CHAPTER 2

6 2 0
                                    




CLARK

"What the actual fuck?! How the hell are you here?!"

Bulalas ni Clark sa gulat ng makita si Norman na nag-aabang sa kanya sa arrival gate ng airport. He thought that Norman was still in New York to take care of a deal with a luxury brand with Arceus. Hindi niya inaasahan na nandito na rin pala ito sa Pilipinas.

"Hi baby boy!" Sabi sa kanya ni Norman habang yakap-yakap siya ng mahigpit. "I missed you!" Pahabol pa nito sa kanya nang tanggalin siya nito sa pagkakayakap.

Hinampas niya ang balikat ni Norman sabay inirapan ang lalaki. "Paanong nauna ka pa sakin dito? Eh pagka-alis ko sa airport, nasa apartment ka pa?" Takang-taka talaga siya.

His flight got delayed. Instead of arriving in the Philippines on a Tuesday afternoon, he arrived on Wednesday morning. Noong papaalis na sana ang eroplano pagkatapos mag-stop over sa Japan, nagkaproblema ito at pinag-stay muna silang mga pasahero ng ilang oras sa airport. Mabuti na lang at maayos ang paghahandle ng mga pasahero sa Japan. Nasabihan niya ang HR director ng Arceus na Tuesday siya makakauwi ng Pilipinas ngunit hindi na niya ito na-update regarding sa delay dahil sa biglaang nangyari.

Norman woke him up in his thoughts saying, "What can I say? I'm a man with great tricks." Norman chuckled and added, "But I used my private plane. I wanted to surprise you. And alam kong hindi ka papayag na sumama sakin using that plane. Ikaw pa ba? And alam ko yung delay na nangyari sa'yo so yeah, that's how I am here"

Umirap nalang ulit siya ng may ngiti sa labi at sabay silang lumabas ni Norman ng arrival gate habang naka-akbay ang lalaki sa kanya at tulak-tulak nito ang dalawang bagahe niya at siya naman ay ang kanyang Brunello Cucinelli backpack.

Ito na, nandito na talaga siya sa Pilipinas. Bagong buhay sa lupang sinilangan. Paghahabi ng mga litanya ng isip niya. Hindi niya maisip noon na babalik pa siya dito sa Pilipinas. Wala naman na kasi siyang babalikan pa bukod sa mga kaibigan niya. Pero ngayon na nandito na ulit siya, at kakatapak niya pa lang, parang ayaw na ulit niyang umalis pa.

Tuluyan na silang nakalabas ng arrival gate ni Norman at tinungo ang parking lot. Nang makarating sila sa parking lot ng airport, nakita niya ang kotseng dala-dala ni Norman at napataas siya ng kilay.

"Really? A sports car? In the Philippines?" Usig niya kay Norman. Sino ba naman ang matinong tao na gagamit ng sports car sa siyudad? Huling pagkakatanda niya dito sa Pilipinas ay napaka-trapik pa dito at maraming humps sa kalsada. Bawat kanto ay mayroon. Sobrang trapik na kahit yata pagong ay mauunahan ka pang makapunta sa destinasyon na gusto mong puntahan.

"Only the best for my baby boy" sabay kindat sa kanya ni Norman.

Pinagbuksan pa siya ni Norman ng pinto ng kotse bago nito idineposito ang mga kanyang bagahe at bag. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Bulong ng isip niya. Pumasok na rin sa kotse si Norman at pinaandar ang kotse.

Ilang minuto na nilang binabaybay ang siyudad at hindi niya maiwasang tumingin sa bintana at mapaisip sa mga nakikita. Ang laki ng pinagbago. Trapik pa rin pero iba na ang presensya sa kanya ng Pilipinas. Sa walong taon na wala siya rito, para na rin siyang dayuhan sa sariling bansa. Mga nagtataasang gusali, mga naglalakihang billboard, at mga pribadong kotse sa daanan. Hindi na ba uso ang jeep dito? Yumaman na ba ng sobra ang mga tao sa Pilipinas? Mga tanong niya sa isip niya na hindi niya rin maiwasang matawa.

"What's it?" Putol ni Norman sa pag-iisip niya.

"Nothing. I'm just wondering where are the jeepneys? It seems like they phased it out already. Look, I can't see anything except for those buses that looked like in New York roaming around getting public passengers a ride. And the flight.... the flight was something" sabi ni Clark

Clark QuintanaWhere stories live. Discover now