Chapter 2 [ Hit And Run ]

41 0 0
                                    

Chapter 2 [Hit And Run ]

Nerisse beleived that she was a brave lady. But she was not. Kahit malayo-layo na rin ang binabaybay ng kanyang kotseng minamaneho ay naroon pa rin ang takot na kanyang nadarama.

Paano kung sinusundan na siya nina Simeon? Paano kung marami pang alagad ng kanyang ama ang naghahanap sa kanya? Knowing how influencial his father was, siguradong marami din itong koneksiyon. Mga pulis, mga kapwa nito adik, mga kaibigan at kakilala at kung sinu-sino pa. At iyon ang labis na ikinababahala ng dalaga. She was afraid of her own safety. Baka pagliko niya ng kotse ay tatambad sa kanyang harapan ang mga tauhan ni Don Israel at inaabangan na pala siya. She did not want to be with her father ever again. He made her life miserable. He made her life a living hell.

Hindi madaling mabuhay kasama si Don Rafael. Marangya ang kanilang pamumuhay. As far as she could remember, mula nang magkaisip siya ay natanim na sa kanyang isipan na kailanman ay hindi sila maghihirap. Dahil ang alam niya ay may maganda silang negosyo. Iyong tipong ipagmamalaki ng kung sinoman. But Don Israel fooled Nerisse and her mother. Ang akala nila ay may-ari sila ng ekta-ektaryang lupain na pinapalago ng kanyang ama. Na may mlaki silang farm ng mga bulaklak, orchard at poultry. Akala lang pala nilang mag-ina iyon. In a way, yes, they owned several lands. Pero doon din pala isinasagawa ng kanyang magaling na ama ang mga transaksiyon nito ng droga.

Matagal na palang minamatyagan ng mga pulis si Don Israel. Ngunit kahit isang beses ay hindi pa nasusukol. Wala namang kaalam-alam ang kanyang inang si Luisa dahil isa lamang itong simpleng maybahay. Ni hindi ito nakikialam sa mga desisyon ni Don Israel. Palibhasa taga-probinsiya at hindi nakapagtapos ng pag-aaral, ni hindi na rin nito nangingialam sa mga gawain ng kanyang ama. As long as nasusuportahan sila, okay na ito. Saksi din naman siya sa pagmamahalan ng mga magulang. Na kahit walang gaanong panahon si Don Israel ay ramdam naman niyang mahal sila ng kanyang ama.

Ngunit isang malagim na pangyayari ang nagpabago ng lahat.

Ni-raid ng NBI ang kanilang farm. Nang panahong iyon ay naroon silang mag-ina sa kuwarto at nagpapahinga. Ang akala kasi ng mga pulis ay wala sila roon kaya umaksiyon ang mga ito. Nakipagbarilan ang mga pulis sa grupo ng ama niya. Sa pagkabigla nilang mag-ina ay napalabas sila ng silid.

At natamaan ng bala si Luisa sa dibdib na agad nitong ikinamatay. Walang nagawa si Nerisse kundi ang umiyak nang walang humpay. Sa gitna ng pakikipagputukan ng mga tauhan ng kanyang ama ay nilapitan sila nito at sinabayan siya sa pagtangis.

Nang makahanap ng daan ang grupo ni Don Israel ay isinama siya nito kahit pa labag iyon sa kanyang kalooban. Ayaw niyang iwan ang kanyang ina nakahandusay lang sa sahig habang duguan. Ngunit wala siyang nagawa nang hilahin siya ng kanyang ama upang lumikas.

Simula noon ay nagpalipat lipat na sila ng tirahan. Naka-move on na silang mag-ama sa nakaraan. Tanggap na rin niyang hindi na maibabalik pa ang buhay ng kanyang ina. Hindi gusto ni Nerisse ang pagsama-sama sa kanya ng ama sa mga lakad nito dahil natatakot siyang maulit na naman ang nangyari noon. Ngunit gaya ng dati ay naging sunud-sunuran siya dito.

Nagkalakas lang siya ng loob na tumakas sa anino nito nang sabihin nito sa kanyang ipapakasal siya nito sa anak ng kasosyo nito na isa ring drug dealer. Sawang-sawa na nga siya sa buhay na may amang drug dealer, ipapakasal pa siya sa anak rin ng drug dealer na may posibilidad ding adik?

Oh, c'mon!

And so she escaped. Tama na ang katarantaduhang iyon.

Hindi maiwasang mangamba ni Nerisse nang mapansing may kotseng sumusunod sa kanya. Ilang metro ang layo niyon sa kanya pero kahina-hinala iyon. Kanina pa kasi niya napapansing kahit saan siya lumiko ay sumusunod ang naturang sasakyan.

Binilisan niya ng pagda-drive. Maghahating-gabi naman na kaya wala nang gaanong sasakyan sa kalye. Malapit na siya sa city proper kaya puwede siya doong makahingi ng tulong.

Lumiko siya sa mga eskinita na puwedeng paglikuan, sa pag-aasam na mailigaw niya ang sumusunod sa kanya. Her breath became ragged and harsh. There was that intense feeling on her stomach again. Marahil sa sobrang kaba.

"Bilis, Nerisse!" she encouraged herslelf. Wala na siyang ibang mahihingan ng tulong kundi ang kanyang sarili.

She cringed when she heard her car made a screeching sound when she turned to the left with intense speed. Kumpirmado ngang si Simeon ang sumusunod sa kanya. She drove like a mad girl. Wala na siyang pakialam kung makasagasa siya. Wala rin namang taong pakalat-kalat sa gitna ng kalsada.

Bawat segundo ay mahalaga. Pilit niyang pinapagana ang isip. Nagtaka siya nang hindi na niya makita sa likuran ang sasakyan ni Simeon. Nailigaw na ba niya ang mga ito?

Pagtingin niyang muli sa harapan ay sumulpot ang kotse nito. Marahil nalingat siya. Hindi niya inaasahan na nakakita ito nang shortcut para ma-corner siya. Agad niyang tinapakan ang break upang huminto ang kotse. Umatras siya sa mabilis na kilos. Thanks to her bestfriend Katy who taught her how to drive.

Hindi agad siya nasundan ni Simeon pero nananatiling mabilis ang kanyang pagmamaneho. Sa kanyang muling pagliko ay nakita niyang may papatawid na lalaki!

Hindi siya agad nakapag-break kaya't kahit gusto man niyang ihinto ang kotse ay hindi niya nagawa. Nasagasaan niya ang lalaki.

Napabigik sa sakit si Nerisse nang tumama ang kanyang noo sa manibela sa biglaang pagpahinto niya sa sasakyan. Sa sobrang sakit ay tila mawawalan na siya ng malay. Umagos sa kanyang noo hanggang sa leeg ang dugo niya.

Katahimikan ang bumalot sa ilang saglit. Naipagpasalamat niyang humihinga pa siya. Matindi din ang impact ng pagkabangga dahilan para tumilapon ang lalaki nang ilang metro. Natutop niya ang bibig sa labis na pagka-shock. Wala siyang masabi kundi "Oh, my God!" nang unti-unti na niyang nababawi ang lakas.

She stared at the man lying on the ground for about a minute or so bago siya bumaba. Kailangan niyang madala sa ospital ang lalaki. Napaiyak na lang siya. Ang plano lang naman niya ay tumakas. Pero bakit naging ganito? Nakasagasa siya ng taong inosente.

Nakasuot ng itim na leather jacket ang lalaki. Matangkad ito. Nakapaling sa kabilang direksiyon ang mukha nito kaya hindi niya ito mamukhaan. Nakita niyang umaagos ang dugo sa ulo nito, at iyon ang mas labis na nagpahindik sa kanya. Nakokonsensiya siya lalo.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Iyak siya nang iyak sa sinapit.

She was about to help the man when she heard a beep coming from a car. Si Simeon!

Sa labis na pagkalito at kaba ay hindi na niya nalapitan ang lalaki. Diyos ko, patawad po, pipi niyang panalangin. Kung hindi siya agad aalis ay baka abutan siya nina Simeon at isauli sa kanyang ama.

Sa labis na pagkataranta ay hindi na niya naisip na lumulan sa kotse. Tumakbo siya nang tumakbo nang mabilis hanggang sa kanyang makakaya. Ngunit ang lanyang ipinagtataka ay kung bakit hindi man lang siya hinabol nina Simeon, though she wasn't sure enough kung nakita nga ba siya ng mga ito.

Para makaaigurado na hindi na siya tinutugis ng mga lalaki ay nilingon niya ang pinanggalingan kanina. Nakatayo si Simeon malapit sa lalaking nasagasaan niya. Ang kasama naman nito ay sinilip  ang loob ng kotse niya. Kumunot ang noo ni Nerisse. Marahil ay hindi siya nakita ng mga lalaki kaya huminto na ang mga ito sa paghabol sa kanya.

Nahabag siya sa sinapit ng lalaking nasagasaan. Sana'y mapatawad siya ng Diyos. Hindi naman niya sinasadya iyon.

My Eerie RomanceWhere stories live. Discover now