Chapter 28

44.9K 1.8K 1K
                                    




Sleep over





Days pass quickly, and it's hard to hide something that comes out naturally. Our chemistry: Whenever we're together, I always find ways to hold her hand or kiss her cheeks without anyone noticing.

The funny part there is that she's always reprimanding me for behaving suspiciously when we're in front of our families, but she can't say no to me when I act cute in front of her.

I guess I'm slowly melting her cold personality.

"Yow, stop day dreaming and move."- Arabella said, behind me.

"Ay nandyan ka pala. Akala ko nilamon ka na ng mga damit sa pinuntahan mong boutique."

Andami nyang dalang paper bags. Samantalang ako ay sa jewelry shop lang ako nagpunta kanina.

Nag mall kasi kami. Gusto daw nyang i-ispoil ang sarili nya habang wala pang pasok. Madalang kasi kaming makapunta sa kahit saan nuon nag aaral pa kami dahil naka focus lang kami sa academic. Except pala sa akin na nakukuha pang tumakas para sikretong gumala sa town.

"Hindi mo ba ako tutulungan?"

"Kaya mona yan. Mas mabigat ang binili ko no!"

"Anong mabigat?! Ang liit lang nga ng paper bag nayan!"

"Worth of 50K to."- pagmamalaki ko pa.

Hindi nya ako pinansin at tinawagan lang ang driver namin para tulungan syang magbuhat.

"Hindi ba tayo kakain?"- nakabusangot na sabi ko. Ang tagal ko syang inantay tapos basta basta nalang kami uuwi? Aba hindi pwede yon!

Narinig ko naman ang pagtawa nya na parang nang aasar.

"My sister has been trying to contact me. 
That is why we are leaving right now."

Hindi nako naka angal. Good girl kasi itong si Bella. Kahit sabihin ko na utuin nya muna si ate Charlotte ay hindi nya gagawin dahil kapatid daw nya ‘yon.

Pagkadating namin sa mansion ay tinulungan ko na syang dalhin ang mga pinamili nya. Sinalubong naman kami ni ate Charlotte na seryoso masyado.

"It looks like you bought the whole boutique, Arabella." - puna ng ate nya.

"Konti pa nga yan."- tukoy nya sa 15 paper bags ng ibat ibang brand ng damit.

"In the meantime, I will tell mom to cut your cards for your own good."

"You're so KJ! I think you should find a boyfriend now so that you will stop meddling——"

"No thanks. I'm in love with acads."- she said dismissively.

Napalunok naman ako nang dumako ang mata nya sa hawak ko.
Bago pa sya makapagsalita ay na kiss ko na sya sa pisnge at nagpaalam na aakyat na ako.

Gusto kong mapahagalpak ng tawa nang marinig ko padin ang panenermon nya kay Bella habang yung ibang maids ay kinuha na yung mga paper bags para iakyat.

Parang kailangan na nga din ni ate Charlotte ng manliligaw dahil nahahawa na sya sa kasungitan ni Louise.

Tinabi ko muna yung binili ko sa drawer at humilata ako sa kama. Wala si Louise dito sa mansion. Nasa Manila kasi ito at nag tetraining ulit sa kompanya bilang mababang empleyado sa umpisa. Kahit kasi may background na sya sa business namin ay mas pinili nya padin ang mababang position kesa ma appoint sa mataas agad. Less pressure daw para sa baguhan na tulad nya.

Pano ko nalaman? Syempre. Close na kaya kami. Minsan nga lang kapag wala syang topak kausap.

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang phone number nya sa contacts. Nakuha ko ito mula kay ate Charlotte pero ngayon ko lang ito naalala.

Loving Louise Spencer ✔Where stories live. Discover now