Chapter 41

75 2 5
                                    

Tagapagsalaysay









"Ate kamusta na kaya si Mama? Gusto ko na siya makita." wika ni Trina at sumandal sa swivel chair

"Ayun gaya pa rin ng gawi niya minsan naririnig ko umiiyak kaya pinapatahan ko." wika ni Denise at naupo

"Ate napag-isip-isip ko lang na gusto ko na magsabi kay mama na.. ako si Jericho." mahinang saad ni Trina

Hinawakan naman ni Denise ang kamay ng kapatid.

"Alam mo sa bahay ka na maghapunan mamaya tsaka matutuwa rin siguro si mama kapag nakita ka niya." nakangiting wika ni Denise at napangiti naman si Trina

"Sure ate basta bumili muna tayo ng makakain para mamaya. Si papa pala ate baka maaga umuwi." wika ni Trina

"Hmm.. ang alam ko may meeting siya ngayon e pero hayaan mo na muna si Papa ang isipin natin na magkakasama na tayong tatlo nila mama." wika ni Denise

"Ready ka na ba?" tanong ni Denise

Huminga naman ng malalim si Trina at nakangiting tumango.

Bumitaw naman si Trina sa pagkakahawak sakaniya ng kapatid dahil may pipirmahan itong papeles.

"Ate, pasuyo pala ako nitong papeles kay Ms. Hilda at kailangan niya rin mapirmahan 'yan." utos ni Trina at inabot naman ang isang folder kay Denise na kinuha naman nito

"Yes boss." wika ni Denise at nagtawanan naman ang magkapatid

"Ate naman e." natatawang wika ni Trina

"Sige ipapapirma ko na ito." saad ni Denise at lumabas sa opisina ni Trina







"Love sorry uli ha. Sige kung ayaw mo akong pansinin uuwi nalang ako." pagtatampo ni Ella

Nasa opisina ni Mateo si Ella ngayon at wala sa mood si Mateo dahil sa ginawa ni Ella.

"Ella. Sabi mo sa akin na hindi mo na uli gagawin 'yon. Nasa meeting ako kanina and you almost ruined it." inis na wika ni Mateo at niyakap naman siya ni Ella

"Love sorry, patawarin mo na ako." mangiyak-ngiyak naman na saad ni Ella

"Go home Ella. Stop creating a scene next time okay?" bilin ni Mateo at pinunasan naman ni Ella ang kaniyang luha at tumango kasabay ng paglabas nito sa opisina ni Mateo

Inis na lumabas si Ella sa opisina ni Mateo at nagmadaling lumabas sa establisyamento.



















Trina's POV



Inaamin ko na hindi pa rin ako komportable sa presensiya ni Ella at Mateo lalo na't para bang makakaaway ko nanaman siya. All i want is a peacful life without them dahil natupad naman na ang pangarap ko na maging isang BABAE.

Masaya na ako ngayon lalo na't magkasama kami uli ni Ate Denise ko. Sobra ko siyang namiss at para bang mga bata kami ulit. Aaminin ko rin na medyo kinakabahan ako magpakita kay Mama dahil baka dito madismaya ko siya.

Ipinapaikot ko ang ballpen sa daliri ko habang hinihintay si Ate Denise. Saglit naman akong humigop ng tsaa bago ako magcheck ng social media account. Pagbukas ko naman ng cellphone isang notification ang bumungad sa'kin.

Mateo Collins liked your photo.

Napangiti naman ako ng bahagya ngunit mabilis ko rin binawi iyon. Ang hirap pala kapag nasa iisang lugar lang, para bang hinihila uli ako sakaniya pilit ko mang nilalabanan pero ang hirap pala gawin. Dedma ako kapag nasa harapan ko sila ni Ella pero sa loob-loob ko masakit.

"Trina, pasensya na natagalan. Natalakan pa ko nung Ms. BruHILDA na 'yon." bungad ni ate na siyang kinagulat ko naman ng bahagya

"Nako ate 'wag mo nalang pansinin kung ano man ang nasabi sa'yo. Alam mo ate napakalaki ng utang na loob ko kay Tita Veron." ani ko at naupo naman si Ate

"Halata nga. Tsaka , napakabait ni Ms. Veron kumpara kay Ms. Hilda na saksakan ng sama ng loob naloloka ako kanina." pailing-iling niyang wika

Natawa naman ako ng bahagya.

"Ate tuloy tayo later ha." saad ko at humawak naman siya sa kamay ko

"Oo naman Trina. Matutuwa sa'yo si Mama kapag nakita ka niya uli." ani niya

Tumingin naman ako sakaniya at ngumiti.

"Nga pala ate." bumitaw ako't tumayo at pumunta malapit sa bintana ng opisina ko

"Nagkita kami ni Papa." panimula ko nabalot naman ng katahimikan ang opisina at nagtatangka nanamang pumatak ang mga luha ko

"Namukhaan ka ba niya?" rinig kong tanong ni Ate mula sa kaniyang inuupuan

Nakatalikod naman ako at umiling kasabay ng pagyakap sa sarili ko.

"Hayaan mo na muna natin si Papa. Maski ako nasasaktan sa tuwing naririnig ko yung paninira niya sa'yo." ani ni Ate at pinuntahan ako para yakapin

"Salamat ate ha , kasi ikaw yung laging nandyan para sa'kin." wika ko at ngumiti naman siya

"Syempre ate mo 'ko kaya dapat lang na ako yung magiging sandalan mo sa mga problema na darating sa'yo." sabi niya at kumalas sa yakap

"Kaso lugi na 'ko sa'yo e." wika niya at napakunot noo naman ako

"Ha? Anong ibig mong sabihin ate?" takang tanong ko

"E, mas maganda ka na kasi sa'kin." sagot niya at natawa naman ako

"Ay nako ate hindi mo ako mabobola. Minana ko lang naman sainyo 'yan ni Mama." natatawa kong wika






Tagapagsalaysay





Napadaan si Mateo sa opisina ni Trina at nakita niyang nagtatawanan ang dalawa. Nasilayan naman nito ang mga ngiti ni Trina kaya di niya maiwasang mapangiti rin. Nahinto lamang iyon nang tapikin siya ni Ethan.

"Bro, naihatid ko na sa sasakyan si Ate Ella." sabi ni Ethan

"Oh.. thank you bro." pasasalamat naman ni Mateo ata ibinaling muli ang tingin kay Trina dahil tanaw niya ito sa labas ng opisina ng dalaga napansin naman iyon ni Ethan

"Aha... Baka naman matunaw si Ms. Trina sa kakatitig mo kuya." mapang-asar na saad ni Ethan at tumawa naman ng mahina si Mateo at naglakad pabalik sa opisina kasabay si Ethan

"Well, Ella is acting like a child sometimes. Wala na talaga yung Ella na nakilala natin before bro." malungkot na saad ni Mateo sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad pasakay sa Elevator

"Sabi naman namin sa'yo ni Mom na dapat hangga't maaga magdesisyon ka kuya." wika ni Ethan

"Well lets see. Kukuha lang ako ng right timing to say this to her. Maski ako nahihirapan to save our relationship but i think its not worth it anymore bro." seryosong wika ni Mateo at sabay na pumasok sa Elevator

















abangan...

The Girl I Saw In The Mirror | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon