Chapter 4 [ Neighbors ]

18 0 0
                                    

Chapter 4 [ Neighbors ]

NAIINIS NA bumuntong-hininga si Nerisse. Kanina pa niya nais matulog ngunit hindi naman niya magawa. Sa kabilang bahay kasi ay may naririnig siyang pagtipa ng gitara. Mabuti sana kung maayos ang pagkakatugtog niyon, ang kaso, hindi. Dinig na dinig niya ang ingay na likha ng gitara dahil ang pader ng kanyang kuwarto ay kadikit lang ng silid ng kanyang kapit-bahay.

Sa isang buwang pagtira ni Nerisse doon ay hindi pa niya nakikilala ang kanyang kapit-bahay. Wala naman siyang naririnig noong mga nakaraang araw sa kabila. Ang akala pa nga niya ay walang tao dahil madumi ang bakuran. Nang minsan ring masilip ni Nerisse ang loob ng bahay mula sa bintana ay nakita niyang sobrang kalat ng loob. Tila matagal nang walang nakatira dahil hindi nalilinis.

Naihilamos niya ang dalawang palad sa kanyang mukha. Mag-a-alas onse na ng gabi at napupuyat na siya! Susugurin niya ang walanghiyang kapit-bahay!

Floral duster at tsinelas na goma.lang ang kanyang suot paglabas ng bahay. Hindi na siya nag-bra. Madilim naman kaya hindi makikita ang kanyang hinaharap, though, bumabakat iyon sa duster niya.

Nasa labas na siya ng bahay ng kanyang maingay na neighbor. Tatalak na sana siya nang bumukas ang pinto ng buhay nito. Pagkakita sa kanya ng neighbor niya ay bigla ang pagliwanag ng mukha nito.

"Moira!"

"Ikaw?!" Aba't-- Letse! "Ano'ng ginagawa mo diyan?" Kumukulo na ang kanyang dugo pagkakita pa lang dito. Kaninang umaga pa lang sila unang nagkita nito at hindi niya akalaing ngayon ay makikita niya uli ito.

"Dito ako nakatira. One month na rin."

"Ba't hindi kita nakita?" sabay nilang bigkas.

"Araw-araw akong nandiyan lang sa labas, hindi mo 'ko nakikita? Ano ako, multo?" Namaywang pa siya.

"Malay ko ba?" nakatawa nitong turan. "I barely get out of the house kaya siguro hindi kita napapansin." And he smiled.

Shyet. Why did he had to look at her like he was amused to her? And that smile alone of his brighten up the place kahit madilim na. His hair was disheveled. His eyes were sleepy but that only made him cuter. Medyo pikot na nga ang mga mata nito nang una niyang makita, lalo na ngayon. Napansin din ni Nerisse na hawak nito ang gitara. Malamang na ito nga ang salarin.

"Hoy, lalaki! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman! Magha-hatinggabi na, tumutugtog ka pa rin. Nakakaistorbo ka!" talak niya. Gusto niyang kalmutin ang mukha ni Mikey-- kung tama ang pagkakatanda niya sa pangalan nito-- kaso, may gate nga lang na nakapagitan sa kanila.

"Oops. Sorry. Did I wake you up? Pasensiya na't hindi pa ako gaanong marunong maggitara. Magkadikit lang pala ang silid natin." Ang ngumiti na naman ang punyeta. "Halika. Pasok ka muna. Let's have coffee inside--"

"Ayoko nga! Baka rapist ka pa, 'no! Or worse, mamamatay tao ka pa!" But the truth is, he doesn't look like one. Para ngang kamukha pa ito ng...

Magiging asawa mo in the future? Hihihi! tili ng malanding parte ng kanyang isip.

Tse! Asawa in the future ka diyan! But, he's very familiar to me.

And, his offer was very tempting. Sila, magkakape sa loob ng bahay nito? Aba, ang sweet naman.

He chuckled. "Isipin mo na ang gusto mong isipin. But I am just concerned. Malamig diyan sa labas. Naka-duster ka lang. Ni hindi ka nga nagsuot ng bra, eh."

Niyuko niya ang kanyang "hinaharap". Oo nga naman. Pinagsisihan tuloy niya kung bakit hindi pa siya nag-abalang magsuot ng bra. Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya si Mikey. "Pervert!" Nanlalaki ang butas ng ilong na nilisan niya ang bahay ni Mikey. Pagkapasok sa loob ng tirahan niya ay tiningnan niya sa salamin ang sarili. Her cheeks were very red! When she touched them, they're warm. Sa pula ng mukha niya, para siyang mag-blush on. Dinaig pa niya sina Heidi, Lotlot-- ang "anak-anakan ni Sarah, ang munting prinsesa-- at ni Annabel, iyong manikang chaka.

My Eerie RomanceWhere stories live. Discover now