Chapter 31

1.5K 29 0
                                    

“Dawn.” Helen

“Hanggang dito ba naman sa opisina manggugulo ka?” Dawn

“Hindi. Hindi ako manggugulo at saka hindi ako magtatagal. Gusto ko lang….. gusto ko lang humingi ng tawad….” Tumulo ang luha nya na kanina pa nya pinipigil malaglag.. “kasalanan ko kung bakit kayo nagkasira ni Richard, nung gabing hindi sya nakauwi dahil nakatulog sya sa bahay ko. Hindi naman mangyayari yun kung hindi ko nilagyan ng pampatulog ang wine nya katunayan nagmamadali nga syang umuwi dahil naghihintay si Kath saka inaalala ka nya. Pero pinilit kong ipainom sa kanya yung wine kaya sya nakatulog. Tapos sinabi ko kay Greta na i-blackmail si Richard para matuloy ang relasyon nila. Akala ko kapag naghiwalay kayo magiging maayos ang buhay ng anak ko dahil ang tingin ko sa’yo pabigat sakanya pero nagkamali ako mas mahihirapan pala ang anak ko kapag naghiwalay kayo. Nahihirapan ako kapag nakikita ko ang anak kong nahihirapan.” Nakayuko sya at patuloy sa pag-iyak..

Napaiyak na rin si Dawn…

“Anong klase kang ina para gumawa ng hakbang na alam mong mali. Ikaw ang sumira sa buhay ng anak mo. Sa buhay ng apo mo. Alam mong hindi kaya ni Kath na maghiwalay kami ni Richard pero ginawa mo pa rin. Sarili mo lang ang iniisip mo. Gusto mo bang balikan ko si Richard dahil maganda na ang trabaho ko? Ganun ba? Pera lang naman ang nakakapagpaamo sa iyo eh!” Dawn

“Hindi sa ganun. Naaawa na ako sa anak ko. Palagi syang lasing hindi sya kumakain andun lang lagi sa kwarto nya nagmumukmok.” Helen

“Nasa bahay mo si Richard? Akala ko magkasama sila ni Greta kaya hindi sya umuuwi.” Dawn

“Matagal na silang hindi nagkikita ni Greta. Hindi nya rin alam kung nasan si Greta at sabi nya wala naman syang balak alamin kung nasan sya.” Helen

“Eh bakit naman sya magkukulong sa kwarto kung pwede naman nya akong kausapin?” Dawn

“Kasi ayaw nya nang guluhin ang isip mo pati relasyon nyo ni Ian. Masaya ka na eh. Ayaw nya ng makigulo hihintayin nya na lang na maka move-on sya. Wala na raw syang karapatan na pigilan ka sa lalaking nagpapasaya sa’yo.” Helen

“Paano nya nasa---.” Dawn

“Nakita nya kayong magkayakap. Kaya dumeretso sya sa bahay ko ng lasing na lasing at iyak ng iyak.” Helen

“Pero hindi naman ganun yun eh. Hindi nya naiintindihan.” Dawn

Bigla naman kumatok ang secretarya ni Dawn para sabihin na mag-uumpisa na ang meeting at sya na lang ang hinihintay kaya nagpaalam na rin si Helen. Buong oras ng meeting ay wala sa sarili nya si Dawn kaya nagpaalam na rin muna sya kay Jean para umuwi nagdahilan na lang syang masakit ang ulo nya para hindi na ito magtanong pa.

Kinabukasan si Gretchen naman ang nagpunta sa bahay ni Dawn

“Anong ginagawa mo dito? Wala dito si Richard.” Dawn

“Ikaw talaga ang sadya ko eh.” Greta

“ At bakit?” Dawn

“Magpapaalam na ako sana bago ako umalis mapatawad na ako ng pinsan ko. Pinapangako ko na hindi na ako magpapakita ulit sainyo. Patawarin mo na ako Dawn. Kahit alam kong mahirap yung hinihingi ko sana mapagbigyan mo ako.” Greta

“San ka pupunta?” Dawn

“Ayoko nang ipaalam pa sa kahit na sino. Basta makakasigurado kang hindi nyo na ako makikita pa.” Greta

“Alam na ba ni Richard?” Dawn

“Hindi ayokong malaman nya mas mabuti na yung ganito. Pakibigay na lang itong sulat sa kanya para magpaalam pero wag kang magalala kahit kay Richard hindi ko sinabi kung saan ako pupunta.” Greta

Wala ng nagawa si Dawn kundi yakapin si Greta. Kahit ano pang naging problema nila magkadugo pa rin sila. At gaya pa rin ng dati once na humingi ng tawad si Greta ay napapatawad nya ito agad..

“Mag-ingat ka.” Dawn

“Aalis na ako. Ikaw na rin ang bahalang magpaalam kay Kath para sakin.” Tumalikod na sya pero humarap ulit sya kay Dawn “Kahit kelan ikaw pa rin ang lubos na minahal nya. Sana hindi pa huli ang lahat para sainyong dalawa.” Ngumiti sya kay Dawn bago umalis. Pagsakay nya ng taxi hinawakan nya ang tyan nya “Huwag kang mag-alala baby kaya naman kitang palakihin kahit wala kang makikilalang daddy eh. Mamahalin kita ng buong-buo.” Greta

End of Chapter 31

Follow, Vote and Comment for dedication ^_^

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon