Chapter 29

90 5 7
                                    

A/N: I'm back guys! How are u? I hope u doing great!

Trina's POV

Halo-halo ang naging emosyon ko nung nakita ko ang pagtanggap sa'kin ng mga tao. Kasalukuyang nasa kwarto ako at nakaharap sa salamin kagaya ng gawi ko noon. Hinubad ko ang aking suot na pantulog upang tignan ang kabuuan ko. Napaiyak naman ako sa tuwa dahil natupad na ang pangarap ko ngunit biglang sumagi sa isip ko si Mama't Ate.

"Wala nang pwedeng umapak sa pagkatao mo Trina dahil nakalaya ka na." wika ko't sininuot uli ang pantulog

Bigla namang may kumatok at agad akong nagpunas ng luha kaya pinuntahan ko agad at pinagbuksan.

"Hi iha! May gustong makakita sa'yo." si Tita Veron

Napakunot- noo naman ako at nagtaka "S-sino po?" tanong ko

"Ikaw na ba 'yan?" si Luis

Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil agad ko siyang niyakap ng napakahigpit at naiyak. Ramdam ko rin ang pagkahigpit ng yakap niya.

"Namiss kita." saad ko sa gitna ng aming yakapan

"Ako rin sobra Jer- Trina.." wika niya at kumalas

"Ang ganda-ganda mo na." puri niya sa'kin at napangiti naman ako dahik hindi nagbago si Luis sa'kin

"She deserves all of that." pagsingit ni Tita Veron at ngumiti

"Masaya ako dahil natupad mo na yung pangarap mo noon at salamat rin kay Ma'am Veron." wika ni Luis

"Ang fairy godmother ko." sabi ko at yumakap kay Tita Veron.

"Anything for you anak." sambit niya at kumalas sa yakap

"Anyways iho't iha mayroon tayong gaganapin na Charity Ball bukas ng 4pm maraming natanggap na donations para sa mga batang nasa lansangan." anunsyo ni Tita Veron

"Nako nakakahiya po." sabi ni Luis

"Huwag ka na mahiya iho kasama mo kami ni Trina bukas tsaka si Ivy." wika ni Tita Veron






Tagapagsalaysay




"Bakit kasi kailangan pa nating sumama doon sa Charity Ball?" reklamo ni Ella

"To support Tita Veron and besides malapit na rin akong magtrabaho sa company nila because mom really likes their brand." sagot ni Mateo kasabay ng paglapag ng binabasang libro

Umupo naman sa tabi ng kama si Ella at napangiwi kaya niyakap naman siya ni Mateo at hinalikan ito sa noo.

"Matulog nalang tayo love okay? Para makapagprepare tayo bukas." wika ni Mateo at humiga

Tumango na lamang si Ella at humiga na rin .

Kinabukasan ay namimili na si Trina ng isusuot para sa Charity Ball nang biglang pumasok si Veron na may dalang casual attire

"Iha i got this for you." sabi ni Veron at pinakita kay Trina ang isang mamahaling casual attire

Kulay itim ito at napapalibutan ng gintong malilit na bato. Napangiti naman si Trina.

"Ang ganda naman po nito Tita." puri ni Trina

"Try it on Iha at maaga-aga tayo pupunta roon." sabi ni Veron at pumunta si Trina sa bathroom para doon isuot

Nang matapos isuot ay halos pang Miss Universe ang datingan ni Trina at namahanga naman rito si Veron.

"It looks good on you iha! Pwedeng-pwede kana sumali sa Miss Universe." puri ni Veron

"Thank you so much po Tita uhm si Luis po ba nakaayos na?" tanong ni Trina

"Yes iha actually para kayong magcouple mamaya dahil pinasuot ko siya ng tuxedo ang i forgot iha nakamask pala tayong lahat mamaya." wika ni Veron at iniabot kay Trina ang isang black mask na may pagkakahawig sa suot niya

Bigla namang pumasok si Luis at bahagyang napanganga dahil sa kagandahan ni Trina.

"See parang magcouple talaga kayo." nakangiting wika ni Veron at bumalik naman sa ulirat si Luis at nilapitan si Trina

"Ang ganda talaga ng bestfriend ko!" masiglang saad ni Luis at natawa naman si Trina

"Salamat at ang gwapo rin ng bestfriend ko." wika ni Trina at isinuot ang mask

"Shall we mga iho't iha?" pag aya ni Veron at tumango ang dalawa

Inalalayan naman ni Luis si Trina sa pagbaba ng hagdan at hanggang sa pagsakay sa sasakyan.








"Di mo naman agad sinabi na magsusuot pala ng Mask love?" reklamo ni Ella

"I'm sorry tsaka si Tita Veron na rin ang nag-inform kanina lang." paliwanag ni Mateo habang binobotones ang kaniyang tuxedo

"Sayang lang ang pagpapaganda ko." nakasimangot na saad ni Ella at nilapitan naman siya ni Mateo para halikan sa noo

"Its okay love maganda ka na." puri ni Mateo kay Ella

Bigla namang pumasok si Gemma at nakitang nakaayos ang dalawa.

"Wow! Anak yayamanin ka jan! Saan ang punta ninyong dalawa?" tanong ni Gemma

"Sa Charity Ball po tita." nakangiting sagot ni Mateo

"Pwede ba 'kong sumama?" hirit ni Gemma at sinuway naman siya ni Ella

"Nako nay! Next time nalang at kung gusto mo ibabalot kita ng nga pagkain." pagsingit ni Ella

"Mauuna na po kami tita." paalam ni Mateo

"Osiya mag-iingat kayong dalawa." sabi ni Gemma at binulungan naman nito si Ella nang makalabas si Mateo sa kwarto nila

"Ingatan mo 'yang si Mateo baka mabingwit ng iba jan." bilin ni Gemma

"Oo naman nay tsaka ayoko na bumalik sa kangkungan , sige na nay aalis na kami masira pa make up ko." paalam ni Ella at dali-daling hinabol si Mateo palabas






abangan...

A/N: Ang lame ng UD ko for today bidyowww babawi ako sa next chap! xoxo!

The Girl I Saw In The Mirror | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon