Through The Test Of Time: Chapter 7

962 32 5
                                    





Chardawn & Leaga



6 pm ng magumpisa ang party sa bahay nina Lea. Maaga dumating sina Dawn para matulungan sina Lea at Aga sa preparation.



"O, Lea ako na dyan. Sige na magbihis ka na dun. Bawal yang gingawa mo eh." pagsaway ni Dawn kay Lea sa pagbubuhat ng mga monoblock chairs.





"Dawn naman. Kaya ko naman ito eh. Magaan lang 'to." sabi nya ng iayos nya ang mga upuan at lagyan ng cover na telang kulay puti at konting pink sa gilid.





"Lea." hinawakan ni Dawn ang kamay nya "Ayaw lang kasi namin na mawala ang magiging pamangkin namin eh." ngumiti sila sa isa't isa





"O sige na nga magbibihis na ako." umakyat na sya kwarto nila ni Aga at saka naghanda para sa party na gaganapin na 20 minutes from now.

Pagbaba ni Lea nakasabay nya si Dawn na kabibihis lang din galing sa guest room followed by Richard na inaayos pa ang polo.



"Babe, ako na." sabi ni Dawn saka inayos ang polo ni Richard. Tinupi nya ito na parang 3/4.





Pinagmamasdan sila ni Lea habang nakangiti dahil sa sobrang sweet nilang dalawa. Na kahit dalawang dekada na silang magkasama eh para pa rin silang mga bata kung maglambingan. Katulad ngayon na panay ang nakaw ng halik ni Richard kay Dawn habang inaayos ang polo nya.





"Lea, baka matunaw naman kami nyan." tukso ni Richard sa kanya.





"Nakakainggit naman kasi ka--" hindi pa man sya natatapos sa pagsasalita ay bigla syang niyakap ni Aga.





"Babes, bakit ka naman maiinggit sa kanila eh mas sweet pa tayo dyan?" sabi nito ng halikan sya sa pisngi.





"Ayun naman pala Lei eh." Sabi ni Dawn sabay tawa.





"Hahaha! Mamaya na yan may mga bisita na tayo." sabi ni Aga. Hinawakan nya ang kamay ni Lea saka sila sabay sabay bumaba.





Si Dawn naman nakayakap sa bewang ni Richard samantalang si Richard ay nakaakbay sa kanya at hanggang ngayon ay panakaw nakaw pa rin ng halik kay Dawn. Si Dawn naman kilig na kilig.



"Good evening everyone." bati ni Aga sa mga bisita nila. "Inimbitahan namin kayo ngayon kahit na wala namang may birthday ni isa sa amin. Hahaha! Wala lang napagkasunduan lang namin ni Lea pati nina Dawn at Richard na magcelebrate para sa pagbubuntis ni Misis." pagkasabi nya nun ay hinalikan nya si Lea kaya naghiyawan ang mga tao "Halos isang taon din namin itong hinintay. Dumating na nga sa puntong sinabi ko sa sarili ko na hindi na talaga darating ang chance na magkakaroon kami ng anak. Then isang araw bigla na lang sinabi sakin ni Lea na hindi pa sya gumagamit ng napkin hahahaha. Tapos pinakita pa nya yung pregnancy test. Two lines." naiiyak pero nakangiti pa rin silang dalawa. Napa "awww" naman ang mga bisita. "Kahit nga doctor nagulat ng ipakita namin ang pregnancy test kasi nga nung huling nagpacheck up si misis eh tipong wala na talagang pag asa. Pero ito, biniyayaan pa rin kami ni God. At yung saya namin ay gusto naming ibahagi sainyo sa pamamagitan ng maliit na salu salo. So, enjoy the rest of the night." bumaba na rin sina Lea at Aga para ientertain ang mga bisita nila.







Habang abala sina Lea at Aga pati na rin si Richard sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nila ay nagpasya muna si Dawn na lumabas.





"Hindi ako nagkamali. Nandito ka!" sabi ng boses sa likod ni Dawn. Nang harapin nya ito ay lumapad bigla ang kanyang ngiti.





Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon