Chapter 3 [ New Life ]

27 0 0
                                    

Chapter 3 [ New Life ]

NERISSE exhailed heavily as she stared at the sunset. It had been a long day for her. Pinunasan niya ang noong basa ng pawis. Halos maghapon niyang inayos ang maliit na garden. Nagbungkal siya ng lupa, nagtanggal ng mga damo at nagtanim ng mga bagong bulaklak. She was satisfied with what she did.

Isang buwan na rin ang nakakaraan nang makalayo siya sa ama niya. Somehow, she missed him. Naiisip din kaya siya ng ama? Malamang. Siguro ay patuloy pa rin siya nitong pinapahanap sa mga tauhan nito. Isinangla niya ang mamahaling cellphone at iyon ang ginamit niya para sa kanyang panggastos sa pang araw-araw. Bukod sa isinanglang cell phone, may naitabi rin naman siyang malaking halaga.

Matapos niyang iligaw sina Simeon ay nagtungo siya sa isa pa niyang kaibigan na hindi kilala ng kanyang ama. Nanghiram siya dito ng ilang lumang gamit nito na labis nitong ipinagtataka ngunit ibigay pa rin naman sa ang mga kailangan niya. Pagkatapos ay umalis na siya. Ni hindi niya alam kung saan pupunta. Wala siyang direksiyon. Hanggang sa maalala niya ang dating bahay ng kanyang Tiya Loida. Malayo-layo rin iyon sa Maynila. Hindi siya nangangambang matatagpuan siya doon ng ama niya dahil iyon yata ang kahuli-hulihang lugar na pag-iisipan nitong pupuntahan niya. Mula kasi nang magpakasal ito at ang mama niya ay hindi na muli pang bumalik ang kanyang ina sa dating tirahan. Tanging si Tiya Loida lang niya ang pumupunta sa Maynila upang sila ay bisitahin paminsan-minsan. At nang pumanaw naman si Tiya Loida ay wala nang nakatira doon. Wala na kasing iba pang kamag-anak ang Tiya at Mama niya. Wala namang gaanong sira ang bahay. Kaunting linis lang ang ginawa ni Nerisse at naging maayos na ang lahat.

Pumasok na sa loob si Nerisse. Pagkatapos maglinis ng katawan at kumain ay nagtungo siya sa maliit na sala ng bahay kung saan naroon ang maliit ding altar. Lumuhod siya sa harap niyon at pumikit. Sinimulan niya ang pagdarasal.

Memories of the man she bumped with her car was haunting her for days. Nagi-guilty si Nerisse. Ni hindi man lang niya natulungan ang lalaki. Hindi niya alam kung buhay pa ito o hindi. Pero araw-araw niyang ipinagdarasal na sana ay buhay pa ito para naman mabawasan kahit paano ang kasalanan niya. And she vowed to herself na kapag dumating ang panahon na magkikita silang muli ng lalaking kanyang nabangga-- though wala siyang ideya kung ano ang hitsura nito dahil hindi naman niya ito nagawang lapitan-- ay babawi siya. Hihingi siya ng tawad dito.

Nerisse shivered when she felt a cold breeze in her neck. Nagmulat siya ng mga mata. Hindi naman bukas ang mga bintana at ang pinto, kaya bakit may umihip na hangin?

Ipinilig na lang niya ang ulo at bumalik sa pagdadasal.

Lord, kung buhay pa Po ang lalaking nabangga ko, sana naman ay nasa mabuti siyang kalagayan.  Sa makita ko siya para makahingi ako nang tawad sa kanya--

And she felt another cold wind blew through her neck. And she wasn't imagining this time. Kakaiba ang lamig na iyon. Tila haplos ng malamig na kamay na ginawang hangin.

May multo kaya dito? Kung si Tiya Loida o Mama Luisa man niya ang nagpaparamdam, sana naman ay hindi sa ganoong paraang parang tinatakot siya.

Mukhang kailangan na niyang bisitahin ang mga ito bukas.

MAGANDA ang sikat ng araw pagkagising ni Nerisse kinaumagahan. Alas-otso ng umaga niya naisipang bisitahin ang puntod ng yumao niyang tiyahin at ina. Walking distance lang namana ng semeteryo kaya naglakad na lang siya. May dala siyang payong pang-proteksiyon sa init.

Sa lugar na iyon inilibing ang kanyang ina. Nang mapaslang ito ng mga pulis, ang Tiya Loida na niya ang nag-asikaso ng lahat mula sa burol hanggang sa pagpapalibing kay Mama Luisa niya. Ang amang si Don Israel naman ang lihim na nagpapadala kay Tiya Loida. Ni hindi nila magawang bumisita noong ibinuburol pa ang kanyang mama sa takoy na maaukol sila ng mga pulis.

My Eerie RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon