Chapter 1

99.3K 2.3K 853
                                    

Spencer's Mansion.




The sound of a ringing bell awoke me from my deep slumber. Yes, we have a bell in the mansion that serves as our call time whenever it's time to eat or there's some special occasion and we need to gather altogether. It's irritating because it'll only stop if you're present in the hall.

Hindi kasi pwedeng may nahuhuli sa hapag. Kailangan sabay sabay, kahit pa ayaw mong kumain hindi ka pwedeng tumanggi.

Bumangon ako at bumaba na sa kama. Nagtungo na ako sa banyo ng kwarto ko at ginawa ang morning ritual ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay sakto din ang pagbukas ng katapat kong kwarto na inookupa ni Adrian.

"Ang panget mo ate."

"Hoy! Hindi mo ako salamin."

Tumakbo pa ito palayo ng akmang aambahan ko ito ng suntok.

Nang mawala ito sa paningin ko ay inayos ko ang sarili ko. Dapat kasi may poise palagi. Malilintikan ako kina Lola kapag nag kilos barumbado ako.

By the way, I'm Beatrice Spencer. I'm seventeen and am currently in my last year of my senior year. I'm one of the younger ones among my cousins, and let's just say that I'm a little bit off. Like, I'm always curious and I just want to go on adventures all the time.

Kung sila puro aral at sunod sa magulang ako naman humahanap lagi ng paraan para makapuslit at makapunta sa labas. Duh, nakakapagod din kayang umakto na parang perfect granddaughter and heiress.
Minsan nasama naman sa akin sina ate Charlotte at Arabella. Depende payon kapag wala ang mga magulang nila.

"Bakit ang tagal mo?"

Napahinto ako sa pagpasok sa hapag kainan. Sa mahabang table nandun sa dulo si Lolo at Lola. Nanduon nadin ang mga tito at tita ko pati na mga anak nila.

"Ahm, naglakad pa po kasi ako."

Nakita ko naman ang pasimpleng pagpigil ni Arabella ng tawa. Habang si ate Charlotte ay yumuko nalang. Si Adrian naman ay napailing lang sa akin.

Yung mga matatanda naman ay nakatingin lang sakin na parang may nasabi akong mali.

"Apo, ang tagal mo na dito sa mansion pero bakit hindi mo padin tanda na may elevator tayo dito?"- sabi ni Lolo.

Nakagat ko naman ang inner cheek ko. Oo nga pala meron palang ganon para mabilis kang makapunta sa bawat floor.

"Sorry po"- iyon nalang ang sinabi ko at naupo na sa tabi ni Adrian.

Akala ko magsisimula na kaming kumain pero hindi pa pala. Dahil mas may nahuli pa pala sa akin. Si ate Louise. Woah! Umuwi pala ang isang to. Sa Manila kasi iyan nag aaral ng college e.

Tulad ng palaging nakagawian ay walang nagtanong sa kanya. Tahimik lang itong naupo sa tabi ni Primo na mukhang bored na bored na ang itsura.

"Let's eat now."- anunsyo ni Lola.

I just sigh and force myself to hold the utensils. They're so unfair. Kapag ako sinisilip pero kapag iyon isa ang late, no comment sila.

Sabagay almost perfect na pala ang apo nila nayon. Sa amin lahat kasi sya yung pinaka achiever. Kaya naman na prepressure si Primo dahil kailangan nyang sundan ang yapak ng ate nya. Lahat naman kami may ibubuga, iyon nga lang mas lamang si ate Louise sa ibang bagay.

Kaya lang kahit achiever sya never syang naging fan ng pakikipag socialize. Mismong samin nga na mga pinsan nya e hindi nya magawang makipag usap o ngumiti manlang. May galit yata sa mundo kaya puro libro nalang lagi ang kaharap.

Loving Louise Spencer ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant