Chapter 6 [ I Like You ]

4 0 0
                                    

Chapter 6 [ I Like You ]

SIMULA nang makilala ni Nerisse si Mikey, noon lang uli napapangiti at natatawa nang ganoon ang dalaga. Sa tuwina kasi ay gumagawa palagi si Mikey ng paraan upang mapasaya siya. Ilang araw pa lamang silang magkakilala ngunit nagugustuhan niya ang ugaling taglay nito. Palabiro, palangiti at nag-uumapaw ang positive vibes nito sa katawan. Some characteristics of him she also wanted to have.

His smile was contagious. Lalo itong gumuguwapo kapag ngumingiti ito. Kahit madalas siya nitong inisin at sample-an ng kakulitan ay nahuhuli pa rin niya ang sariling nagugustuhan ito sa bawat araw na lumilipas.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Nerisse na hindi "Moira" ang kanyang pangalan. May mga pagkakataong pang kapag tinawag siya nitong "Moira" ay hindi agad siya lumilingon. Pero bahala na ito. Mapa-"Moira" man o "Nerisse" ang pangalan na akala nito ay hindi na mahalaga. Hindi rin naman yata ito magtatagal sa San Fabian. Nabanggit kasi nito minsan na luluwas ito patungong Maynila. Hindi nga lang ito sigurado kung kailan at kung babalik pa ba ito.

Ngayon ay nasa bayan sila, mamamasyal lang. Maraming booths sa paligid. May mga nagtitinda ng lobo at mga street foods. At dahil gabi na, maraming ding tao at sa pinakasentro ng bayan ay mayroong perya. Nang magtanong si Mikey sa isang nakasalubong nila ay nalaman nilang malapit na pala ang fiesta ng San Fabian.

Nerisse wore her favorite floral sundress. Halos lahat ng damit niya ay bestida pero iyon ang pinakagusto niya. Si Mikey naman ay komportable sa suot nitong puting round-neck shirt na pinatungan ng black jacket at black pants naman ang pang-ibaba. May camera ding nakasabit aa leeg nito.

"Bili tayo n'on!" yakag ni Mikey kay Nerisse. Hinila ng lalaki ang kanyang kamay patungo sa kariton na nagbebenta ng mga hiniwang pakwan.

"Ang takaw mo talaga!" napapailing na sabi niya. Inabutan nito ng pera ang tindero at binigyan sila ng dalawang hiwang pakwan. She watched him eat. Umagos pa sa bibig nito ang katas ng watermelon. Ngunit wala itong pakialam That only made him cuter.

"Mukha kang si Nora Aunor, Moira," anito at tumawa pa.

"Huh?" Bago pa siya maka-reak ay bigla na lang siya nitong kinunan ng litrato gamit ang DSLR camera nito!

Bumunghalit na naman ito ng malakas na tawa nang sipatin ang nakuhang litrato. "

"Patingin!" Sinubukang agawin ni Nerisse ang camera ngunit naging maagap ito sa pag-iwas. Sa tangkad nito ay hindi niya maabot ang camera na iwinawagayway nito sa ere.

"Habulin mo 'ko!"

"Hey!" Nagtatatakbo na si Mikey. Siyempre ay hinabol niya ito.

Ngunit bigla na naman itong nawala. Maraming tao kaya nahirapan siyang hanapin ang bubwit. Sa'n ba nagsusuot ang bubwit na 'yon? Nakapagtatakang sa isang kisap-mata lang ay nawala na ito sa paningin ni Nerisse. Multo talaga.

Agad nang sumuko si Nerisse sa paghahanap kay Mikey kaya naisipan na lang niyang pumunta sa perya. Naaliw siya sa mga nakikita. Nakapamakulay ng paligid. Ang mga ilaw ay nagkikislapan. Ang mga tao ay hindi magkamayaw sa pagkain sa mga food stalls. Humahalimuyak ang bango ng mga inihaw. Hindi pa nga sumasapit ang bisperas, maging ang fiesta mismo, ay napaka-festive na ng atmosphere ng San Fabian.

Pumasok siya sa entrada ng perya. Wala naman siyang balak gawin roon, lalong-lalo na ang subukan ang mga rides. Mamamasyal lang siya. Nakakaaliw kasi ang lugar. Para siyang bumalik sa pagkabata. Siguro ay dahil noong bata pa siya, hindi niya nasubukang makapasok sa ganoong mga lugar. Palipat-lipat kasi sila ng tirahan sa takot na masukol sila ng mga pulis. Nerisse never had the chance to enjoy her childhood. Wala din siyang maraming kaibigan dahil hindi naman sila nagtatagal sa mga tinirhan nilang lugar. Kahit gusto niyang magpaiwan ay wala naman siyang nagawa dahil kahit noong kaya na niyang mag-isa, ayaw naman siyang payagan ng kanyang ama. Nagsawa na siya sa kakagawa ng mga bagay na gusto nito para sa kanya kaya pati ang pag-aaral ay hindi na niya tinapos. Tutal ay marami naman ailang pera kaya para que pa na magtrabaho siya? Kahit galing sa maduming paraan ang pera nilulustay niya, pinakinabangan na lang niya.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Dec 27, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

My Eerie RomanceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ