CHAPTER 3

10 2 0
                                    

CLARK

Nagmamadaling maghalughog si Clark nang kanyang mga damit sa mga bagaheng baon niya at naghahanap ng disenteng masusuot. Hindi naman sa wala siyang disenteng damit na baon, hindi lang kasi niya alam kung ano ang mga dinala niya dahil ang plano niya ay dito mamimili ng mga damit. Ayaw niyang magdala ng maraming bagahe sahil hindi naman siya magbabakasyon dito sa Pilipinas. Dito na siya maninirahan.

Alas otso na nang gabi at wala pa rin siyang mahanap na damit. Sunod-sunod na mura ang sinisigaw niya sa isipan niya.

Nang magising siya kaninang alas tres ng hapon, sunod-sunod ang pag-iingay ng kanyang cellphone. At nang makita niyang ang mga kaibigan niya ang tumawag, sinagot niya ito at nag-aayang mag-dinner at uminom. Pa-welcome back daw sa kanya dito. At siyempre sagot na niya this time.

Kahit may kaunting jetlag pa ay umoo siya sa mga ito. After eight years, ngayon na lang ulit sila makukumpletong magkakaibigan. Kahit ang mga ito ay minsang bumibisita sa kanya sa Amerika noon, hindi sila makumple-kumpletong magkakaibigang pito.

Laking pasasalamat ni Clark sa himbing ng tulog niya kanina at nakabawi siya ng lakas para sa lakad nila ngayon.

Napagdesisyunan ni Clark na manamit ng simple. He put a mental note to buy garments, groceries at some furnitures sa unit niya sa weekend. Hindi naman ito bare unit ngunit gusto niyang baguhin ang ibang kagamitan.

He now has a faded cut hairstyle, a double lobe piercing on each ears, a triple helix on the left side, a daith and an inner conch pierce on the right side. He still kept his septum piercing on his nose over the years.

He was wearing Zara from top to bottom. The most casual he brought to him. A navy blue color textured knit t-shirt that hugged is lean body, a high waisted dark pleaded trousers, and an oversized dark blazer. He partnered it with a cream colored Balenciaga S sneakers.

Ikinabit niya rin ang kanyang custom Cartier necklace with rectangular pendant na ibinigay sa kanya ng kaibigan niyan si Xavier noong binisita siya nito sa America nang magbakasyon. Apat na singsing naman ang isinuot niya, tatlo sa kaliwang kamay at isa sa kanang kamay, at isinuot niya ang kanyang Versace Hellynium watch na regalo sa kanya ni Norman. Isinukbit niya sa balikat ang kanyang ang kanyang black leather Louis Vuitton trunk clutch bag para makumpleto ang suot niya.

Natapos siya sa pag-aayos at tiningnan ang sarili sa full length mirror na nasa unit niya. Looked decent. I'm going full on dark mode huh? No color like my life. Natatawang sabi niya sa isip niya. He then decided to go with Bvlgari for tonoght's perfume.

Bago siya umalis ng condo unit, sinigurado niya munang nakasara lahat ng kuryente at ini-lock ng ang pinto ng mabuti. Nagpadal rin muna siya ng mensahe sa mga kaibigan na papunta na siya.

Habang hinihintay niya ang elevator, ikinabit na muna niya ang kanyang airpods pro upang makinig ng musika.

Nang bumukas ang elevator na hinihintay niya, bigla siyang nanlamig at natulos sa kinatatayuan niya. Hindi niya inaasahan na dito niya makikita ang taong hindi pa siya handang makita.

Right in the flesh, the fucking Timothy Castro.

TIMOTHY

Nasa loob ng elevator si Timothy at nakatungo sa kanyang cellphone. Pababa na siya sa kanyang sa unit niya sa condo na ito dahil dito siya natulog matapos ang inuman nila kagabi ng magkakaibigan. Ito kasi ang pinakamalapit na matutuluyan niya around the exclusive city. Ang iba niya pang unit ay malayo-layo mula sa ininuman nila kagabi.

Ngayon naman ay gigil na gigil ito kay Norman na ngayon ay nag-aaya na naman ng inuman sa kanilang magbabarkada. Kung dati ay pwede ang biglaang lakad sa kanya, ngayon ay hindi na. Mag-aalas nueve na ng gabi at kailangan niyang umuwi sa mansyon ng mga Castro dahil reunion ng kanilang pamilya.

Clark QuintanaWhere stories live. Discover now