma ako.

"Lalabas muna ako saglit." paalam ko at tumayo

"Samahan na kita." wika ni Luis at akmang tatayo

"Hindi uhm okay lang samahan mo na muna dito si Ivy." sabi ko at tumango na lamang siya

Nang makalabas naman ako ay agad kong niyakap ang sarili ko at nagsimulang maluha.

"Sana hindi na kita nakita pa o maramdaman. Mas gugustuhin kong makita sina Mama at Ate." saad ko sa sarili

"Hindi na kita muling namahalin pa Mateo." bulong ko sa hangin at pumikit kasabay ng pagpatak ng luha







abangan...

The Girl I Saw In The Mirror | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon