Chapter 5

1.8K 32 2
                                    

“Oh Greta maaga ka atang nagising?”  Dawn

“Nagluto lang ako ng breakfast.” Gretchen

“Ah ok. Marunong ka pala nyan……”  sabay tingin sa inihahanda ni Greta.. actually itlog lang naman yun pero hindi nya inasahan na marunog din pala itong magluto kahit paano.. “Ahh ibig kong sabihin marunong ka palang magluto.”  Dawn

“Prito lang. Galit ka pa ba?”  Gretchen

 

Tumingin muna si Dawn sa kanya bago nagsalita “Kalimutan mo na alam mo namang sandal lang at nawawala na ang galit ko sayo.”  Sabi ni Dawn kaya napangiti naman si  Greta.

 “Kain ka na.”  Gretchen

“Halika na sabay na tayo.”  Dawn

“Di mo gigisingin yung mag-ama mo?”  Gretchen

“Gising na, nauna lang akong bumaba hinihintay pa ni Chard si Kath nagbanyo eh….O ayan na pala.”  Dawn

“Good morning mommy, good morning tita.”  Kath

“Good morning baby. Good morning babe.”  Nag kiss si Dawn sa mag-ama

“Sweet naman.”  Gretchen

“Mag-asawa ka na kase hahahah.”  Dawn

“Oo nga pala hindi mo nasagot ang tanong ko kagabi na anong gusto mo sa lalaki baka may maireto ako sayo.”  Richard

“Ah..gusto ko katulad mo.”  Gretchen

“Naku mahirap yan. Wala akong katulad eh di ba Love..?”  Richard

“Oo nga tita, atsaka si daddy para kay mommy.”  Kath

“Kath hindi naman yun ang ibig sabihin ng tita mo.”  Dawn

“Kahit na. Para lang maliwanag na walang pwedeng umagaw sa daddy ko kahit sino. Magagalit ako! Kahit na ikaw pa yon tita Gretchen.”  Kath

“Hay nako tama na kain na anak. Ubusin yan ha?”  Dawn

“Hay nako…Love, san ba nagmana itong batang ito parang matanda kung magsalita?”  Richard

“Ewan ko nga ba dyan babe. O kanin.”  Dawn

“Thanks.”  Richard

Si Gretchen naman natahimik sa sinabi ni Kath….

Pagkatapos nilang mag umagahan.. Si Dawn ang nagligpit syempre tinulungan din sya ni Richard then after maghugas ng pinggan sinamahan nila si Kath manuod ng tv sa sala..

Si Richard naka-half-laid sa sofa si Dawn naman naka-unan sa chest ni Richard tapos si Kath nasa gitna ng dalawang legs ni Dawn. Si Gretchen naman andun sa may kusina nakatingin lang sa kanila.

“Sweet talaga ni Richard ayaw nyang nalalayo si Dawn. Mawala lang ng konti sa paningin nya parang ikamamatay nya na. Idagdag pa ang anak nilang mahal na mahal sila’t hindi kayang mabuhay pag nasira ang pamilya nya.”  Gretchen

Matagal-tagal rin syang tumingin sa mag-anak….Aakyat na nga sana sya sa kwarto pero….

“Babe..ikaw talaga nagnanakaw ka ng halik haha.”  Dawn

“So?”  Richard

“So?! Hindi pwede yan..gaganti ako.”  Hinalikan din ni Dawn si Richard sa labi pero dampi lang.

“Ako din sali..”  Sabay halik ni Kath sa mommy at daddy nya.. “I Love You both.”  Tapos ay bumalik sa pwesto nya..

Napatingin ulit tuloy si Gretchen sa kanila…

“Sana ako nalang si Dawn. Sana akin na lang ang ganyan kasayang pamilya ni Dawn.”  Gretchen

Hindi kase naranasan ni Gretchen na magkaroon ng masayang pamilya kahit na mayaman ang mga magulang nya palagi naman itong wala sa tabi nya hindi katulad ni Dawn na kahit kapos sa pera busog naman sa pagmamahal nang pamilya. Kaya ganun na lamang ang itinatago nyang inggit sa pinsan nya. Magkapatid ang mga tatay nila pero ang daddy lang ni Gretchen ang swerte sa trabaho. Pero lagi nyang sinasabi sa isip nya na hindi nya kelangan ng maraming pera ang kailangan nya pamilya. Katulad ngayon si Dawn nakabuo ng masayang pamilya…

“Bata pa lang tayo Dawn ikaw na ang maswerte sa pamilya, hanggang ngayon ikaw pa rin.”  Sabi ni Gretchen sa isip nya.

End of Chapter 5

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon