Chapter 1 [ Betrayal ]

78 1 0
                                    

Chapter 1 [ Betrayal ]

Mabilis ang pagtakbong ginawa ni Nerisse. Hindi siya maaaring abutan ng mga humahabol sa kanya! With determination, pinagsabay niya ang pagtakbo, pag-iwas at pagtalon nang bahagya upang hindi madapa sa mga nakausling ugat ng puno sa dinaraanan niya. Kahit hinihingal ay wala siyang balak na huminto sa pagtakbo.

Tears began to fell on her cheeks. Marahas na pinahid niya ang mga iyon gamit ang likod ng kanyang palad. Hindi iyon ang tamang pagkakataon upang siya ay maging emosyonal. Ang pinakadapat niyang unahin ay ang makagawa ng plano upang hindi siya masundan ng mga humahabol sa kanya.

Bahagyang napangiti si Nerisse nang namataan ang isang napakalaking puno. Agad siyang nagtago sa likod ng matabang katawan niyon. Napansin niyang may maliit na uka sa pagitan ng puno, sapat lang upang makapasok ang isang nilalang na tulad niya. Nangangamba mang mayroong mga insekto at maliliit na hayop na maaaring kumitil sa kanya na nauna nang nakapagtago sa loob ay hindi na niya muna inisip. Ang mahalaga ay makapagtago siya.

Pumasok siya roon. Naulinigan niya ang mga yabag ng mga tauhan ng kanyang ama na nag-uusap mula sa hindi kalayuan. Napapikit siya. Nahiling niya na sana ay naroon ang nobyo niyang si Adrian upang siya ay tulungan.

"'Tangina, Pare! Nasa'n na ang babaeng iyon? Nandito lang iyon kanina, ah?" galit na wika ni Simeon, ang kanang-kamay ng kanyang amang si Don Israel.

"Tiyak na narito lang sa malapit ang lintik na babaeng iyon. Lagot tayo kay Don Israel kapag nakawala ang anak niya," sagot naman ng kausap ni Simeon.

"Sayang naman kung makakaligtas si Nerisse. Maganda at sexy pa naman ang batang iyon. Aba'y kaytagal ko nang pinagnanasahan ang anak ni Don Israel," sabi pa ni Simeon at sinundan pa ng mala-demonyong tawa.

Ngali-ngaling ipaputok ni Nerisse sa bungo ng dalawa ang dala niyang baril. Ibinigay mismo ng ama niya ang dalang baril. Anito'y kakailanganin daw niya iyon kung sakaling magkagipitan na. After all, marami silang ganoong klase ng armas. Leader ng isang malaking sindikato ang kanyang ama. He was a drug dealer. Marami itong tauhan. Maraming pulis na ang tumutugis rito ngunit napakailap nito. Sa lahat ng lakad nito ay halos isinasama niya. Bagay na nakasawaan na niya kaya siya tumatakbo at nagtatago ngayon. Iyon ay upang makatakas na mula sa ama niyang nalason na ang isipan dahil sa droga at sumasamba sa pera.

Ngunit may isa pang malaking dahilan si Nerisse kung bakit niya naispang lumayo sa ama. Pinipilit kasi siya nitong ipakasal sa anak na lalaki ng kasosyo nito sa negosyo. At iyon ang hindi niya mapapayagan dahil may nobyo na siya.

Napasipol ang kausap ni Simeon na tauhan din ni Don Israel. Kahit hindi niya nakikita ang maaaskad na pagmumukha ng mga ito, alam niyang nakangisi ang mga ugok.

"Nako! Ako rin! Ang kinis-kinis ni Nerisse. Tiyak na magaling iyon mag-perform sa kama!"

"Tayo na't baka nakalayo na iyon!" ani Simeon at nagsimula nang mawala ang yabag ng mga ito. Iyon na mismo ang hudyat upang lumabas siya sa pinagtataguan.

Naging kanlungan ni Nerisse ang kadiliman. Kahit paano ay napanatag siya sa kaalamang nailayo at nailigaw na niya ang tumutugis sa kanya. Tinahak niya ang daan papasok pa sa gubat sa halip na sa gawing kalsada. Natitiyak kasi niyang doon papunta sina Simeon dahil doon siya posibleng makakahingi ng tulong sa mga daraang sasakyan.

Ang alam ni Nerisse, may iilang bahay na nakatirik sa medyo liblib na parte ng gubat. Nalaman niya iyon nang minsang naisipan niyang mamasyal doon habang abala ang kanyang ama sa pakikipagtransaksiyon sa mga kausap nito. Ang hindi lang siya sigurado ay kung tama ang kanyang tinatahak na daan. Kalat na kalat na kasi ang dilim at nababalutan na ng kadiliman ang paligid. Sinundan na lamang niya ang trace ng mga damo.

My Eerie RomanceWhere stories live. Discover now