Through The Test Of Time: Chapter 2

1K 38 2
                                    

Habang abala sa kani-kanilang mga trabaho si Richard ay biglang nagring ang cellphone nito.

"Hello?" Bungad ni Richard ng masagot ang tawag.

"Hey, handsome. D'you missed me?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Greta?" Nagtatakang tanong nito habang kinikilala pa rin ang boses ng kausap nya.

"Ako nga. Grabe hindi mo pa rin nalilimutan ang boses ko. Kumusta ka naman? Kayo ng pamilya mo?" Tanong ni Greta

"Ayos naman kami. Bakit napatawag ka?" Richard

"Wala naman. Gusto ko lang marinig ang boses mo." Mapang akit na sabi ni Gretchen

"Gretch, ano ba?? Akala ko ba tapos na? Akala ko ba wala ng ganito ulit?" Richard.

"Sa tingin mo ba papayag ako ng ganun ganun na lang? Na basta basta na lang ako magpapatalo sa pinsan ko na boring housewife mo?" Sabi nya sabay tawa ng mahina "Ay, oo nga pala, nagbago na pala sya ng anyo. Marunong na syang pumorma. But still, I am better than her. Sabi nga ni Anne Curtis 'there's no other woman better than I am', hahahaha!" Gretchen

"Greta, pwede bang tumigil ka na sa kahibangan mo? Kahit anong gawin mo hindi ko na ulit lolokohin pa ang asawa ko. Ngayon kung wala ka ng iba pang sasabihin ibaba mo na ang telepono." pero bago pa man makapagsalita si Gretchen naunahan na sya ni Richard na magbaba ng telepono.

Gretchen's POV

"Aaaaahhh!!!!!" sigaw nya ng ibato ang cellphone nya sa pader "Bwisit!!!! Ano bang wala sakin na meron sa babaeng 'yon?! Leche talaga! Hindi ako papayag na basta na lang ganito. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ulit ang lalaking gusto ko." sabi nya sabay upo sa sofa

Sana Ngayon Lang ang KahaponWhere stories live. Discover now